"Ang hopia...bow"
Naglalakad si Nathan sa kalsada dahil kabibili lang niya ng merienda. Nakita niya si Rita habang ipinapasyal si Chan-Chan.
"Si Rita yun ha...." sabi ni Nathan sa sarili kaya kinawayan niya ito.
Nakita rin siya ni Rita, kinawayan at tumakbo ito papunta sa kanya.
"Kuya Nathan!" sabi ni Rita.
Nag-usap sila Nathan at Rita habang naglalakad pauwi ng bahay.
"Kuya! close na ba kayo ni ate?" tanong ni Rita,
"Ha? Oo naman. Magkakaibigan na kaming apat nila Rhian, Yna at Mark. Sabi nga ng kuya Mark mo, we are Musketeers daw. One for all-all for one.
"Ah, ganun...Eh, gaano na kayo ka-close ni ate? Parang as in duper super close na?" tanong ulit ni Rita.
"Ah...Maybe, I wish..." ngiting sabi ni Nathan.
"Alam mo kuya Nathan, If I were you, unahan mo na si kuya Mark. Mas boto ako sa iyo eh...huwag kang maingay ha..."
"Ha?"
"What I mean is, ahm ... ligawan mo na ang ate ko"
"Aww-Aww!" sabay tahol ni Chan-chan.
"Tingnan mo itong si Chan-chan, sumasang-ayon rin," sabi ni Rita.
"Ha? eh, bakit mas gusto mo ako over Mark?" tanong ni Nathan.
"Ha...eh...kasi gusto ni ate ng chinito. Kahit sinasabi niya na I hate chinitos, I hate chinitos...I know...gustong-gusto niya ang mga chinitong tulad mo. Dati nga eh...Ay!" napahinto si Rita sa pagke-kwento dahil na-realize niyang masyado na siyang nagiging madaldal.
"Chinito?" tanong ni Nathan.
"Yah. Chinito-ung singkit ang mga mata. Yung ganito oh...tingnan mo kuya," paliwanag ni Rita sabay hatak sa gilid ng mga mata niya para maging singkit ang mga ito.
Natutuwa lang si Nathan kay Rita dahil masayahin ito at palabiro. Naalala rin ni Nathan noong una niyang makita si Rhian sa Red Bookstore.
["Kaya pala she said chinito,"] isip ni Nathan.
Dahil mahaba-haba pa ang lalakarin nila ay naisipan naman ni Nathan na tanungin si Rita about kay Rhian.
"Ah...Rita"
"Yes, kuya?"
"Ah...I just wanna ask kung may naging boyfriend na si Rhian?"
"Ha? Uuuyyy, si kuya Nathan...well, honestly, wala pa as in talagang certified NBSB siya."
"Ha...NBSB?"
"Yes, kuya, NBSB as in No Boyfriend Since Birth. Ano ba yan kuya Nathan, old acronym na yun eh. Saan ka ba galing sa Mars? hihihi..." sabi ni Rita sabay tawa nito.
"Hindi, sa future..." mahinang sabi ni Nathan sa sarili.
"Ano kuya...may sinasabi ka ba?"
"Ha? wala..." ngiting sabi ni Nathan.
"Pero kuya...Hindi ko lang alam kay Ken Lee ha," sabi ni Rita.
BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
SonstigesA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...