Epilogue! Enjoy reading!! Ciao! :*~*~
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa sarili ko sa harapan ng salamin matapos akong maayusan at maisuot ang wedding gown ko.
Nagustuhan ko at tingin ko'y bumagay naman sa'kin ang defined soft smokey eye and nude peach lip make up ko. Natural na natural kumbaga and very light lang.
Umikot ako para suriin ang wedding gown ko—ang White Chiffon cap sleeves na siyang maternity wedding gown ko.
Hinaplos ko ang malaking umbok na tyan ko. God! I can't believe i'm on my nine months already!
"Baby.. Behave ka mamaya, okay? Wag muna lalabas baby hmm?" kausap ko kay elisia. Nagulat ako ng sumipa ito. Napangiti nalang ako.
"OH MY GOODNESS! You look absolutely beautiful, sweetie," bulalas ni Mommy pagkakita sa'kin.
"Thank you Mommy.." nakangiting sagot ko.
Bumuntong hininga si Mommy, "Hindi ako makapaniwalang ikakasal na ang baby ko." madamdaming pahayag ni Mom.
Hinawakan ko ang mga kamay nito, "Mom.. I'm sorry. Napaaga akong—"
"Sshhh... Don't mention it. Nandito na tayo kaya wala na tayong magagawa. Ang gusto ko lang, sana sa bahay muna kayo tumira. Kahit hanggang sa mag-one year old lang si Elisia."
"Okay, po. Sasabihin ko po kay Gab." sabi ko nalang para mapanatag na si Mommy.
Tumango ito at ngumiti, "By the way.. I wanted to give you something that I hope you will treasure forever," aniya. Inilabas nito ang isang maliit na kahon.
Napakunot-noo ako at tinignan iyon, "What's that, Mom?"
Inilabas nito ang isang gold necklace na may pendant na maliit na susi.
"Lahat ng babae sa pamilyang fortalejo ay isinusuot ang kwintas na ito sa araw ng kasal nila. Ibinigay 'to sa'kin ng lola mo at ngayon naman gusto kong pakaingatan mo ito." tinutukoy nito ay ang mama ni daddy.
"I want you to wear it because this necklace significe happiness and true love." paliwanag niya. Isinuot niya sa'kin iyon at napangiti na lang ako.
"Thank you so much, Mom." maluha-luhang saad ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Aahh.. Let's stop this drama now before you could ruin your make up." ani mommy nang kumalas na sa yakap ko.
Natawa nalang ako. Oo nga.. baka masira 'tong make up ko. Kaya inayos ko na ang sarili ko.
"Nandyan na yung sundo mo.. Ready?" nakangiting tanong ni Mommy na siyang nagpakabog sa puso ko. Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga bago tumango rito.
Oh my god! This is it!
〜Ꮘ〜
The next thing thing I know, I was walking down the aisle with everyone standing looking at me with the deepest admiration.
Lahat ng taong mahalaga sa'kin ay narito ngayong lahat at nakatuon ang buong atensyon nila sa'kin. Napangiti ako ng makita si Vivian. Yes! Umuwi talaga siya para masaksihan ang pag-iisang dibdib namin ng pinsan niya. Nag-thumbs up siya sa'kin at sinuklian ko lang siya ng isang tipid na ngiti. Narito rin sila Elle at ang ang asawa nitong si Scott Astrid pati na rin sina Jane at Arnold na nasa gilid at sweet na sweet na naman sa isa't-isa.
Inakay na ako ni Daddy na ngayon ay gwapong gwapo rin sa suot ng tuxedo.
"Your so beautiful, hija." bulong ni Dad.
BINABASA MO ANG
One Wicked Night | ✔️
Romance[COMPLETED] Her life changed because of that one wicked night. Paano niya maitatama ang lahat? Formerly: Strange Love