Kabanata 12

4 0 0
                                    

Nang makarating sa itaas ay naglakad pa kami sa hall kung nasaan ang kwarto niya. Binuksan niya ang kanyang pinto at natahimik ako nang makita ang nasa loob.

"Get in," sambit ni Timoteo.

Pumasok ako sa loob at nilibot ang tingin sa paligid, may malaking painting na nakadikit sa pader. Pinaghalong dark chocolate brown, dim gray, at white ang buong kwarto, pagkabukas na pagkabukas mo ng pinto ay makikita mo ang kanyang malaking kama, all dim gray ang besheets nito, sa gilid ay may bedside table kung saan may nakapatong na lamp shade, katabi ang kulay brown na lawson sofa. Sa harap naman ng kama ay may malaking TV.

"Madalas ka bang tumambay rito?" Tanong ko kaya agad siyang umiling.

"If I have a free time, sa Resort lang ako pumupunta." He said.

Malaki ang kwarto ko, ngunit hindi ko maipagkaila na mas malaki yung sa kanya. 

"Saan ka nag-aaral kung ganoon?" I asked.

Tinuro niya ang pintuan sa gilid ng sofa, napatingin ako sa kanya at sumenyas siyang buksan ko iyon. Nang binuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang kanyang kulay brown na study table, may anglepoise lamp at mga nakapatong na libro sa gilid, mukhang nag-aral siya kanina.

Nanlaki ang mata ko nang makita sa gilid ang malaking bookshelf. Damn! Ang daming libro roon, halos wala ng space!

"Oh my God! Is this all yours?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga libro na maayos ang pagkakasunod-sunod. May mga tungkol sa geography, about law, about mental health and other topics. I'm curious if meron ba siyang mga novels or poem.

"Yeah, do you want to read?" Tanong niya sa akin at kaagad akong tumango.

"Pwede kitang sunduin sa inyo, we can read together here." Sabi niya kaya bigla ko siyang tinapunan ng tingin.

"Next time!" I smiled.

Lumipat na ang atensyon ko sa kanyang study table, may mga random stuffs pa roon ngunit nakaayos naman, napalingon ako kay Timoteo nang bigyan niya ako ng libro.

"Read that." He said.

Nabaling ang tingin ko sa librong binigay niya. It's a book about self love.

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko nang mabasa iyon. Sinulyapan ko siya at may tinitignan pa siya sa bookshelf. There's something about Timoteo that I really love, and it goes beyond the surface. It's in the thoughtful moments, like when he handed me a 'Love Yourself' book, pages filled with encouragement and self-discovery. Hindi lang ito regalo, ito ay isang piraso ng kanyang puso, isang kilos na nakatunaw sa akin nang mapagtanto ko ang lalim ng kanyang pang-unawa at pangangalaga.

"B-balik na tayo sa labas." Sabi ko.

Tumango siya at naglakad palabas. Sa harap ng pinto ng study room ay may isa pang pinto, siguro ay banyo niya o walk in.

Napasulyap ang tingin ko sa kanyang bedside table na may kulay puting frame. Tinignan ko si Timoteo at wala manlang siyang ekspresyon. Nilapitan ko ang frame at nakita ko ang mukha ko roon. Hindi ko matandaan kung anong araw o kung kailan kinuha ang picture ko na iyon, nakahawak ako sa magkabilang tali ng duyan at nakatagilid ang ulo ko sa camera. May bulaklak akong hawak sa kamay ko. Masyado pa akong bata roon.

"Bakit may picture ako rito ha?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Magiging tayo rin naman, Nayumi." Normal niyang sambit na ikinagulat ko. "Don't make that as a big deal."

"What?" I asked.

"Hindi ako nakakatulog kapag hindi ko 'yan tinitignan." Sabi niya na ikinatawa ko.

"Talaga? Akala ko hindi ka nakakatulog kapag hindi ka nakakainom ng gatas." Pagtawa ko na mukhang ikinabigla niya.

Somewhere In The Haze (Aloha Haven Series 1)Where stories live. Discover now