Kinabukasan ay bumangon ako at nagcheck ng messages sa phone. Nakatanggap ako ng iilang message kay Isla, Gina at Geneva, karamihan ay tungkol lang sa school kaya naman napagdesisyunan kong mamaya nalang sila kausapin tungkol roon.
Nagpahatid ako kay kuya Benny sa school. Hindi naman nakaiwas sa paningin ko si Timoteo na may kasamang babae. Nakatayo silang dalawa sa labas ng kotse niya, nakasuot si Timoteo ng shades at nakakrus ang kanyang mga braso, nakasandal siya sa kanyang kotse. He was wearing his clean white uniform. Samantalang ang babae ay may dalang puting tote bag, full white rin ang suot niya.
Pinagbuksan ako ng kotse ni Kuya Benny, nakakunot ang noo kong lumabas ng sasakyan. Agaran ring lumapit ang dalawa sa pwesto ko. Sinuot ko na yung white tote bag ko at hinarap sila.
"How's your sleep?" Tinanggal niya ang kanyang shades kaya napaawang ang labi ko.
The lines and contour of his face are sculpted of perfection, giving him a distinct and unforgettable profile.
Tumikhim ako at nagsalita, "Hindi ko alam, tulog ako."
Pinanliitan niya ako ng mata at kita ko naman ang babae na natatawa sa kanyang likuran. Tumigil siya nang makitang nakatingin ako sa kanya. Tumuwid siya sa pagkakatayo at lumapit sa akin.
"Hi Ma'am Skye! Ako po si Andeng, personal nurse niyo." She offered her hand.
Oh...I thought...
I immediately smiled at her. Mukhang gumaan yung loob ko sa kanya kaya agaran kong tinanggap ang kanyang kamay.
"Hi, Nayumi Skye..." Pagpapakilala ko. Marahan siyang tumango at umatras para bigyang ng space si Timoteo.
"Pumasok na tayo," sabi ni Timoteo at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako roon. Hinayaan ko nalang iyon dahil wala naman akong pakialam sa iisipin ng iba.
Iniwan na namin si Andeng at kuya Benny sa labas at pumasok na sa gate.
"Akala ko susunod siya sa school." Ngumuso ako. Ang awkward ng ganoon para sa 'kin.
"Ako ang magbabantay sa'yo rito sa loob, so please... Nayumi? Behave." He said and pinched my nose.
"Aw!" My eyes widened.
"Aw!" He mocked me.
Pinagtitinginan kami ng iilang estudyante habang naglalakad kami sa hallway, may iilan pang kwentuhan na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Bagay talaga sila 'no? Sana imbitado ako sa gaganaping kasal. Sigurado na iyan, magkakalapit ba naman yung pamilya."
"Tanga ang feeling mo, hindi ka naman malapit sa dalawang 'yan."
Napatawa ako sa narinig ngunit patago lamang iyon.
"Ang gwapo niya talaga!" Tilian ng mga babaeng nakasalubong namin.
Napairap ako roon at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Timoteo, mukhang naramdaman niya ang ginawa ko kaya nagulat ako nang himasin niya ang kamay ko gamit ang kanyang hinlalaki.
"Sumasakit ba ang ulo mo?" Tanong niya kaya agad akong umiling.
Napatawa ako sa kanya, baka ay iba ang nasa isip niya noong ginawa ko iyon. Nang makapasok sa room ay binawi ko na ang kamay ko. Pinauna niya akong umupo sa loob saka siya umupo sa tabi ko.
Tinanggal ko ang bag ko. Ilalagay ko na sana iyon sa aking likuran nang kunin niya at nilagay sa tabi ng kanyang bag sa ilalim ng lamesa.
Napaangat ang tingin naming dalawa sa sumigaw na babae sa labas ng room.
YOU ARE READING
Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)
RomanceA woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. However, she remembers nothing because of an accident that happens years ago. Meanwhile, a man who comes from a modest background came back t...