"A Festive Occasion"
Dumating na ang araw ng fiesta sa probinsiya nila Mark. Inimbitahan niya ang pamilya nila Rhian at Yna sa kanilang Villa.
"Nathan, aalis ka na? Susunduin mo na ba sila Rhian at Yna?" tanong ni Mark.
"Ha? Oo. Sandali lang."
Maya-maya ay nakapaghanda na si Nathan at nagbyahe na papuntang Manila. Nang makarating na siya sa bahay nila Rhian ay kumatok na ito sa gate.
"Tao po! Tao po! Rhian! tito Fred?" sigaw ni Nathan sa labas ng gate.
"Uy! Si Nathan! Nandyan na si Nathan," sabi ni mommy Aida. "Rhian, papasukin mo na si Nathan."
"Ha? Rita! Ikaw na lang," utos ni Rhian sa kapatid.
"Ha? Ikaw na kaya."
"Rita..." sabi ni Rhian habang nilalakihan ito ng mga mata niya.
"Bakit ba ate? Sige na nga," sabi ni Rita habang nilalagay niya ang mga gamit niya sa kanyang bag.
Pinuntahan na ni Rita si Nathan sa gate at pinapasok.
"Hay! Brother-in-law! Pasok daw po kayo," sabi ni Rita habang hila-hila nito ang braso ni Nathan.
"Ha? Brother-in-law? hehe," tuwang sabi ni Nathan.
"Yes po," ngiting sabi ni Rita.
Nang makapasok na ay binati ni Nathan sila Rhian sa sala na busy sa paghahanda ng mga gamit.
"Magandang hapon po!" bati ni Nathan.
"Nathan! Magandang hapon rin," bati ni daddy Fred.
"Sorry, Nathan ha. Hindi pa kami tapos. May pinuntahan pa kasi kaming kasalan," paliwanag ni mommy Aida.
"Ah, ganun po ba. Ok lang po," sabi ni Nathan.
"Yes kuya! Ito po oh. Nakuha ni ate yung bouquet," masayang sabi ni Rita habang pinapakita nito ang mga bulaklak kay Nathan.
"Ah...Ang galing naman," sabi ni Nathan.
"Alam mo kuya Nathan ang sabi nila kapag nasalo ng babae ang bouquet sa kasal, siya na ang susunod na ikakasal. Kaya, I'm calling you brother-in-law," sabi ni Rita.
Napapangiti lang si Nathan sa mga pinagsasabi ni Rita.
"Hindi, Nathan. Hindi ko naman yan nasalo. Nasalo yan kasi ni Rita. Natakot siya tapos dali-daling binigay sa akin," paliwanag ni Rhian.
"Oo nga. Hahaha," tawa ni daddy Fred.
"Hay...Naku kung nakita mo lang ang itsura ni Rita, nakakatawa," sabi naman ni mommy Aida.
"Ah...ganun po ba," ngiting sabi ni Nathan.
Pagkatapos ng makapaghanda nila Rhian ay lumabas na sila sa bahay.
"Anong sasakyan natin kuya?" tanong ni Rita.
Nang makalabas na ng gate ay tinuro na ni Nathan ang dalawang itim na van. Ang isang van ay para sa pamilya ni Rhian at ang isa naman ay sa pamilya ni Yna. May tag-isang driver rin ang mga van.
"Wow! Tag-isa pa ng van. Maganda yan para kapag tumahol ng tumahol si Chan-Chan walang magagalit. Baka kasi magalit yung parents ni ate Yna kapag sinumpong ito si Chan-Chan," sabi ni Rita.

BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
RandomA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...