Chapter 14: Am i.....?

8.6K 208 21
                                    



GAB

"I'm sorry, Gab. Sorry... Forgive me if I prioritized my career more than anything right now. Sana maintindihan mo ako. Believe me...I don't want to hurt you but I need to do this. We need to cool off. Sana maintindihan mo ako." Elle pleaded with a broken voice while she was trying to convince me to agree to give our relationship a break.

Did she even know what she was saying? Maski naman siguro sinong boyfriend hindi maiintindihan kung bakit iyon ang gusto niyang mangyari!

"Fuck with that! Why do we need to cool-off?! Maiintindihan ko kung aalis ka lang but this?! I really don't get it!" I let out all of my frustrations and put all my anger by kicking some pots of flower in our garden. Basag lahat ng malalaking paso at nagkalat ang mga mamahaling bulaklak ng mga iyon but I couldn't care less

"Stop it, Gab! Kaya tayo hindi nagkakaintindihan dahil mas pinapairal mo 'yang init ng ulo mo! Diyan naman magaling eh!" Singhal ni Elle sa akin na lalo ko lang ikanainis. Ito pa ang may ganang magsabi ng ganoon sa'kin ngayon!



"Damn it! I don't care! Eh ikaw saan ka magaling? Sa pang-iiwan? Could you please be honest with me? Why do you need to ask a cool off? Is there already somebody else? Someone who's better than me? Someone who's richer that you think can satisfy your whims?" those words slipped out of my mouth before I could even realized that it was wrong.

I was about to take it back but I already felt her palm landed so hard on my cheek. Napasapo ako sa pisngi ko at nanghihinang napatingin ulit sa kanya. But I was dumbfounded when I saw her face. She was crying and

"That's it! Nasabi mo rin ang iniisip mo! You think I'm that kind of girl? Kung 'yan ang tingin mo sa'kin...then so be it!" Elle said with a tone full of hatred and disgust. She wiped her tears and looked at me with sorrow. Magsisi man ako ay huli na dahil mabilis na niya akong iniwan na mag-isa.

I think that is how our relationship ended. It was all fuck up and I guess, it was all my damn fault!

Her flight to America will be early tomorrow. Dahil sa katarantaduhang nagawa ko kanina, hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na makapag-paalam man lang sa kanya.

ELISE

"So how are you, hija? Nagpakabait ka naman ba noong wala kami?" tanong ni Daddy sa akin habang nasa hapag kami at kasalakuyang inihahain ng aming mga kasambahay ang mga pagkain.

Masayang masaya ako ngayon dahil kasama ko na ang mga magulang ko matapos ang ilang araw nilang pagkawala dahil sa business trip.



"Oo naman po, Daddy." Masayang tugon ko.



"Nanaba ka yata ng wala kami sweety?" Sabad na komento naman ni mommy. Marahil ay napansin niya ang maluwag na damit na suot ko ngayon.

"Ang sarap po kasi magluto ni manang, eh." Sagot ko. Pero totoo naman ang sinabi ni mommy. Pakiramdam ko ay tumaba nga talaga ako dahil sa dami ng kinakain ko nitong mga nakaraan.



"Ano ba yan? Bakit po ang baho niyang kare-kare niyo, manang?" komento ko nang ihain sa hapag ang kare-kare. Mabilis akong napatakip sa ilong ko.



Nawi-werduhan naman sina mommy at daddy na napatingin sa akin.



"Sweety? Hindi naman ah... Kelan pa naging mabaho ang paborito mo?" maang saad ni mommy.



"Your mom's right. Hindi naman mabaho, eh." nakakunot noong sang-ayon naman ni daddy sa sinabi ni mom.



Pero mabaho naman talaga kasi eh! Para na nga akong maduduwal dahil sa sobrang sama ng amoy eh! It's weird that I'm just the only one who smell that awful food!



"May gagawin pa po pala akong mga assignment. Mamaya nalang po ako kakain. Nakalimutan ko pong kailangan ko na palang tapusin iyon dahil maaga naming ipapasa bukas." palusot ko sa magulang kong nakakunot noo pa rin.



"Hija...mamaya na kapag tapos ka nang kumain." Bilin ni dad pero mabilis akong umiling.



Gosh! Hindi ko na talaga matatagalan pa ang mabahong amoy ng kare-kare!



