He's crazy, Adam is losing his mind! ako? bibigay niya sakin yung private jet niyang milyon-milyon?! ano bang nakain niya at ang bait niya sa akin? these past few days ay mas nagiging approachable na siya, to the point na siya pa ang unang mag m-message sa akin, tapos may araw pang nag double message siya!
Hindi na 'rin nag tagal ang tawag namin dahil may gagawin pa 'raw ito. Katulad ko ay nag tataka 'rin sila Ate Anika kung bakit biglang naging ganito ang ugali ni Adam, ang nasa isip nga namin ay baka dahil malapit na ang birthday neto kaya nagiging mabait siya bigla.
Buong flight namin papuntang Japan ay nag trabaho lang kami ni Ate Anika. Siya yung nag a-asikaso ng mga lakad, events, appointments, at interviews sa Philippines, habang ako ay nag p-post lang ng brand endorsement sa Instagram at Facebook. Mabuti nga at hawak ko na ang sarili kong account kaya na follow back ko na si Margaux sa main account ko.
Lahat ng mga artistang kilala sa pilipinas ay nasa following ko, at tanging si Margaux lang ang non-celebrity doon. Siyempre active 'rin ako sa dump account ko na ginawa ni Nikolai, palagi nga akong nag s-story doon dahil nasa 20 lang naman ang nakakakita, yung mga nasa council, Margaux, at Stevenson.
Mabilis namang nag heart si Nikolai sa story ko about sa view ko ngayon dito sa private jet ni Adam. Speaking of, malapit na ang graduation ng mga fourth year, kaya mas nagiging busy na sila to the point na minsan nalang kami mag-usap, ang last na balita nila sa akin ay nasa internship na sila.
Hindi ko tuloy mapigilan na maisip kung ano ang buhay ko ngayon kung hindi ako ang female lead ni Adam. Siguro masaya ako sa ginagawa ko— nag-aaral nang mabuti at kasama sila Nikolai. . . ano naman kaya ang kalagayan ng pamilya ko? nakakalungkot man isipin pero konting tiyaga lang, pwede naman ako mag aral ulit ng law pag katapos netong THS.
Habang nasa ere ay napag isipan naming lahat na mag pahinga at matulog, dahil wala 'rin namang signal dito, mas maganda na 'rin 'to para marami kaming energy mamaya.
Medyo naging matagal ang tulog naming lahat, kaya naman nang sabihan kami ng flight attendant na andito na kami sa airport ng Tokyo ay halos tumalon ako sa tuwa at hindi mapigilan ang sumilip sa labas. Grabe! may mga airport staff ang nakalinya at nag-aabang sa amin. . . eto ba ang tinatawag nilang "Adam effect"?
"May van ng nag-hihintay sa atin sa labas ng airport, deretso tayo sa airbnb na kinuha ni Direk Micah tapos small dinner with the movie staff," sabi ni Ate Anika habang nakatingin sa ipad niya. "Tomorrow is going to be our last free day before we start our first shoot— kung meron kang gustong puntahan bukas just tell me," tumango-tango ako sa narinig.
"And for March 10," bahagya itong natigilan at alam ko na agad kung bakit. . . hanggang ngayon ay wala pa 'rin kaming regalo kay Adam. "Roel and the other staffs will arrive here— Lindsay," tawag neto sa hairstylist ko na kasalukuyang inaayusan ako. "May nasabi ba sayo sila Direk Jude kung ano ang plano sa March 10?"
"Wala po Ms. Juangco," sagot neto.
"Narinig ko kela Sir Roel na mag kakaroon daw ng surprise dinner party para kay Duke" si Ate Sandy naman ang nag salita, siya yung make-up stylist ko kasama si Ate Lilah. "Hindi ko lang alam kung saan gagawin," pahabol niya.
BINABASA MO ANG
To Hook a Star
Teen FictionAster Duke A. Mendoza, known to his fans as Adam, is the Philippines' most celebrated young actor. With an impressive list of accolades, his talent is matched only by his infamous short temper and unyielding belief in his superiority. His dedication...