Chapter 12: Justice

9.2K 227 3
                                    

Matapos ang klase namin ay nagtungo na ako sa guidance office. Maigi kong pinag-isipan ang gagawin ko kung itutuloy ko ba o hindi. Kwinento ko kagabi kay Vivian ang narinig kong usapan nila Jen. She got so mad and worried about me at the same time.

Tinanong niya ako kung ano nga bang nangyari sa akin ng gabing iyon. Kinabahan akong magsabi ng totoong nangyari sa kanya kaya hanggang sa pag-iwan lang sa akin ni Charles sa kwarto ang naikwento ko sa kanya.

Halos umusok ang ilong niya sa galit. Gusto niyang sugurin si Jen kagabi para pagsasabunutan ito pero pinigilan ko siya. Sinabi ko sa kanya ang balak kong pagsuplong kay Jen sa guidance office at ipaubaya nalang namin sa guidance counselor ang pagpataw ng parusa kay Jen.

Hindi basta basta ang ginawa nila Jen sa akin at alam kong pwede ko rin silang ireklamo sa DSWD. Pareho pa naman kaming menor de edad ni Jen. Pero naisip ko ang mga magulang ko. Alam kong kapag nagsabi ako sa kanila ay tatanungin nila ako kung anong nangyari noong gabing iyon at iyon ang iniiwasan kong mangyari.

Ang maungkat ang gabing nangyari sa buhay ko na pilit kong kinakalimutan.

Magkasama kaming dalawa ni Vivian sa pagpunta sa guidance office nang magbreak time kami. Habang tinatahak namin ang daan papunta doon ay kinakabahan na ako sa kung anong pwedeng kahinatnan ng mangyayari pero pinapatatag naman ni Vivian ang loob ko. Mabuti na lang at kasama ko siya ngayon at pinapatatag niya ang kalooban ko.

Mahinang katok ang ginawa ko bago ko tuluya pinihit ang seradura ng guidance office. Sobrang lamig ng mga kamay ko sa mga oras na ito. Tumango si Vivian sa'kin biglang pagsuporta. Tumango ako at nginitian ko siya bago tuluyang pumasok sa loob, nagpaiwan na lang si Vivian sa labas.

"Good morning po" magalang na bati ko sa aming matandang school counsellor pagpasok ko.

Inayos muna ni Mrs. Dela cruz ang salamin at mataman niya akong tinignan. Mababakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Yes, Ms. Fortalejo? Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin. "Maupo ka." aniya at sinenyasan akong umupo sa harapan niya

Tumalima naman agad ako at umupo doon. Bumuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong ni Mrs. Dela Cruz sa akin. Ikwinento ko sa kanya ang lahat ng nangyari at saka ko ipinarinig sa kanya ang recorded conversation nila Jen na siyang hawak kong ebidensya.

"This is not just a simple offense. Mabigat ang parusa sa ginawa niya kung sakaling mapapatunayan ang paratang mo sa kanya. I would like to ask you one thing. Ano ba ang gusto mong mangyari, Ms. Fortalejo kung sakali?" seryosong tanong niya sa akin kapagkuwan. Kumabog ng husto ang puso ko.

I guess I would be happy if I got the justice that I want but...

"Gusto ko lang po ng hustisya. Natatakot po akong maulit pa ito ni Jen sa akin at lalong lalo na po sa iba." sagot ko kay Mrs. Dela Cruz.

Wari'y nag-iisip ito bago muling nagsalita."Do you want an expulsion for her? Dahil ayon sa ating school's code of conduct, ang ginawa niya ay nasa lebel na ng expulsion." paliwanag niya na siyang ikinabigla ko.

Siguro kung kasing sama niya lang ako ay matutuwa ako pero parang di kaya ng konsensya ko... Hay! Bakit ba kasi napakalambot ng puso mo, Elise?

"But the decision is in your hands Ms. Fortalejo. Kailangang makausap muna natin ng maayos si Jen at kung pwede pang ayusin ay mas maganda." Dagdag naman niya agad.

Tama. Kung madadaan pa naman sa maayos na usapan ay bakit hindi? Ang gusto ko lang namang mangyari ay humingi ng tawad sa akin si Jen at mangakong hindi na niya kailanman gagawa pa ng kahit anong masama laban sa kapwa niya.

One Wicked Night | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon