"Bookworms"
Nag-umpisa na ang pasukan kaya nagumpisa na rin na maghanap sila Rhian at Yna ng mga gagamiting libro nila na makakatulong sa kanilang pag-aaral.
"Sis! Ang dami naman nating kailangang bilhin na libro. Tumingin-tingin nga ako sa Red bookstore, ang mamahal ng mga presyo nito," reklamo ni yna.
"Ha...ganun. Sige, maghanap na lang tayo sa mga second hand bookstore o kaya yung ibang libro, hanapin natin sa library tapos hiramin na lang natin para matipid," payo ni Rhian.
"O sige!" masayang sabi ni Yna.
"Mamaya punta tayo doon sa bagong bukas na second hand book store malapit sa amin. Tumingin tayo ng mga libro doon."
"Ay naku sis...I can't. May pupuntahan kasi akong meeting. may meeting kami ng mga ka-church ko. Pwedeng ikaw na lang muna tapos kapag mayroon kang nakita, ako na lang ang bibili. Libre ko!" sabi ni Yna.
"Ha...O sige...ikaw bahala."
"Yes! Thank you sis...akala ko kasi magtatampo ka."
"Ngeek. Hindi noh. I know naman na importante yang meeting niyo," ngiting sabi ni Rhian.
Nag-ngitian na lang ang dalawang magkaibigan.
Pagkatapos ng kanilang mga klase ay dumiretso na si Rhian sa sinasabi niyang bagong bukas na secondhand bookstore na malapit sa kanila. Naghanap hanap siya ng mga libro na kailangan niya para sa iba't-ibang subjects nila ni Yna.
Nagulat si Rhian dahil hindi niya inaasahan doon si Nathan na nagbabasa ng libro.
"Nathan!" bati ni Rhian.
"Ha? Hon..."
"Hon ka diyan...Nandito ka rin pala."
"Ha? Ah...Oo"
"Ay...Oo nga pala. Mahilig ka nga rin pala mag-basa," sabi ni Rhian.
"Oo, kasi nakita kong bagong bukas itong bookstore," sabi ni Nathan. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Ah...ano kasi. Naghahanap ako ng mga books namin ni Yna kasi nga pasukan na. Mga Reference books, Business books, Science and Math books na rin. Basta kahit anong books na makakatulong sa amin," paliwanag ni Rhian.
"Ganun ba..."
"Sige...Maghahanap lang ako ha. Dun muna ako sa section na iyon," paalam ni Rhian.
"Sige."
Tiningnan ni Rhian ang iba't-ibang klase ng libro sa bookstore. Ang dami na niyang nailistang pwede nilang magamit ni Yna. Nag-canvass lang muna siya ng mga presyo ng mga libro.
Pinuntahan siya ni Nathan para magtanong.
"So...Marami ka na bang nabasa. Lahat ba ng kailangan niyo ni Yna, nandito na?"
"Ha...hindi nga eh. Yung iba meron tapos yung iba wala eh. Baka puntahan na lang namin ni Yna yung iba pang bookstore sa ibang araw.
"Ah...Ganun ba. Ako, may alam akong library. I guess baka makita mo na rin doon ang lahat ng kailangan mo."
"Talaga? Saan yun? Malapit lang ba dito?" tanong ni Rhian.
"Ha? Eh...malayo-layo dito eh. Pero may alam akong short cut."
BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
RandomA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...