"A Mem'rable Saturday"
Unang Sabado ng bakasyon noon nang marinig na naman ni Rhian ang pinaka hate niyang kanta sa buong mundo, sa cd player ng kapatid niya. Ang Chinese Eyes. Ang kantang ito ay tungkol sa isang dalagitang in-love sa lalaking may singkit na mga mata. Isa ito sa mga pinakasikat na kanta ngayon sa Pilipinas dahil kausuhan ngayon ng mga koreanovela at iba pang Asian dramas sa mga T.V. Station.
["Ano ba naman ang aga-aga...,"] naaasar na sabi ni Rhian sa kanyang isipan.
Pero bago pa matapos ang chorus ng kanta bumangon agad si Rhian sa pagkakatulog at umupo sa kanyang kama.
"Ay! Naku talaga si Rita, sabi ko banned na 'yang kanta dito sa bahay eh," galit na sabi niya sabay kamot sa ulo.
Tumayo siya at mabilis na lumabas ng kwarto niya para puntahan ang kanyang nakakabatang kapatid na si Rita sa kwarto nito.
Padabog niyang binuksan ang pintuan ng kwarto at nakita pa niya itong sinasabayan ang lyrics ng kanta habang hawak nito ang hair brush niya.
Napatingin si Rita sa kanyang ate at nagulat.
"Bakit ba ate?"
"Di ba ang sabi ko sa iyo, banned na 'yang kanta dito sa bahay. Ayaw ko na 'yang marinig. Kinikilabutan ako tuwing naririnig ko ang kantang iyan, lalo na ang chorus."
"Bakit ba ate? Anong problema mo sa kantang 'to? Maganda naman at isa pa nakaka-inspire. Naaalala ko ung crush ko sa t.v. I can feel it!"
Sinabayan pa rin ni Rita ang kanta hanggang sa matapos ito habang naiiritang nakatitig sa kanya ang ate niya.
"I hate you!," mahinang sabi ni Rhian.
Bumaba si Rhian papuntang kusina dahil balak pa niyang isumbong ang kapatid sa mommy nila.
Magbe-beinte uno anyos na si Rhian pero, kahit na dalawang taon ang pagitan ng magkapatid ay halos magkasing edad ang turingan nila sa isa't-isa.
Magfo-fourth year college na si Rhian. Si Rita naman ay mag -se-second year college na. Mahilig rin siyang mag-aral. She also knows her priorities kahit minsan ay akala ni Rhian na hindi nag-aaral si Rita, makikita sa mga grades nito na nag-aaral talaga siyang mabuti at hindi rin siya nawawala sa honor's list- parang genius lang.
"Mommy! Mom!," sigaw ni Rhian habang bumababa ng hagdan.
Sumagot ang mommy niya ng may pagtataka.
"Oh...bakit ba? Huwag ka ngang sumigaw. Tawagin mo na nga pala si Rita at nakahanda na ang agahan."
"Mommy, kasi si Rita, sabi ko sa kanya banned na yung kanta ni Yemi Chen dito sa bahay."
" Yemi? Sino ba un?".
"Si Yemi Chen, yung kumanta ng Chinese Eyes."
"Ah! Oo...tapos?"
"Tapos, pinatugtog pa rin niya, tas sinabayan pa niya, tas feel na feel pa niya. Talagang nangaasar siya mommy," sabi ni Rhian."Pagsabihan niyo nga po..."
"Hayaan mo na si Rita kanta lang naman iyon."
Sabay singit ni Rita sa usapan dahil nakababa na pala ito.
"Oo nga ate. Kanta lang yun. OA ka masyado. Atsaka favorite ko iyon noh. Parang nagbibigay sa akin iyon ng energy."
"Energy?," ulit ni Rhian.
BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
RandomA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...