Chapter 5

21 1 0
                                    

Finally, eto na ang huling araw ko dito sa set ng Under the Moonlight. Sa totoo niyan, wala naman akong lines na sasabihin— tatayo lang ako sa gilid ni Kim at titingin lang sa camera for 4 seconds. As for Samara and Bryan, hindi pa tapos ang role nila, sa pagkakaalam ko ay sa October pa matatapos ang filming netong movie, tapos isama mo na 'rin ang editing at press release neto.








7:30 a.m kaming nakarating ni Steven dito sa International, dito kasi ang unang set tapos after ng scene namin nila Kimberly ay pupunta sila sa susunod na location. Binihisan lang ako ni Micah ng simpleng damit at nilagyan ng simpleng make-up para hindi hassle ang pag tanggal ko mamaya dahil may entrance exam pa ako.







"Good luck to your exam later, Khione!" sabi ni Bryan at tinapikan ako sa balikat, "Gusto ka naming tulungan ni Samara pero. . ." tumingin ito sa paligid ng set, "Mas nagiging busy na 'rito, eh," sabi niya kaya naman ngumiti ako.







"Nako, okay lang, andito naman si Stevenson. At saka mabilis lang naman ako mamaya— uuwi 'rin ako agad pag natapos na akong mag exam," sabi ko at nginitian ito, bigla namang nahagilap ng mga mata ko si Roella at Adam na sabay nakarating dito sa set. . . naalala ko tuloy yung nakita ko kaninang umaga.







"Wag kang maniwala, Khione," natatawang sabi ni Bryan kaya napalingon ako sakaniya, mukhang napansin neto ang titig ko sa dalawa na kararating lang. "They are just putting up an act—"






"Hindi 'no!" hinila ko ito palapit sa akin at binulong, "nakita ko sila kaninang umaga! nag kiss sila!" kaya doon natawa si Bryan nang malakas, halos mahimatay ito kakatawa kaya naman napapalingon na sakaniya ang ibang staff dito.








"Oh, my poor friend," sabi niya at pinunasan ang luha bago tumigil sa pag tawa, "That's what they usually do— more like that's what their agencies want them to do," hindi ako sumagot kaya napailing siya sa akin, "Khione, the actors that you see on T.V are slaves to their fans. . . kung ano ang gustong makita ng mga tao edi 'yun ang gagawin ng mga aktor. Hindi mo ba nakita kanina yung tweet ng CNN philippines?" umiling ako kaya napabuntong hininga siya at nilabas ang kaniyang cellphone para ipakita sa akin.








"Oh, eto, basahin mo," at saka neto binigay sa akin 'yun.







CNN Philippines
@cnnphilippines

"The Philippine's box office prince Aster Duke A. Mendoza has been caught kissing the new rising star Ronnie Elizabeth Escuardo in the parking lot of International University; could this be a skit for their up-coming movie Under the Moonlight?"

🗨39.6k 🔁76.1k ♡1M










Sa ilalim naman ay ang picture na kung saan ay kitang-kita kung paano mag halikan ang dalawa— eto yung nakita ko kaninang umaga, eh! binalik ko na kay Bryan ang cellphone neto. Grabe, kasing edad ko lang si Adam pero ganito na yung impact niya sa pilipinas. . . paano pa kaya kapag tumanda na ito?








Halos tatlong oras lang kaning nag film para sa scene namin nila Kimberly, kaya naman meron pa akong dalawang oras para makapunta sa Creston at mag entrance exam. Nilapitan ko naman ang producer namin habang hindi pa sila nag sisimula sa isang scene para mag paalam na kailangan ko ng umalis.







"Ah, excuse me po," napatingin ito agad sa akin.








"Ms. Fermonica, I heard you have your entrance exam later, right?" tanong neto kaya naman tumango ako. Mayroon naman itong kinuha mula sa bag niya, isa itong white envelope na medyo makapal kaya nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko na kung ano iyon. "Here," inabot niya sa akin 'yun kaya naramdaman ko ang pera na nasa loob. "Thank you for cooperating with us up until now." at saka ito ngumiti sa akin.








To Hook a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon