Chapter 10

9 0 0
                                    

Loren Lumiere Eros. J Ambrose, Eros for short, is known as the most popular amongst athletes here in the Philippines. He's a perfect example of a volleyball player! hindi lang ito sikat dahil sa galing neto, kung hindi dahil din sa itsura niya— gwapo, matangkad, moreno, physically fit, at matalino sa acads! siya yung crush na crush ni Margaux! However, the only flaw about Eros is that he's a womanizer. . . pero kahit ganoon ay marami pa 'rin ang nag kakagusto sakaniya.







"Khione Delancy? you're her, right?" tanong niya ulit kaya natauhan ako bigla at inayos ang pagkakatayo.







"Oo. . . sandali, kilala mo ako?"







Napangiti naman ito sa narinig, "Uh, yeah? didn't you played Marie in Under the Moonlight?" doon ko lang naalala na gumanap nga pala ako doon at may mga taong nakakakilala pa 'rin sa akin. . . hindi naman kasi ako sumikat talaga dahil doon, eh. . . "Anyway, I'm glad to see you,"







Kinabahan ako sa narinig, "T-Talaga? bakit? anong meron?" praning na tanong ko sakaniya.







"My little sister loved that movie!" masayang sabi niya at may nilabas na maliit na papel at ballpen mula sa duffel bag niyang kulay black. "Actually, she's a fan of Ronnie, but she's also a fan of you. . . can I have your autograph?" tanong niya kaya napatitig ako doon sa papel.







Totoo ba 'to? Si Eros? humihingi ng autograph ko? yung gwapong volleyball player?! yung crush na crush ni Margaux? yung heartthrob sa university nila? yung sikat na spiker?! yung famous sa Instagram?!







"Oh, sorry, are you not allowed to—"







Mabilis kong kinuha ang ballpen at nag sign doon sa maliit na papel kahit wala naman talaga akong designated signature para sa mga bagay na 'to! "S-Sorry, nabigla lang ako," nahihiyang sabi ko at binalik na sakaniya ang ballpen matapos itong sulatan. "Hindi ko lang inaasahan na ikaw yung lalapit sa akin. . . famous ka 'rin kasi sa Creston," natatawang sabi ko.







"Oh," napakamot ito sa batok niya. "Not really, I just play very well," nahihiyang sabi niya kaya mas lalo akong kinilig! ang cute niya! "Anyway, are you here by yourself? if you want to, maybe we can grab a drink together at Empire's. . . just to get to know each other better," sabi niya at nginitian ako.







Sasagot na sana ako pero. . .







"She's with me."







Sabay kaming napalingon sa likuran ko at nakita si Adam na nakatayo doon habang hawak ang food number namin. . . mukhang kararating lang neto galing sa pag s-sign ng mga autograph galing sa fans niya.






"Well that's unfortunate," napalingon naman ulit ako kay Eros na nakangiti pa 'rin, pero this time ay medyo seryoso na ang tingin niya. Ang mas nakakagulat pa ay hindi man lang ito na-starstruck nang makita ang kaisa-isang Adam sa harapan niya. . . ganito talaga siguro kapag sikat ka 'rin. "I guess I'll see you around, Khione," ngumiti ito at nakipag-apir sa akin kaya naman tinanggap ko iyon.








"Yup! see you!" ngumiti ako.







"Oh, and you should come to our game next week at Ephraim, maybe I'll play better if you're around," tinignan niya si Adam, "You should also watch, Mendoza. . . maybe it will pique your interest." ang huling sabi niya bago umalis dito sa Mang Inasal.







Sinilip ko naman ang reaksyon ni Adam at nakita ang iritableng itsura neto dahil sa nangyare.






"What are you looking at?" inis niyang tanong sa akin at nauna nang maupo sa gilid. . . para tuloy itong batang hindi pinayagan mag laro sa labas.






To Hook a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon