Napabuntong-hininga na lamang ako at sumandal sa railings. Napansin kong nakatulog siya sa balikat ko. Alam ko rin namang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi kababantay sa akin kaya pinagbigyan ko na.
Nang makarating sa Aloha Haven ay nagsibaba na ang lahat, ginising ko ang lalaki para makababa narin kami.
"Timoteo, gising na."
Mahina ko siyang niyugyog at agad rin siyang nagising ngunit hindi manlang siya tumayo, niyakap niya akong muli at sumiksik pa sa leeg ko! I don't know why I don't feel any awkwardness right now. Maybe because of what happened last night.
"I'm still sleepy," he said in a husky voice.
Oh my goodness! Nabuntong-hininga ako at nagsalitang muli. Hindi kami pwedeng magtagal rito sa yate ni Dion! Napakagat ako sa labi nang humigpit ang yakap niya sa braso ko.
"Kailangan na nating lumabas, hinihintay nila tayo. Baka kailangan naring umalis ng yate..."
Pagkukunsinti ko ngunit hindi siya natinag at mas lalong hinigpit ang yakap sa akin.
"Timoteo." Pagbabanta ko.
Sinigurado kong napansin niya ang galit sa boses ko. Umangat siya ng tingin sa akin at nagsalita.
"We can stay in our yacht whenever I want."
My eyes widened about what he just said. Tila seryoso siya roon. Bumalik siya sa pagkakasandal sa aking balikat. Sa kanila ito? Nanlaki ang mata ko nang mahagip ang nakaukit sa pinto ng yate, papasok sa may maneuver.
"VALENCIAGA."
Napabuntong-hininga na lamang ako at sinulyapan siya. Nakakunot noo na siya ngayon, halatang naiinis. Nag-isip pa ako ng ibang epektibong dahilan para makaalis na kami.
"Sumasakit na yung balikat ko," I said that caused him to stood up straight.
"I'm sorry," he uttered.
Inayos niya yung buhok niya. Nanatili kaming tahimik bago kami lumabas. Naghihintay ng mga sundo ang mga nasa resort, kaagad ko namang nakita si Kuya Benny kaya nagpaalam na ako kina Dion.
Ilang oras akong nakatulala sa kwarto habang iniisip yung nangyari kagabi. I didn't expected that Timoteo will come to save me. Hindi ko alam sa sarili ko, naguguluhan ako sa tuwing inaalala ko yung mukha niya habang nasa gitna kami ng malakas na ulan. Ibang-iba ang mukha niya noong mga oras na 'yon. Kumaripas siya ng takbo para iligtas ako, parang alam niyang iyon ang kahinaan ko.
Kinabukasan ay tinawagan ko si Mommy para kamustahin. Ilang linggo silang hindi nakauwi dahil sa sobrang abala sa negosyo. I scowled while thinking of my future in our company. Sitting on my office with full of papers on my table...Para na akong mahihimatay!
"Hi honey, kamusta ka?" Bungad ni Mom. I can hear some muffle sounds in the background.
Kinuwento ko ang mga nangyari these past few days without mentioning Timoteo. Alam kong aasarin niya ako roon kaya tungkol sa ibang bagay ang pinag-usapin namin.
"Kinakamusta ka pa sa akin ni Tita Eleanor. Mom, malapit na ang Christmas Eve, hindi ka pa ba uuwi?" I pouted.
"Kalma anak, uuwi rin kami bukas ng Daddy mo. Pupunta ka sa Market ngayon?" Tanong niya.
"Yes, plano kong bumili ng ingredients, magbi-bake ako ng cupcakes for Christmas."
"Did you buy some gifts? For Timoteo?" Tanong ni Mommy.
I'm expecting for this. Hindi mawawala sa bibig ni Mom ang pangalan niya.
"I forgot. Ikaw nalang, Mom." Sabi ko.
YOU ARE READING
Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)
RomanceA woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. However, she remembers nothing because of an accident that happens years ago. Meanwhile, a man who comes from a modest background came back t...