Nang mag alas sais ay naligo na ako. Lolo Lorenzo said that we're having a dinner with Valenciaga's. I blow dried my hair and went to my walk in closet. I was wearing a beige dress with a plunging neckline and a white stilettos. I also wore some simple accecories that can match my casual look. I tied up my hair into a princess style and put a white hair scarf. Sinuot ko na rin ang pearl earring ko.
Pagkarating sa resort ay binati ako ng iilang staffs. I know they're already tired of work kaya inisip kong sapat na siguro ang ngitian sila.
"Magandang gabi po." I greeted them.
Pagkapasok ko sa white house ay sinalubong na ako ni Tita Selen.
"Yumi, naroon na sila sa seaside, doon nagpahanda ng hapunan ang Mommy mo. Ikaw nalang ang hinihintay roon."
Nagtaka pa ako kung bakit narito si Mommy pero tumango nalang rin ako. "Salamat po."
Habang papalapit sa seaside ay unti-unti ko naring natatanaw sina Lolo Lorenzo, si Mommy at Daddy. Umuwi sila just for a dinner? Napabagal ang lakad ko nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Timoteo. Napalunok ako ngunit hindi parin iniiwas ang tingin.
Ang kanyang mga mata...kahit nasa kalayuan ay kitang-kita ko ang lalim nito, na tita ba'y may kahalagahang kulay. Ang kanyang makapal na kilay ay malinis at maayos ang hugis na nagdudulot ng dagdag na iba't ibang emosyon sa kanyang mukha. Halatang hindi siya naglagay ng wax dahil ang kanyang mga buhok ay hinihipan ng hangin.
Seryoso ang mukha niyang tumingin sa akin, hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman sa loob ko. Kailan ma'y hindi ako nakakaramdam ng ganito sa kahit sino.
"Yumi, apo! Maupo ka na." Sambit ni Lolo, umupo ako sa tabi ni Timoteo dahil iyon lang naman ang bakanteng upuan. They obviously reserved this seat for me. Tumayo ang lalaki at inalalayan akong umupo.
Gentleman ba talaga siya o pakitang tao lang dahil narito ang pamilya namin?
Nagsimula na kaming kumain at kahit sa pagkain ako nakatingin ay ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Hindi ko ito sinulyapan dahil baka kapag ginawa ko iyon ay ako lang ang maiilang.
"You look good tonight." He said.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. He was wearing a white polo shirt and a hawaiian navy blue shorts. Ang kanyang kwintas ay parang maliit na agimat na hindi ko alam. I looked away when I realized that I was staring at him.
"I know that." I simply said.
"Good to know." He responded.
Argh! Why it feels so awkward! Wala akong ibang nararamdaman kundi kaba sa loob ko. Good thing Lolo Lorenzo speak up kaya naagaw niya ang atensyon ko.
"This is Nayumi, my apo. She's studying Business Administration, siya rin naman ang magmamana ng negosyo nina Carina sa Maynila."
"I thought you're into Medicine Hija?" Tanong ni Don Emilio.
Napangiti ako roon. “I'm interested in medicine po, pero hindi ko na sinubukang i-take. Mas magandang mag-aral ng Med sa Manila. Pero ayokong iwan ang Aloha Haven.” Tugon ko.
Hindi ko na rin gusto umalis pa sa lugar na ‘to at bumalik sa Italy. I want to stay here for good. Matanda narin si Lolo kaya gusto ko siyang alagaan habang narito pa ako. Pagkatapos kong mag-graduate ay kailangan na ako sa Maynila.
"Mahal na mahal niya talaga ang Aloha Haven." Napangiti ang asawa ni Don Emilio. "Kaunti lang ang kagaya mo hija, karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay mas gusto sa syudad.”
YOU ARE READING
Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)
RomanceA woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. However, she remembers nothing because of an accident that happens years ago. Meanwhile, a man who comes from a modest background came back t...