"It's all a misunderstanding, I've never thought that a simple paragraph could shock the world just like that," he laughs, pretending to be innocent in front of his fans. "I sincerely apologize to everyone who got involved," he looked straight at the camera and smiled. "Please, to all my fans, stop sending hate to Ms. Khione Delancy Fermonica. . . she doesn't have anything to do with this. Instead of throwing hate, let's all support my movie, Under the Moonlight. Thank you."
"Tarantado!" Sigaw ni Nikolai sa harapan ng T.V, akala mo naman ay masusuntok neto si Adam. "Ang gago mo! ulol!" hindi pa ito nag paawat at tinaas ang gitnang daliri.
Kasalukuyan kaming andito sa bahay namin at pinapanood ang interview ni Adam kaninang umaga tungkol sa issue namin. Naki-usap kami ni Nikolai na mag absent ngayong Friday para hindi na masiyadong mag kagulo sa Creston, mabuti nalang at pumayag ang chairperson ng COL.
Matapos naming mag kaharapan ni Adam kahapon ay umuwi na 'rin ito agad. Kinailangan ko pang mag explain kela Mama, at katulad ko ay nagalit din sila kay Adam, pero wala naman kaming magagawa dahil baka lumala ang sitwasyon namin kapag kinalaban pa namin ito.
"But still. . . I can't believe it," sabi ni Nikolai na nasa tabi ko. "He kept his promise, Delancy," seryosong sabi niya. "Adam really fixed the situation— it's scary how much power he holds,"
kahit galit ako kay Adam ay hindi ko mapigilan maging kampante na dahil nag labas na ito nang maayos na statement kaya naman wala na kaming narinig o nabasa na hate comments tungkol sa akin— wala na 'ring mga press o fans ni Adam ang dumadalaw sa bahay namin.
"Anyway, what's your plan?" tanong ni Nikolai at pinatay na ang T.V namin, "pumayag ka na diba? anong sabi niya sayo?"
"Wala. . . kinakabahan nga ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa 'rin niya sinasabi kung ano ang magiging lagay namin," problemadong sabi ko. Ang sabi kasi sa akin ni Adam ay siya 'raw mismo ang mag r-reach out sa akin, pero wala naman itong paramdam kung hindi yung pag labas ng statement niya kaninang umaga.
"Sa March pa naman daw ang start diba? baka naman next year ka pa niya guguluhin," nakangiting sabi niya sa akin.
And I could have swore, Nikolai jinxed my situation, because as soon as he left our house, Adam pulled up unannounced with his luxurious red car. Hindi neto kasama ang manager niya at siya lang ang mag isang pumunta dito. Nasa ilang minuto lang bago umalis si Nikolai pero may bago na naman akong bisita, mabuti nalang at ako lang ang mag isa dito sa bahay kung hindi baka mapatay siya ng buong pamilya ko.
"Why are you looking at me like that?" ang unang bungad niya nang makalabas ito ng kotse. Alas tres na ng hapon kaya mas lalong uminit ang ulo ko nang makita itong naka suot ng pang preskong damit na para bang hindi ito galing sa malalang issue. "Did I do something wrong?" nag-aalalang tanong niya kaya halos masapak ko ito dahil hindi ko alam kung nag bibiro ba siya o hindi.
Pilit akong umiling at binuksan ang pinto nang mas maluwag para makapasok ito. "Bakit andito ka?" iritableng tanong ko at pinaka-titigan itong pumasok sa loob na para bang ininvite ko talaga siya dito.
Nalanghap ko naman ang pang-lalaking pabango neto nung daanan niya ako kaya halos masuka ako sa sobrang lakas. Amoy ata ang pabango niya sa buong barangay, eh.
"Just visiting," he said like it's a natural thing to do. Sinara ko naman ang pinto at mabilis itong nilingon. I saw him making himself comfortable, umupo ito sa sofa namin at binuksan ang T.V, at as expected, mukha niya ang lumabas dahil nakalagay ang channel sa daily news. "Were you watching me before I got here?" tanong niya at hindi inaalis ang tingin sa T.V namin, seryoso siyang nanonood.
BINABASA MO ANG
To Hook a Star
Teen FictionAster Duke A. Mendoza, known to his fans as Adam, is the Philippines' most celebrated young actor. With an impressive list of accolades, his talent is matched only by his infamous short temper and unyielding belief in his superiority. His dedication...