Lunes ngayon at nasa labas ng building ang mga estudyante dahil ngayon ang alis ng dalawa papuntang Maynila. Nasa harap nila ang yellow van, katabi ni Yna si Mrs. Gamboa, katabi naman ni Timoteo ay si Mrs. Lacson. Naka-uniform ang dalawa na para sa program at may dala-dala silang bagahe.
Sa likuran ko ang tatlong si Eros, Tibo at Hugo at si Chiara, she's already wearing her uniform. Si Gina at Geneva naman ay nasa tabi ko at absent si Isla. Nag-uusap si Yna at Timoteo at nagtawanan pa sila, sa loob ng ilang araw naming pagsasama ni Yna ay napatunayan kong masayahin nga siyang tao kung pakikisamahan mo ito ng mabuti.
Sa dami ng estudyante ngayon ay para silang artista na pinagkakaguluhan. May iilan namang naiirita sa nakikita. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo nila kay Yna.
Napatingin ako sa gilid, sina Trina ay inirapan ako. Napatawa pa silang tatlo at nagbulungan habang nakatingin sa akin. The audacity?
"Oh siya umalis na kayo. Mag-iingat kayo roon, ah? Kumuha kayo ng maraming litrato kapag nakagala na kayo! Sa Intramuros man o sa kung saan niyo gusto." Sambit ng Principal.
Napatawa ang mga estudyante sa sinabi ng matanda. Pumasok na si Yna sa sasakyan, pinasok narin ni Timoteo ang bagahe niya sa loob.
Aalis na sana kami nang tawagin niya ang pangalan ko. Akala ko ay nakapasok na siya? I titled my head. Napalunok ako at tinignan ang mga reaksyon ng taong nakapaligid sa akin. Kailan pa ako nahiya ng ganito?
My eyes widened when he leaned closer to me. Napalingon ako kaliwa't kanan dahil sa nerbyos. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang halikan niya ako sa noo.
"Tatawag ako pagdating namin sa campus. Please answer immediately." He uttered.
Nagsigawan ng mga tropa niya sa gilid. Yung iba ay niyuyugyog yung mga kaibigan nilang pabirong umiiyak dahil aalis si Timoteo. Tumango naman ako para makaalis na siya. Goddamn! Hindi ako makahinga. Tuluyan na siyang pumasok sa sasakyan. Tinulak-tulak pa ako ng dalawa at inasar. Si Eros ay ngumingisi sa gilid. Parang mga tanga.
Lutang ako pabalik sa kwarto. Kunwari pang inaalalayan akong maglakad ng mga kupal dahil raw natulala ako sa nangyari. Eh totoo naman.
After class, sabay kaming anim na pumunta sa canteen. Bumili ako ng carbonara at isang cucumber juice. Nagkwentuhan sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Muntik na akong mabulunan sa iniinom ko nang marinig ang sinabi ni Tibo.
"May nililigawan ka?!" Sigaw ko.
For the first time in history. I can't believe he's in his courting era! Ang akala ko kasi ay laro lang sa kanya ang pakikipagrelasyon. Kilala siyang playboy rito sa campus. Sigurado, kung matino ang babaeng nililigawan niya ay mahihirapan siya. Pero kung kapareho niya lang rin naman ay walang mangyayari.
"Taga saang dep?" Tanong ni Gina.
"Business Ad." He answered. Tila seryoso siya ngayon. Hindi talaga kapani-paniwala.
"Ay wow, future business woman ang type. Natamaan ka teh?" Sambit ni Geneva.
"Sigurado ka bang seryoso ka riyan?" Tanong ni Eros kaya tumango si Tibo.
"Sure?" Si Hugo.
Napa-side eye yung apat sa akin nang makitang wala sa sariling ngumingisi si Tibo.
"Delikado na." I mouthed.
The long tiring day has finished. Umakyat ako sa kwarto ko nang matapos kong inumin ang tinimpla kong gatas. Umupo ako sa study table at nagbasa. Ilang minuto ay tumunog ang selpon ko. Dali-dali akong humiga sa kama para sagutin ang tawag.
YOU ARE READING
Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)
RomanceA woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. However, she remembers nothing because of an accident that happens years ago. Meanwhile, a man who comes from a modest background came back t...