Chapter 21: Revelations

9.2K 219 13
                                    

Very short update only.






×××



GAB's POV



Parang tangang paikot-ikot ako sa harap ng operating room. Habang si vivian, hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak. Kanina pa niya sinisisi ang sarili.





"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari kay elise! Kasalanan ko 'to lahat!" emosyonal na saad ni vivian habang humahagulgol.





Narito na kami ngayon sa harap ng operating room kung saan kaagad dinala si elise. Samantala, yung bumaril sa kanya tumakbo agad kaya hindi na namin nahuli. Pero ngayon ay pinaghahanap na siya ng mga pulis. Hanggang ngayon, clueless pa rin kami kung anong nangyari at kung bakit binaril si elise. Mabuti na lamang at sa kaliwang braso niya lamang siya nadaplisan. Tinawagan na rin ni vivian ang parents niya. Unfortunately, nasa out of the country ang parents ni elise ngayon. Pero ang sabi ni vivian, uuwi na daw ang mga ito.



And speaking of elise, napakaliit talaga ng mundo. Tama ang hinala ko na siya nga ang babaeng... paano ko ba to sasabihin? Let's say, naka-one night stand ko sa hotel. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko pa rin sinasabi kay vivian ang tungkol doon. I mean, wala akong balak siraan ang pagtingin niya sa bestfriend niya.




"Stop blaming yourself. Ako dapat ang sisihin sa nangyari sa kanya. Kung hindi ko sana siya hinayaang maunang lumabas, hindi sana nangyari ito. I'm sorry couz, i failed you. Hindi ko siya naprotektahan." I nodded, and yes... sinisisi ko rin ang sarili ko. Hindi ko nagampanan ang obligasyon ko sa kanya bilang escort niya.



Huminto sa pag-iyak si vivian at napatingin sa akin. Mababakas sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ko. Magsasalita na sana ito nang biglang bumukas ang pinto ng operating room at mula doon ay iniluwa nito ang doktor na sumuri kay elise. Agad kaming napatayo at lumapit rito.




"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong nito.



"Opo doc, kumusta na po ang kaibigan ko?" bungad rito ni vivian.




"Don't worry, she's okay now. Kailangan lang muna niyang mag-stay rito sa hospital for 12 hours and then makakauwi na rin siya by tommorrow." assurance ng doctor. Dahil doon ay nakahinga ba rin ako ng maluwag.




"Thank you doc."


Aalis na sana ang doktor ng bigla itong may maalala.


"Oh I forgot, by the way... Okay lang ang baby niya." saad nito bago tuluyang nawala na siya sa aming paningin. Napakunot-noo ako. Baby? Nagtatanong ang mga mata kong napatingin kay vivian. Parang hindi man lang ito nagulat sa narinig.


"Baby? Buntis si elise?" tanong ko rito. Tumango lang si vivian. Hindi agad ako nakapagsalita. Marami ng rebelasyon ang nalaman ko ngayong araw.



"Alam ba ito ng mga magulang niya?" tanong ko ulit rito.


"Hindi. Hindi pa nila alam ang tungkol dun kuya. At hindi pa kayang ipagtapat ni elise ang tungkol doon sa mga magulang niya. Dahil alam niyang madi-dissappoint niya sila. Natatakot din siyang baka itakwil din siya ng mga magulang niya." saad nito.



"Pero sooner or later, malalaman din nila. Hindi niyo yun maitatago habang-buhay." saad ko.



Napabuntong hininga si vivian. "Alam ko, alam namin... pero, natatakot pa siyang sabihin sa mga magulang niya "





"Bakit siya matatakot? At anong ginagawa nung boyfriend niya? Bakit hindi siya magpakalalaki at harapin ang parents ni elise?" sunod-sunod na tanong ko rito.




Upset na napatingin sa kanya si vivian. "Pero kuya, wala siyang boyfriend!" she sighed.



Naningkit ang mga mata ko sa narinig. "What?! Eh paanong-" tila nabasa ni vivian ang iniisip ko.


"It's just a one night stand for pete's sake! Hindi namin alam kung sino at nasaan ngayon ang lalaking iyon." napahawak ito sa kanyang sentido at saka iyon hinilot.




One night stand? Hindi kaya...



Hindi kaya siya ang lalaking tinutukoy nito? Alam niya sa sariling siya ang nakauna kay elise! Napatanga na lang siya.  Hindi niya alam kung anong pwedeng sabihin.




- Π -



Matapos dalhin si elise sa isa sa mga private room doon ay pinauwi niya muna si vivian. Nung una ay ayaw nitong umalis sa tabi ng kaibigan. Pero pinilit niya ito, hindi pa kasi ito nakakapagpalit at alam niyang pagod at wala pang pahinga ang pinsan. Sinabi niya rito na aalagaan at babantayan niya ng mabuti si elise. Kahit doon man lang ay makabawi siya. Sa kalaunan ay pumayag na rin ang pinsan niya.



Mabuti na lamang at may extra tshirt siyang dala sa sasakyan niya. Dahil doon ay nakapagpalit na siya.


Ngayon nga ay gising pa rin siya at nakatingin lang sa mukha ng dalaga. Wala pa rin itong malay. Napaka-payapa ng mukha nito. Mala-anghel ang mukha, kahit sinong lalaki ay sigiradong mahuhulog ang loob rito.Napatingin siya sa impis pa rin na tyan nito.




Paano nga kaya kung tama ang hinala niya na siya ang lalaking tinutukoy ni vivian kanina? Natatandaan pa kaya siya ni elise? Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nagising na ito? Ano pa kaya ang pwedeng mangyari sa hinaharap?




Ang daming tanong sa isipan niya. Pero isa lang ang may kasiguraduhan sa isip niya. Kung totoo man ang hinala niya na siya nga ang ama ng bata sa sinapupunan nito...




pananagutan niya ito.


×××



To be continued :)
VOTE & COMMENT

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon