March 5, Today is the first day of our shooting for the movie— pero dahil sa nangyare sa amin ni Adam ay hindi ko mapigilan na maging awkward sakaniya. . . nakaka disappoint lang na ganoon ang naging resulta, akala ko pa naman talaga na maayos ang letter ni Vivian.
"So you're saying that the letter contains a nude photo of Steven's little sister?" tanong ni Ate Anika sa akin habang papunta kami sa unang lugar na pag shoot namin. "I don't want to be rude, Khione, pero ganoon ba talaga ang ugali niya?"
Umiling ako. "Hindi ate, hindi siya ganon, eh. . ." malungkot na sabi ko. Naguguluhan ako kung kilala ko ba talaga siya o hindi. "Si Vivian Manuel 'yun, Ate Anika. . . kilala ko ang batang 'yun, mabait at masunurin sa nanay"
"But to think that she'd send her own body to Duke is kinda. . ." hindi na neto tinuloy ang sinasabi nang mapansin ang itsura ko.
Papunta kami ngayon sa barangay ligaya kung saan doon ang unang destinasyon naming lahat. Nandoon kasi ang bahay ni Adam para sa role niya, hindi ko pa nga nakikita yung itsura ng lugar, pero ang sabi ni Ate Anika ay hindi 'raw kalayuan sa itsura ng barangay leticia. To think that Adam is willing to live there for the sake of his role is really something— siya ang nag kusa na tumira doon habang nag f-film kami para 'raw masanay ito sa ganoong sitwasyon.
"Anong gagawin ko, Ate? nakaka guilty. . . hindi ko kayang harapin si Adam"
Ako na ang aamin na hindi kami ganoon ka-close para maramdaman ko 'to, pero maliban sa management niya, ay pili lang ang may alam sa sitwasyon ni Adam, at isa na ako doon, tapos ganoon pa yung mangyayare? nakakainis nga ang ginawa ko kagabi, masiyado akong naging mapilit at naging kampante dahil kilala ko ang nag bigay nung sulat.
"Just act like nothing happened," sabi neto. "Alam kong mahirap gawin 'yun para sayo, pero knowing Duke, mas magagalit ito lalo kapag magiging awkward ka sakaniya— you should know it by now, Khione. . . the only thing that Duke prioritizes is his career— above all else."
Tama si Ate Anika. Mas magagalit nga si Adam kapag ganito ang ugali ko sakaniya. I should just apologize and move on.
Hindi na kami nagulat nang makitang sarado ang main entrance sa barangay ligaya. Maraming kotse, trailer, mga gamit, camera, at tao ang andito ngayon na nag kalat sa kalsada— well, hindi na namin kailangan mag-alala dahil alam kong binayaran na lahat ng tao dito para makipag cooperate sa amin. Nag park kami sa medyo malayo dahil sobrang crowded na talaga doon sa bandang gitna ng barangay.
"Khione, let's go, kailangan na natin pumunta sa waiting room mo"
Sa totoo niyan, hindi naman ako required pumunta ngayon dito, pero dahil sa ito palang ang unang beses na gaganap ako sa isang major role ay kailangan ko nang maging attentive sa lahat ng mga bagay— in short, gusto ko maging present lagi sa shooting.
Ilang minuto 'rin kaming nag lalakad hanggang sa may makita kaming isang staff na nag aayos ng mga gamit kaya naman nilapitan siya ni Ate Anika, habang ako ay nakatayo lang dito sa gilid at hinahanap si Adam. Alam kong madalas itong late sa mga shooting, lalo't na laging puno ang schedule niya, pero sabi ni Ate Anika ay may malaking chance 'raw na maaga siyang pupunta ngayon dito.
Finding Adam with this crowd is impossible. Sa sobrang daming staffs na nag kalat ngayon sa kalsada ay hindi ko itong mahahanap hanggang sa gumanap na ito mamaya. Nag text na 'rin ako sakaniya para sana makapag-usap kami, pero hindi siya nag reply— first time ata mangyare 'yun.
BINABASA MO ANG
To Hook a Star
Teen FictionAster Duke A. Mendoza, known to his fans as Adam, is the Philippines' most celebrated young actor. With an impressive list of accolades, his talent is matched only by his infamous short temper and unyielding belief in his superiority. His dedication...