As expected, 7:38 pm na kami nakarating dito sa International University, mabuti nga at marunong mag drive si Stevenson at alam neto ang mga shortcut kaya mas maaga kaming nakarating sa set. Nang makababa ay nakita namin agad ang maraming sasakyan na naka-parada 'rito. May mga bus, trucks, kotse, at may mga trailer pa para sa hair and make up.
Tumayo lahat ng balahibo ko sa nakita. My heart beats for this scenario. . . balang araw mararanasan ko 'rin ito!
"Oh, ano? tara na?" tanong ni Stevenson habang pinagmamasdan ang paligid. "Halatang may budget 'tong film, ah? sa pagkakaalam ko halos nasa milyon ang pag r-rent ng International. . ." bulong niya sa akin kaya napangiti ako.
Nag halo ang kaba at saya sa puso ko habang nag lalakad kami ni Stevenson papuntang Green fields, dahil pagkakatanda ko ay nandoon ngayon ang scene ko. Doon kasi mag kikita ang male at female lead na sina James at Cassandra dahil may malaking event sa university kung saan kailangan mag perform ni James as a guest dito. Tapos yung role ko na si Marie ay kailangan bumangga kay Cassandra at tarayan ito, dahilan para mapaupo siya sa damuhan then doon papasok si James, tutulungan niya sa Cassandra na tumayo at pagsasabihan si Marie na siya ang mag dahan-dahan, then iirapan lang nito si James at aalis na.
Nang makarating kami ni Stevenson dito sa green fields ay halos manginig ako sa lamig dahil may mga malalaking electric-fan at nakapalibot dito para bigyan ng windy effect ang setting. Maraming mga tao ang nandito, may mga hair and make up artists, directors, producers, mga artista, at marami pa! nandito na 'rin ang mga minor characters na nasa iisang lugar habang nakikinig doon sa casting director na nag patanggal ng "make-up" sa mukha ko.
"Sino kaya ang pwede natin makausap?" bulong ni Stevenson sa likuran ko. "Ang daming naka black, hindi ko alam kung sino yung pinaka boss nila," natawa naman ako nang mahina sa narinig.
"Anong boss? directors dapat ang hinahanap natin," bulong ko pabalik.
Bukod sa mahangin, ay medyo maliwanag din dito dahil sa mga production lightings. May mga instruments na 'rin ang naka set up doon sa malaking stage kung saan mag p-perform si James. Grabe! pangalawang beses ko na 'tong makapunta sa isang shooting set! yung unang beses ko kasi ay commercial lang tapos yung role ko ay background character, pero ngayon, kung pwedeng may makuha ulit ako na character ay eto ang first ever minor role ko!
"Excuse me," bigla kaming napalingon ni Stevenson sa isang lalaking naka suot ng 'staff' t-shirt. "Kasali ba kayo sa mga minor roles?" nag katinginan kaming dalawa at sabay na umiling. "Oh, kung ganoon, hindi kayo pwede 'rito, bawal pa ang mga fans o ang media para maiwasan ang mga spoilers. . . ayaw na ayaw ni Adam ang ganoon kaya kailangan ko kayong paalisin dito,"
Adam. . . siya yung lalaking idol ni Mama, ah?
"Sir, pwede po ba namin makausap yung director niyo? may kailangan lang po kasing sabihin etong kaibigan ko,"
"Sino at anong klaseng director? may technical director, casting director, film director. . ." napakamot si Stevenson sa ulo niya dahil wala itong ka-alam alam sa mga bagay na 'to. Bago pa man ako makapag salita, ay may malakas na tunog ang bumalot sa set— a sign na mag sisimula na ang first scene kaya nataranta kaming lahat. "Look guys, kailangan niyo nang umalis, kung hindi wala akong choice kung hindi tumawag ng security—"
"Sandali lang naman po," paki-usap ko, "kailangan po namin makausap yung casting director, baka po pwedeng humingi ulit ng pangawalang pagkakataon," halos lumuhod ako sa harapan neto para lang hindi kami paalisin dito.
BINABASA MO ANG
To Hook a Star
Teen FictionAster Duke A. Mendoza, known to his fans as Adam, is the Philippines' most celebrated young actor. With an impressive list of accolades, his talent is matched only by his infamous short temper and unyielding belief in his superiority. His dedication...