Prologue

24 0 0
                                    

Don't you just think that sometimes life is unfair? there are kids out there who doesn't have any food to eat, money to spend, and roof to sleep under in, the society calls them "poor" or "malas sa buhay" which honestly makes me enrage at the same time sad that they use those two words to describe people who are unfortunate beings. . . Meanwhile, may mga taong sobrang saksakan nang yaman na halos dumating sa punto kung saan kaunti nalang ay kaya na nilang bilhin ang pilipinas.







Nakakalungkot lang isipin na nabuhay tayo na hindi pantay-pantay ang pinanggalingan. Kung sino pa ang mahihirap, sila pa yung may malalaking puso, which is why I promised to myself and to my family, that no matter what happens, I will do everything in my power to get us out of poverty— to make life easy for us, even if it means selling my soul.







"Anak, natatandaan mo ba yung linya mo? baka makalimutan mo, ha" ulit na bilin ni Mama sa akin habang nandito kami sa labas ng audition room. "Wag kang kakabahan, kayang kaya mo 'to" ramdam ko ang malamig na palad niya sa balat ko kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti sakaniya.







"Ma, isa lang naman yung linya ko, hinding-hindi ko po 'yun makakalimutan" napangiti ito nang malungkot sa sinabi ko at tumingin ulit sa malaking pintuan kung saan nandoon ang mga casting directors para sa isang pelikula na "Under the Moonlight".






Narito kami ngayon ni Mama sa Tagaytay upang mag audition para sa isang minor role. Sa totoo niyan, balak ko sanang mag audition para sa main casts, pero mukhang nakapili na sila at eto nalang ang slot na natitira. Malas pa nga dahil ang daming tao ang nandito ngayon para lang doon sa minor role na 'yun.







Nag hahanap sila na babaeng maitim ang buhok at tangkad na umaabot sa 5'5 na halos sumasakto sa akin. Hindi ko nga lang sigurado kung etong mukha ba ang hanap nila.









"Anak, ano nga ulit yung line mo? baka makalimutan mo,"






Huminga ako nang malalim at inayos ang itsura ko, "Ate, tumingin ka nga sa dinadaanan mo," sabi ko habang nakakunot ang noo at bahagyang nakataas ang isang kilay. Napangiti naman si Mama at medyo kumalma na.







Sabi ko sainyo isang line lang, eh. Pero kahit ganon, kailangan kong makuha ang role na 'to, halos isang libo 'rin ang makukuha kong sweldo dito! pangbili na namin 'yon ng pagkain sa susunod na isang buwan. Patagal nang patagal at palapit na ako sa pinto, dalawang babae nalang at ako na!






"Next," sabi nung staff at binuksan ang pinto, dahilan para lumabas ang isang babae na nakasimangot. . . mukhang hindi ito nakuha, ah? ilang minuto pa at ako na ang susunod. Nginitian ko ang babaeng staff na nakahawak sa door knob, pero tinignan lang ako neto at tumingin sa clip board niya. "Ms. Fermonica?" tanong neto, nakataas ang isang kilay habang ang labi ay nakangiwi.







"Ako po 'yun,"







Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasan maging hindi komportable. "Ikaw lang ang pwedeng pumasok sa loob," mataray na sabi neto kaya alam kong si Mama ang sinasabihan niya. "This will only take a few minutes, Ma'am" iritableng sabi niya kaya naman walang nagawa si Mama kung hindi iwanan ako dito at mag hintay sa waiting area.






Bumukas na ang pinto at inuluwal neto ang babaeng nakakunot ang noo na para bang may nangyareng hindi maganda sa loob. "Pasok," utos nung staff sa akin kaya pumasok na ako sa audition room kung saan puti lahat nang makikita mo. May mga ilaw ang nakapalibot sayo at nasa harapan mo ang tatlong matatandang lalaki na mamimili ng cast. Apart lang kami dito ngayon sa loob kaya hindi ako masiyadong kinakabahan.






To Hook a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon