Chapter 9

15 0 0
                                    

Simula nang mag tagpo ang landas namin ni Adam, ay ni isa wala pa akong naging matino na araw sa buhay ko. Kung hindi ako nag o-overthink, bigla naman siyang darating tapos guguluhin yung buhay ko in person, o kaya naman wala siyang paramdam tapos lalo akong kakabahan— and now this, he set up a dinner with me and his family without my consent!








Iniisip ko pa lang na makikita ko ang mga magulang neto ay pakiramdam ko masusuka ako. . . I mean, it's the Mendoza Family! sobrang sikat nilang lahat! at kapag may nakakita sa amin mamaya, paniguradong hinding-hindi na talaga ako makakabalik sa dati kong buhay.








"I know it's a bit sudden—"











"Talagang sudden!" natatarantang sigaw ko, "wala akong ayos! nakakahiya, ang pangit ko!" nag drama ako sa loob ng kotse ni Joaquin.









Para akong bulati na nilagyan ng asin dahil sa sobrang gulo ko ngayon, mabuti nalang at traffic, kung hindi baka ma aksidente kaming dalawa ng wal sa oras. "Anong gagawin ko? anong e-expect ko? bakit hindi mo sinabi agad sa akin!"








Joaquin pursed his lips, halatang pinipigilan ang sarili sa pag tawa. "Kalma, Khione," sabi neto at tinutok ang aircon sa akin. "Mababait naman ang mga magulang ni Adam,"








"Talaga?"







"I don't know, I've never met them before,"








Halos sakalin ko na ang leeg neto sa inis. Kahit pala ito ay hindi pa nakilala nang lubusan ang mga magulang ni Adam. Mas lalo tuloy ang kinakabahan. Hindi naman sa pagiging oa pero kasi. . . iba talaga ang Mendoza, kung malaki ang reputasyon ni Adam, mas malaki ang sa mga magulang niya! lahat siguro ng tao dito sa Pilipinas ay ini-idolo ang mag asawa.










"Okay ka lang ba?" tanong ni Joaquin sa akin.









Napatakip ako sa bibig ko, "Masusuka ata ako,"








Nag panic ito agad at nag hanap ng plastic sa likuran ng kotse niya. "Not inside my car! please! not inside my car!" sigaw niya na parang mababaliw na. Sa sobrang gulo neto ay umaalog na ang kotse, baka anong isipin ng ibang taong nasa labas. "Khione! Please! just— just swallow your vomit!" naiiyak na sigaw niya kaya hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa narinig.








"Are you okay now?" tanong ni Joaquin sa akin.







Kasalukuyan itong nakaparada sa gilid, nakababa pa ang mga bintana para 'raw makahinga ako nang mas maayos. . . and surprisingly, it worked. Siguro kinabahan lang talaga ako na ilang oras nalang ay makikita ko na ang mga magulang ni Adam. Honestly, I'm more curious about his father— after having a son, he decided to leave the spotlight for good. Maraming nalungkot at nag taka sa nangyare, ang sabi ni Joaquin ay marami 'raw nag iisip na baka nag kasakit ito o kaya naman ayaw niya na talaga sa showbiz.









"I was just messing with you earlier," sabi ulit neto. "I already met them once. Mabait ang nanay niya. Baka nga magulat ka dahil ibang-iba sila ng ugali,"







"Yung tatay niya?"







Nag kibit lang ito ng balikat. "Never seen him. . . no one does— ever since Adam came."







Napalitan ng pagtataka ang kaba ko. Maya-maya pa ay nag patuloy na si Joaquin sa pag mamaneho. Hindi naman nag tagal ay nakarating na 'rin kami dito sa building kung saan kailangan mo pang itaas ang ulo mo para makita ang pinaka-tuktok neto.








To Hook a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon