Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Marahan akong nag-inat at napatigil ako nang mapagtantong nasa kwarto na ako. Bigla akong napabangon sa kama. Napatingin ako sa suot ko at ayun parin naman hanggang ngayon.
Fuck, binuhat niya ba ako papunta rito sa kwarto ko?! Posible...Tumakbo ako papunta sa banyo at napatingin sa salamin. I'm wearing my bare face right now, did he removed my makeup last night?!
Halos mabaliw na ako sa nararamdamang hiya. Lagi nalang ba akong makakaramdam ng ganito ngayong nakakasama ko siya? Mukhang magsisimula na namang magulo ang buhay ko.
Dali-dali akong nag-ayos pauwi sa mansyon. Naligo ako at nagbihis ng pang-alis. Gusto kong bisitahin si Isla. Nabalitaan kong narito parin siya sa Aloha. Sabagay ay ito lang naman ang probinsya niya.
I was wearing a green polo shirt a white mini skirt, and a pair of white flat sandals to complete my outfit. Naglagay lang ako ng kaunting makeup at nag-spray ng perfume ko.
Sa limang taon sa Maynila ay natuto na akong magmaneho ng kotse. Nagtungo ako sa bahay nina Isla. Pinarada ko ang sasakyan ko sa labas ngunit nasa tamang pwesto naman, pumasok ako sa mabuhangin na daan patungo sa bahay nina Isla, maputik rito noon at mabuti nalang ay naisipang lagyan ng mga buhangin, sa gilid nito ay may mga taniman, para na itong green house. Dumiretso ako papasok at nakita ko na ang bahay, tila tahimik rito at parang wala ng nakatira. Ang bahay nila ay saradong-sarado na. Mukhang luma narin, hindi na ba sila dito nakatira? Ang mga dating bibe na kumakalat sa buong bahay ay wala na ngayon, parang wala ng buhay ang lugar na ito kumpara sa dati.
"Hija, sino ang hinahanap mo riyan?"
Napalingon ako sa matandang babae na nasa tabing dagat, nasa harap kasi ng dagat ang bahay nina Isla. Lumapit ako sa may gate patungo roon.
"Umalis na po ba sina Isla rito?" Tanong ko.
"Ah oo, matagal nang walang nakatira sa bahay na iyan. Lumipat na sila sa may Sitio Kwatro, doon banda sa may malaking simbahan, abogada narin kasi ang anak ni Doris!" Sambit niya kaya napangiti ako roon.
"Ah sige po, salamat po Lola," sambit ko rito.
Bumyahe ako papunta sa Sitio Kwatro, nadaanan ko ang Sitio Tres at malaki rin ang pinagbago nito. Ang malaking Ancestral House ay mukhang mas gumanda pa yata.
Nang makarating sa Sitio Kwatro ay nagtanong-tanong ako kung may nakakakilala ba kina Isla.
"Si Atty. Lunarez? Ayun yung bahay niya oh!" Sagot ng ale sabay turo sa malaking bahay malapit sa simbahan.
Parang nakaginhawa ako nang maluwag nang makita ang bahay nila. Nagtungo ako roon. Hindi yata ako makapaghintay at pinindot ko kaagad ang doorbell nila. May lumabas na dalaga, mukhang katulong dahil naka uniporme ito. May binabantayan siyang batang babae kaya napaisip ako roon.
"Sino po sila?" Tanong nito.
"Nayumi Skye Zavala," Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. "Nandyan ba si Isla?" Tanong ko.
"Ah opo, nasa office po siya ngayon. Kaano-ano po sila?" Tanong niya muli.
"Kaibigan," I answered.
"Teka lang po at magpapaalam muna ako kay Attorney." Sambit niya kaya marahan akong tumango.
Napatingin ako sa batang babae nang titigan niya ako, she's hugging a barbie doll with a mermaid tail. Her cute pigtail has a cute pink ribbon and her pink dress is sprinkled. I smiled at her and she did the same.
YOU ARE READING
Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)
RomanceA woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. However, she remembers nothing because of an accident that happens years ago. Meanwhile, a man who comes from a modest background came back t...