It was happening all of the sudden. Masiyadong mabilis ang pangyayare at nakita ko nalang si Adam na hawak ang ulo ko para iyuko ako sa mga taong andito ngayon sa Candy's Restaurant. Wala akong makita, tanging sigawan nalang ang naririnig ko. Hindi ko alam kung nasaan sila Bryan, Ramona, o si Marcus.
"Adam! is she your new female lead!?"
"Adam please just a small interview!"
"Duke! anong masasabi mo sa bagong pelikula ni Roella!?"
Adam's hand is still on top of my head. It's as if, he's making sure that I won't bump my head into anyone. . . halata sa galaw netong katabi ko na nahihirapan siyang makaalis, mabuti nalang at dumating na ang security guards para alalayan kaming makalabas doon sa loob— pero kahit lima na ang tumutulong sa amin, ay wala silang laban sa daming tao ngayon dito.
Hindi ko alam kung nasaan na kami, tanging ang mga sapatos lang namin ang nakikita ko— hindi 'rin nag sasalita si Adam. Kalmado siya kahit alam niyang mahihirapan kaming makalabas ng mall. He's the perfect celebrity.
"Mr. Adam, this way please," rinig kong sabi nung gwardya kaya dumaan kami sa masikip na hallway papunta sa hindi ko alam. . . rinig ko pa 'rin ang sigawan ng mga tao, pero wala nang nakapalibot sa amin, kaya naman inangat ko na ang ulo ko at nakita si Bryan at Roella na kalmadong nag lalakad sa harapan namin.
I was about to turn around to check Marcus, but Adam immediately caught my head. "He's right behind us, don't worry." mahinang sabi niya kaya hindi na ako lumingon at tanging nakatingin lang sa likuran nila Bryan.
I can't help it. . . ako lang ba yung nag iisang natataranta? why are they so calm about this? bakit parang ako lang ang nag-aalala sa kalagayan namin? Maybe. . . I'm not up for this— baka hindi ko talaga kaya ang mga buhay nila.
"Ms. Khione Atienza!"
Mabilis akong natigilan at tumingin sa likuran kahit alam kong magagalit si Adam. Nakita ko ang pag kagulat ni Marcus pero ang titig ko ay nandoon lang sa lalaking naka face mask at pilit na lumalapit sa amin— pinipigilan ito ng limang gwardya sa entrance ng hallway.
It wasn't about how loud the scream is. . . he caught my attention because he knew my middle name— which no one knows about besides my family, kahit nga sila Nikolai ay hindi alam ang apelyido ng nanay ko. Ramdam ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko. I felt Adam pulling my hand, but my attention is currently at the guy who is waving at me— parang masaya siya na naagaw niya ang atensyon ko.
Who was that?
"Seriously, Fermonica!" iritableng sabi ni Adam nang makapasok kaming dalawa sa van neto. Andito 'rin si Ate Anika at Kuya Roel na may kausap sa telepono nila. "What were you doing? it's as if you were a statue!"
Hindi nalang ako nag salita at nanahimik nalang dito sa upuan ko. Masiyado lang siguro akong nadala dahil doon. . . iba na talaga siguro ang internet, to the point na may nakalaman na agad ng pangalan ko.
"Calm down you two," sermon ni Kuya Roel sa amin, kaya walang nagawa si Adam kung hindi lumabas ng van dahil sa galit. "Khione, take your time to rest, ako na ang bahala sakaniya," ngumiti ako kay Kuya Roel at pinagmasdan itong sundan sa labas si Adam, kaya naman nilapitan ako agad ni Ate Anika.
BINABASA MO ANG
To Hook a Star
Teen FictionAster Duke A. Mendoza, known to his fans as Adam, is the Philippines' most celebrated young actor. With an impressive list of accolades, his talent is matched only by his infamous short temper and unyielding belief in his superiority. His dedication...