I've done it. My life is finally over. Nakakainis, bakit kasi nag padala ako sa emosyon ko kagabi? hindi ko tuloy alam kung paano ako hihingi ng tawad kay Adam. Hindi na nga ito nag salita kagabi dahil sa sinabi ko sakaniya, basta nang lumabas ako ng van ay nandoon na 'rin sa labas ang Manager niya.
Alam kong mali ang ginawa ko, wala akong karapatan para sabihin 'yun dahil sino nga ba ako para tawagin na gago si Adam? siguro nadala lang talaga ako sa emosyon ko, idagdag mo pa ang sinabi niya sa akin. . . pero kasalanan ko 'rin naman dahil ako ang nag tanong nun sakaniya.
Todo abang ako sa social media dahil baka bigla nalang itong mag post tungkol sa ginawa ko at magalit pa sakin ang buong pilipinas. Kasalukuyan akong nandito sa cafeteria ng COL also known as college of law, kasama ko si Margaux na tutok sa pag babasa ng mga libro niya kaya wala akong makausap tungkol sa problema ko ngayon.
Hindi ko naman pwedeng sabihin kela Mama na tinanggihan ko ang proposal sa akin ni Adam— it turns out pumunta lang daw ito sa amin kagabi para mag bigay ng mga pagkain at nag pasalamat sa panonood ng Under the Moonlight. . . akala ko pa naman ay sinabi na neto sa mga magulang ko ang gusto niyang mangyare.
Gusto kong kausapin si Samara pero nasa ibang bansa naman ito. . . si Bryan nalang talaga ang choice ko, pero baka pilitin din ako neto dahil makakasama ko siya sa pelikula na To hook a star. Si Stevenson naman ay busy sa pag t-trabaho tapos si Roella hindi ko naman ganoon ka close para mapag sabihan ng mga problema ko.
"Excuse me," napalingon kaming dalawa ni Margaux sa tatlong lalaki na taga CoEd dahil sa mga uniform nila. "Kayo 'ho ba si Khione?" tanong nung lalaking naka salamin. Tumango naman ako at napansin na nag tatalo ang dalawang kaibigan niya sa likuran. "Crush daw po kayo ng kaibigan ko, gusto niya 'raw po mag pa-picture!" natatawang sigaw neto at tinulak ang kaibigan palapit sa akin.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya tinignan ko si Margaux para humingi ng tulong. "Pasensya na, may boyfriend na kasi yung kaibigan ko," pag sisinungaling neto sa mga lalaki.
"Okay lang daw po, ate! fan na fan po kasi kayo netong kaibigan ko," bumilis ang tibok ng puso ko, napansin ko ang pag lingon sa amin ng ibang estudyante sa narinig. "Kayo yung gumanap bilang Marie sa Under the Moonlight, diba 'ho?" tanong nung isa kaya wala akong nagawa kung hindi tumango.
"Kahit isang picture lang, ate," nahihiyang sabi nung lalaking may hawak ng phone niya. "Pang birthday gift na 'rin sa akin," wala naman akong nagawa kung hindi tumayo at tumabi sakaniya. Mas matangkad ito sa akin at malaki ang katawan na halatang suki sa gym. Nakakahiya dahil ang daming estudyante ang napapalingon at nag bubulungan.
"Oh, akbay akbay!" pang-iinis ng kaibigan niya habang kinukuhanan kami ng litrato. Wala namang pasabing inakbayan ako neto at hinila ako palapit sakaniya, dahilan para medyo mabigla ako sa ginawa neto.
Todo hiyawan ang dalawang mag kaibigan, at nang makakuha na sila ng litrato ay nag pasalamat lang sila at umalis na 'rin dito sa building namin. . . still, I can feel other students looking at me. Nahihiyang umupo ulit ako sa harapan ni Margaux.
"Okay ka lang?" tanong niya.
Tumango naman ako, "Oo, pero naiilang ako," mahinang sabi ko kaya naman napatingin na 'rin siya sa paligid namin. Natawa ito nang mahina pero halata sa tono niya ang inis.
"Tara, alis na tayo dito" pag-aaya sa akin neto kaya naman lumabas na kami ng cafeteria para maiwasan ang tingin sa akin ng mga tao.
BINABASA MO ANG
To Hook a Star
Teen FictionAster Duke A. Mendoza, known to his fans as Adam, is the Philippines' most celebrated young actor. With an impressive list of accolades, his talent is matched only by his infamous short temper and unyielding belief in his superiority. His dedication...