"The Signs"
1:30 na ng umaga pero gising pa rin si Rhian. Hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin niya ang tinanong ni daddy Fred kay Nathan na kung may gusto ito sa kanya.
"Hay, ano ka ba Rhian? Ano bang nangyayari sa iyo?" sabi niya sa sarili.
[" Bakit ba ako nagkakaganito? Hay naku, kailangan ko ng matulog,"] isip niya.
Maya-maya pa ay may narinig siyang boses. Tinatawag siya nito.
"Rhian! Rhian! Rhian!"
"Sino ba yun? Gabing –gabi na,eh...," pagtatakang sabi ni Rhian.
Pagtingin niya sa bintana ay nadoon si Nathan at nakangiti. Nagulat siya at nagtaka.
"Nathan, bakit ka ba nandyan. Baka mahulog ka," pag-aalalang sabi nito kay Nathan.
"No, it's ok...halika may ipapakita ako sa iyo," imbita ni Nathan.
"Ha?"
Binukas ni Nathan ang palad niya at inilagay naman ni Rhian ang palad niya dito. Nagulat na lang si Rhian nang bigla siyang hinila nito at hinawakan sa baywang pagkatapos ay lumipad sila ng lumipad sa ere. Nakita niya na maliwanang ang buwan. Halos maabot na niya ang buwan sa sobrang lapit nila dito. Tumatalon sila sa bawat bubong ng bahay. Hawak ni Nathan ang isang kamay ni Rhian ng nakataas habang ang isa naman niyang kamay ay nasa may baywang ng dalaga. Masayang-masaya silang dalawa na tumatalon pero nagtataka si Rhian dahil parang walang gravity, mabagal ang pagtalon nila.
Maya-maya pa ay huminto sila sa isang bubong ng bahay. Umupo sila doon at nagkwentuhan. Tinitingnan ni Rhian si Nathan habang nakatingala lang si Nathan sa langit.
"Nathan?" tawag ni Rhian.
"Ha? bakit?"
"Ah...bakit mo ba ako dinala dito?," tanong ni Rhian.
Ngumiti lang si Nathan. Bigla itong nalungkot.
Tinitigan ni Rhian ang mga mata ni Nathan at nagulat siya dahil biglang naging kulay yellow ang mga ito. Natakot siya, napatayo at lumayo kay Nathan.
"Nathan! Anong bang nangyayari sa iyo? Are you a vampire?"
Tumingin sa kanya si Nathan at tumayo. Lumapit si Nathan sa kanya at inilabas nito ang mga pangil niya at nasa aktong kakagatin nito ang leeg niya.
Nagulat lang si Nathan ng bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Rhian.
"Bakit, Nathan? Nagugutom ka ba? Sige lang, inumin mo ang dugo ko," sabi ni Rhian.
Inalis ni Nathan ang mga pangil niya sa leeg ni Rhian at ang pagkakayakap ni Rhian sa kanya.
Tumalikod si Nathan at unting-unting umalis.
"Nathan! Nathan! Saan ka pupunta?" pigil ni Rhian.
Unting-unting naglalaho si Nathan at bigla na lang tumulo ang mga luha ni Rhian.
Biglang nagising si Rhian at napansin niyang may luha ang mga mata niya.
["Panaginip lang pala,"] isip niya.
Maya-maya ay narinig niya ang cellphone niya kaya sinagot niya ito
Kring-kring-kring
"Hello Mark? bakit ka napatawag?" tanong ni rhian.
"Hay! Rhian! Good morning! Miss me?"
Walang imik si Rhian sa naitanong ni Mark sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/42888992-288-k367413.jpg)
BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
RandomA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...