Chapter 15

4 1 0
                                    

Mamamatay na yata ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Mainit yung katawan ko, pero nilalamig yung mga paa ko. Masakit yung ulo ko, pero pakiramdam ko ang gaan-gaan neto. Tapos hindi ko na maitaas yung mga kamay ko dahil sa sobrang panghihina. . . kailan ba ako huling nag ka-lagnat? parang ngayon nalang ulit ako naging ganito.









"How many times do I have to tell you?! she's sick! she literally can't move for godsake!" napalingon ako kay Ate Anika na andito sa kwarto ko at kasalukuyang nakatayo malapit sa pinto. "Her temperature is currently at 41 degrees celsius! do you want her to die out of— what?! no! I will cancel her appointments for today. . . hindi ko alam kung kailan" stress netong sabi sa kausap niya kaya napapikit ako ulit.










This is the worse. Bad timing talaga ang pag dating ng sakit ko. Kung kailan palapit na ang filming namin doon ako mag kakaroon ng lagnat. Hindi ako pwedeng mag absent bukas dahil paniguradong hindi lang si Mrs. Venice ang magagalit, kung hindi pati si Adam.









"I have to take her to the hospital. . . I'm getting light headed" mahinang sabi ni Ate Anika kaya sinubukan kong tumayo mula sa kama ko pero hindi talaga kaya. Parang may mabigat na bagay ang nakapatong sa akin ngayon— eto na ata ang pinakamalalang lagnat ko.










"Khione? are you awake? kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot," binuksan ko ang mga mata ko at nakita ang pag-aalala niya sa akin. "Duke called me. . . he's on his way here—"








"A-Ano?" halos hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa lalim neto— parang kinapos ako sa hangin. "Hindi pwede. . . baka mahawa siya" napatingin ako sa pinto ulit at nakita si Klaude na nakasilip kaya hindi ko maiwasang malungkot dahil alam kong nag-aalala sila para sa akin. "Ate, pwede bang dalhin mo muna sila Mama sa ibang lu-lugar?"










"I've been trying to tell them that you're going to be okay, pero hindi mapakali ang mga magulang mo— at this poing baka mahawa na sila kakasilip sayo dito sa kwarto,"








Napapikit nalang ulit ako dahil wala ako sa tamang pag-iisip para gumawa ng desisyon. Dati kapag nag kaka-lagnat ako, si Mama lagi ang nag aalaga sa akin, pero iba na ang sitwasyon ngayon— hindi na sila pwedeng mahawa pa sa akin dahil may edad na 'rin sila Mama at Papa.







Maya-maya pa ay napagisipan ni Ate Anika na bigyan ako ng sopas na ginawa ni Mama para sa akin, kaya naman naiwan akong mag-isa dito ngayon sa kwarto. Grabe, ikakamatay ko ata 'tong ganitong kalagayan— hindi ko alam kung bakit ngayon pa ako nag ka-lagnat kung kailan mas kailangan kong umalis ngayon ng bahay. . . sana gumaling na ako bukas dahil nakakahiya naman kela Mrs. Venice.









Habang nakahiga at nag papahinga, bigla akong nakarinig nang pag uusap mula sa labas— at base sa boses ay alam ko nang may bwisita ako.








"Where is she?!"






"I told you, Duke! she needs to rest!" bago pa man mapigilan ni Ate Anika si Adam ay nakuha na netong buksan ang pinto kaya nag tama ang paningin naming dalawa. "You're not allowed to go here, pag ikaw nilagnat, ako ang malalagot" problemadong sabi ni Ate Anika bago ako lapitan at bigyan ng sopas.








Hindi niya ako hinayaang makatayo o makaupo man lang, talagang sinubuan niya ako kahit nakahiga ako ngayon dito sa kama— etong si Adam naman ay napailing sa nakita.







"Get her things ready, we're living in 10 minutes," at saka ito tumalikod kaya kitang-kita ko ang galit sa itsura ni Ate Anika at akmang mag sasalita na. . . "She's going to spend the rest of her time in my apartment."









To Hook a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon