Chapter 11

7 0 0
                                    

Saktong 7 a.m ay nandito na nga si Adam para sunduin ang mga kapatid ko, ang mas nakakagulat pa ay nakangiti ito na para bang may magandang nangyare sakaniya. As usual, gwapo at malinis itong tignan— hindi ko pa 'rin masanay ang sarili ko na araw-araw ko na siyang makikita.









"Good Morning, Fermonica" bati neto.









"Good Morning, Kuya Adam!" sabay na sabi nung dalawang nasa likuran ko.








Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil apelyido ang sambit neto, pero pati tuloy sila Mama at Papa ay napasilip na 'rin mula sa kusina.







"Hijo! nag agahan ka na ba? halika, kain ka muna," sabi ni Mama, nabigla pa nga ako dahil nag labas siya ng pancake mix! eh, kapag may occasion lang namin kinakain 'yun eh! pero kapag si Adam agad nilang iluluto? grabe na yung favoritism! "Khi! papasukin mo 'yang si Adam, malapit na 'rin 'tong matapos" habol ni Mama bago pumasok ulit sa kusina.







Bago pa ako makapag salita ay hinila na siya ng mga kapatid ko, at dahil sa nagulat siya ay hindi ito nakapag react agad, dahilan para mahila ito ng mga kapatid ko. Honestly, hindi ko maiwasang matuwa nang makitang masaya ang mga kapatid ko. Siguro dahil ako ang pinaka-panganay, at hindi nila naranasan ang mag karoon ng kuya— maliban kay Stevenson.





"Uh, we need to go," sabi ni Adam at halatang naiilang sa nangyayare. "Fermonica" tawag neto.







"Bakit?" sabay naming tanong, kaya halata sa itsura niya ang na overwhelm nang makita kaming tatlo na nakatingin sakaniya.







"I'm referring to Delancy," sabi niya at tinitigan ako. Nakita ko naman ang dismaya sa itsura ng mga kapatid ko, lalo na si Kaleyah. Sinesyahan ko ang dalawa na mauna na sa kusina kaya naman naiwan kaming dalawa dito ni Adam sa sala namin. "I don't eat breakfast, we need to go," madiin na sabi niya sa akin, wala siyang pakealam kung marinig siya ng mga magulang ko— isa sa mga bagay na napansin ko sa ugali neto na wala siyang iniintindi na ibang tao maliban sakaniya.







"Maagang nagising sila Mama para ipagluto ka. . . hindi ba pwedeng kahit konti lang ang kainin mo?" mahinang tanong ko at napatingin sa kisame nang mapansin na halos tumatama na pala ang ulo niya doon.







Halata sa itsura niya ang pagkailang kapag pumapasok ito sa bahay namin— kahit hindi niya aminin, ay alam kong hindi siya komportable na pumasok sa bahay na maliit, lalo't na lumaki itong mayaman. . . siguro ngayon lang siya naka-experience ng ganito. Narinig ko ang pag tikhim ni Adam at napakamot sa batok niya.







"You don't understand, Fermonica,"








"Ipaintindi mo sakin," seryosong sabi ko kaya natahimik siya, at tanging nakatingin lang sa akin. "Binabawalan ka bang kumain ng management?" tanong ko sakaniya. Alam kong hindi ito pinagbabawalan ni Sir Roel sa pag kain, pero may mga executives din sa MDZ na nakamasid sa bawat galaw ni Adam— at dahil siya ang main actor nila, ay mas mahigpit ang hawak nila kay Adam.







Hinawakan ko ang kamay ni Adam at hinila ito papasok ng kusina. "Akong bahala sayo. Wag kang mag-alala at kumain ka lang dito sa bahay namin," sabi ko nang hindi ito nililingon dahil may parte sa akin na nahihiya sa sinabi ko— ang kapal ko naman kasing mag aya sakaniyang kumain, eh hindi naman kami ganoon kayaman.







Nang makapasok sa kusina ay nakita na naming kumakain sila Mama, kaya naman naupo na 'rin kami ni Adam na mukhang alien dahil hindi niya alam ang gagawin. Ngayon ko lang din naisip na eto pala ang unang agahan niya dito sa bahay, tapos sabay-sabay pa kaming kakain.







To Hook a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon