Kabanata 7

2 0 0
                                    

"Yumi! Tawag ka ng Lolo mo!"

Nasa resort kami dahil wedding anniversary ni Mom at Dad. Hindi naman masyadong magarbo ang okasyon, mga kaibigan ko, ni Mommy at Daddy, ang mga business partners ni Lolo ang imbitado.

Nagpaalam ako kina Gina at pumunta sa isang cottage kung nasaan sina Lolo. I sighed when I saw Timoteo talking to my Mom.

Maingay ang paghakbang ko kaya napatingin sila sa'kin dahilan para ngumiti ako. Nakita ko ang sarkastikong ngiti ni Timoteo sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay kahit na hindi naman iyon ang gusto kong gawin.

His letter left me all mixed up. At first, I thought he might just be messing with me or looking for a way to kill time. But now, when he's around, things feel different. I'm always on edge, not sure how to act. Every time he gets close, or even steps a bit nearer, my heart starts racing. It's not hate anymore, I just don't know what it is.

"Let's take a picture with them," Lolo Lorenzo told me. Sinunod ko nalang din pero hindi ko manlang siya sinulyapan.

My heart beats fast when, "Anak, tabi kayo ni Timo."

"Mom, hindi naman importante 'yon—" I looked at him when he cutted my words.

"Tabi raw."

I glanced at the him, unlike me, not nervously sweating at every breeze. His expression turned serious, so I refrained from complaining. Maybe, like me, he just wants this to be over soon.

Hindi na ako nag-inarte at pumunta na sa gitna katabi ni Timoteo. "Umusog ka." Utos ko pero hindi niya sinunod at ngumiti nalang sa camera.

"Compress Ma'am Yumi," sabi ng staff kaya napalunok ako.

Malapit na magdikit ang mga balat namin! I was wearing a white tank top while he's wearing a black sando. Hindi ko sinunod ang sinabi ng staff pero nagulat ako ng itulak ako ni Mommy palapit kay Timoteo.

"Inaamoy mo siguro ako," nagulat ako nang makita siyang nakatingin sa'kin.  Nahalata niya siguro yung ilong ko na inaamoy ko siya!

"Oo, asim mo nga e."

Aalis na sana ako pagkatapos na picture taking nang hinawakan niya ang kamay ko. He was staring at me like I did something wrong.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang magsalita.

"Nothing." Napahinga siya nang malalim.

Napagdesisyunan nina Lolo na dito nalang maghapunan kaya uuwi muna ako para magbihis. Nagkasalubong kami ni Timoteo sa hallway ngunit hindi ko na siya pinansin at umaktong hindi ko siya nakita. Napatigil nalang ako nang magsalita siya.

"Where are you going?" He asked. His hands casually tucked in his pockets, the wind tousling not only his crisp white polo but also playing with his tousled hair, creating an effortlessly attractive aura around him.

"Magbibihis." Tila ba'y kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Napairap nalang ako nang hindi na siya nagsalita at agad akong tinalikuran.

Pagkarating ko sa bahay ay nag-ayos na kaagad ako ng sarili. When I entered my room, I screeched while thinking about what happened earlier! Hindi ko na alam kung ano ba itong nararamdaman ko kay Timoteo. Basta alam kong iba na, iba na sa dati.

Noon, madalas akong mainis sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. Even though we're not seeing each other everyday it feels like he's always entering my mind just to pissed me off! Na kahit saan ay iniinis niya ako. Kulang nalang isipin kong mortal ko siyang kaaway noong past life sa sobrang bwesit na bwesit ko sa kanya. But why did the wind's breeze suddenly shift, as if I wanted to tell him it's okay if he's there every day, teasing me, as long as he doesn't leave my side, because I find myself more bothered when he's not around.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now