Umupo ako sa swivel chair ko at pinagtuonan ng pansin ang mga dokumentong pinapaayos sa akin ni Lolo. Napaangat ang tingin ko sa pinto nang may kumatok. Sumilip iyon at nakita ko naman ang lalaking staff.
"Good afternoon, Ms. Foundress. May dumating pong package para sa 'yo," sambit niya kaya tinanguan ko ito.
"Pakilagay nalang riyan," tugon ko.
Sigurado akong dress na naman iyon galing kay Mommy para sa susuotin ko sa Fashion Show. Hindi ko muna iyon binigyan ng oras at inabala ang sarili sa mga dokumentong nasa harapan ko.
"Yes, we should create captivating teasers and trailers for each shows," pakikipag-usap ko sa Marketing Manager sa telepono.
"Makakaasa po kayo, Miss Foundress."
Marami ang natanggap kong tawag mula sa Team, nalaman kong may darating na isang modelo galing sa Maynila para maging partner ko sa photoshoot.
"Mapapaaga po ang dating niya rito kaya nagpahanda na kaagad kami ng hotel room para sa kanya, Miss Foundress."
"Good to know, take care of him until everything's done."
Nang matapos ako sa ginagawa ay pumunta na ako sa sofa para buksan ang package. Nakalimutan ko pa ang cutter kaya bumalik ulit ako sa lamesa. Sandali kong tinitigan iyon. I tried to open the box but it's too hard to open it! Halos mapamura nalang ako nang aksidente ko pang mahiwa ang daliri ko gamit ang cutter. Nagtungo ako sa lamesa at tumawag sa hotel para mag-request ng first aid kit.
"Pakidala nalang dito sa office ko." Dagdag ko rito.
Hindi ko pa nakikita ang itsura ng bistida dahil hindi ko pa nabubuksan ang box. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago may kumatok sa pinto.
I cursed when Timoteo entered my office with the first aid kit. Siya na naman?!
"What happened?" Bungad niya kaya napataas ang kilay ko.
"What are you doing here?" I gave him an irritated look.
Wala akong ibang maramdaman kundi nag-uumapaw na inis. Bakit siya ang narito? Lagi nalang siya ang bumubungad sa akin! Hindi niya ba talaga ako tatantanan!
"Akina-" Akmang kukunin ko na sa kanya ang kit nang ilayo niya ito sa ‘kin.
I glared at him when he didn't look at me. Lumapit siya at umupo sa lamesang kahoy na nasa harap ko. Tinapunan ko siya ng tingin at napansin kong tinitignan niya ang daliri kong nasugatan saka niya ako binalingan.
Napalunok ako. His hands reached out for mine. Napansin niya siguro ang pag-iwas ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hindi rin nagtagal ay hinayaan ko siyang gamutin iyon. He delicately cleaned the wound.
Napabuntong hininga ako at iniwas ang tingin roon. Nilagyan niya ng bandaid ang index finger ko at hindi ko naman maiwasang magpakita ng reaksyon.
"Huwag mong basain," malamig niyang sabi.
Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nang marinig ang boses niya at marahan akong tumango bago binawi ang kamay ko.
Inaasahan kong aalis na siya ngunit tumayo siya at umupo sa tabi ng inuupuan ko. Kinuha niya ang cutter at binuksan ang box. Nang mabuksan ay inangat niya ako ng tingin at nagsalita.
"Don't hesitate to reach out for me if you need anything, Nayumi." He said.
Tila hindi ko na makontrol ang galit ko at nabuga ko na sa kanya ang usok.
"I don't need anything from you, Timoteo. Hindi ikaw ang inutusan kong gumawa nito kaya bakit ikaw ang narito?"
Hindi ko alam kung saan ko namana ang pagiging masakit magsalita pero hinayaan ko nalang din ang sarili kong sabihin iyon sa harap niya. Nakakunot ang noo niya ngayon parang naiinis na hindi ko maintindihan. Umiwas ako ng tingin at napansin ko ang pagtayo niya.
YOU ARE READING
Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)
RomanceA woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. However, she remembers nothing because of an accident that happens years ago. Meanwhile, a man who comes from a modest background came back t...