"I'm sorry, dad pero marami po kasi iyon eh." Giit ko.



Bago pa muling magsalita ang mga magulang ko ay mabilis na akong umakyat at pumunta sa aking kwarto. Hindi ko na kasi talaga kaya! Agad akong nagtungo sa aking sariling banyo at doon na tuluyang naduwal. Parang nahihilo pa nga ako. Ganoon ba talaga kalakas ang epekto ng amoy ng kare-kare?



Bakit nga kaya ang baho ng kare-kare ni manang ngayon? Samantalang hindi naman ganoon ang amoy niyon dati kapag nagluluto siya? At bakit ako lang ang nakaka-amoy na mabaho iyon?



Nang matapos kong maghilamos at magmumog ay napatingin ako sa salamin. Ang taba ko na talaga! Umikot ako sa life size mirror at napansing parang lumapad din ang balakang ko.



Nang mahimasmasan na ako ay umupo ako sa aking swivel chair sa desk ko. What's happening to me? Bakit ang weird ng mga nararamdaman ko lately?! Napabuntong-hininga na lang ako. Papanindigan ko nalang ang pagpapalusot ko. Nagi-guilty na naman ako dahil nagawa ko na namang magsinungaling.



Sinimulan ko ng buklatin ang mga notes ko. Pero parang walang pumapasok sa isip ko. Napakamot ako sa aking noo. Ganoon ang ginagawa ko kapag hindi ako makapag-isip.



Isinara ko na ang notes ko dahil sa frustration. Hindi talaga ako makapag-focus kahit anong gawin ko. Naisip kong tawagan si Vivian at makipag-usap na lang dito. Idinial ko ang numero nito pero kapag minamalas ay naka off naman ang cellphone ni Vivian!



Hopeless na ipinatong ko ang ulo ko sa mesa. Dahil doon ay napatitig ako sa mini calendar na nakapatong roon. Napatampal ako sa sarili nang may napagtanto ako. Paanong hindi parin ako dinadatnan ng monthly period? Halos mag-i-isang buwan na akong hindi dinadatnan ng dalaw!



Napamaang ako hanggang sa may kung anong sumagi sa isip ko. Isang hindi magandang ideya.



Hindi kaya...buntis ako?



"H-Hindi..." wala sa sariling nasambit ko sa aking sarili habang umiiling. Imposiple, 'diba? Hindi maaari.



Pero kahit ayoko sa ideyang iyon ay inisip ko iyon ng mabuti. Iyon nga kaya ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga nararamdaman ko ngayon? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang mga palad ko nang muli kong maalala ang namagitan sa amin ng lalaking iyon noong gabing iyon.



Isang beses lang naman iyong nangyari. Paanong...paano ako mabubuntis ng ganun kabilis? Sinapo ko ang ulo ko at naiiyak sa posibilidad na iyon nga ang dahilan. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa pagkabalisa.



"Best! nakikinig ka ba ha?" narinig kong sinabi ni Vivian sa'kin kaya nagbalik ang aking ulirat. Kasalukuyan kaming narito sa aking kwarto.



Matapos ang klase ay niyaya ko siyang magsleep over sa amin. Umuwi lang siya saglit kanina upang magpaalam sa kanyang mga magulang at kumuha ng mga damit. Sabado naman bukas kaya pinayagan na rin siya.



"Ah... ano ulit yung sinasabi mo?" tanong ko habang inaayos ang sarili.



Humalukipkip ito at may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon.



"Nevermind! Tapatin mo nga ako, Elise. Kanina ko pa napapansing parang wala ka sa sarili mo. May problema ka—?"



Hindi na nito natapos ang nais sabihin nang agad akong napatakip sa bibig ko at mabilis na nagtungo sa banyo. Agad kong inilabas ang kanina ko pa pinipigil na pagduduwal.



Mabilis naman niya akong sinundan sa banyo at marahang hinagod ang likod ko.



"Oh my God! Anong nangyari sa'yo? Bakit nagsusuka ka? May sakit ka ba?" sunod sunod niyang tanong habang patuloy ang paghagod niya sa likod ko.



Nang masaid ko na ang lahat ay naiiyak na napaharap ako sa kanya. Sa tingin ko ay kailangan ko nang sabihin sa kanya ang nangyari. Kailangan ko ng masasandalan ngayon. Kailangan ko ang tulong niya. I need her.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon