Kabanata 10

3 0 0
                                    

Nang bumalik kami sa Resort ay naroon na ang doktor na tinawagan ni Tito Theodore. Hindi pa sana siya sisipot dahil nga pasko. Imbis na kasama niya ang kanyang pamilya sa tahanan na salubungin ang pasko ay narito siya ngayon, inuna ang kapakanan ng hindi niya kaano-ano. Sabagay ay ganoon naman talaga ang tungkulin nila.

Nilapitan ako ni Mommy at pinaupo sa sofa.

"Hi Nayumi. I'm Dr. Gadon, how's your feeling right now?" Tanong ng doktor. He's checking my heartbeat using his stethoscope.

Napatingin ako kay Timoteo na umupo sa tabi ko. Nakapatong ang kanyang siko sa kanyang tuhod habang pinagmamasdan akong tinitignan ng doktor.

"Maayos na po, Doc." Ngumiti ako.

"That's great to hear. Now, I understand that you've been experiencing some memory loss and recently had a breakthrough. Pwede mo bang sabihin sa akin ang iba pang detalye?"

"Yes, Doc. It's been a very confusing and frustrating time for me." Panimula ko rito. Napatingin ako sa lalaking katabi ko. "I've been suffering from amnesia for the past few years because of the accident years ago. But earlier, some of my memories started to resurface." Pagpapaliwag ko.

Nakita kong namilog ang mata ni Mommy, si Lolo ay nakikinig lamang sa akin, si Daddy naman ay nakayakap kay Mommy sa sofa katapat namin. Sina Lolo Emilio ay naroon din, silang lahat ay pinagmamasdan lamang ako.

"Mabuti kung ganoon. Maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung ano-ano ang mga naaalala mo?"

Napalunok ako. Nakapatong ang aking kamay sa aking hita. Kinakabahan ako sa maaring maging epekto ng mga alaala ko pero sa tingin ko ay iyon rin ang makakabuti sa akin.

"Uh...Well, nasa seaside. Gumagawa ako ng sand castle that time tapos may dumating na bata." Napatingin ulit ako kay Timoteo, nanatiling seryoso ang mukha niya. "Tinanong niya ako kung anong ginagawa ko, lumapit siya pero inaway ko lang. Napuwing ako sa buhangin dahil masyadong malakas ang hangin sa tabing dagat, hinawakan niya ang pisngi ko tapos hinipan niya ang mata ko, and then he kissed my eyes." Kinagat ko ang labi upang pigilan ang pagpapakita ng emosyon. Nilingon ko sina Mommy na nakangiti ngunit may halong pag-aalala.

"Well, It's common for memories to return in fragments initially, especially pag may mga scenario na nakakapagpaalala sayo ng nakaraan. It's a positive sign that your brain is working on reconnecting those memories. Do you remember anything else?"

"Wala na po, Doc." Ngumiti ako sa kanya.

"I see. That's significant progress, hindi mo naman basta-basta maalala lahat sa isang pagkakataon. These memories are crucial in understanding your condition better. It indicates that your brain is slowly recovering and regaining its ability to retrieve stored information."

"Okay, Doc. I appreciate your guidance."

Napangiti si Lola Madeleine sa akin kaya ngumiti ako, bumagsak ang balikat ko dahil sa pagod.

"Rest assured, we'll continue monitoring your progress closely. It's important to remember that memory recovery can be a gradual process. I'd like to recommend some cognitive exercises and therapies to assist you further." Tumayo na si Dr. Gadon at kinausap na ang parents ko.

"Thank you, Doc." Sambit ni Timoteo at nakipag-kamay kay Dr. Gadon.

Pagkaalis nila ay umupo ulit ako sa sofa. Lumabas sina Mommy para bigyan ako ng oras para magpahinga ngunit nanatili si Timoteo sa tabi ko. Nagtama ang mga mata namin at hinawakan niya ang kamay ko.

"We'll work together to help you regain as much information as possible. I'll help you through this challenging time." He plastered a smile on his face.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now