" The Contest "
Isang umaga, nagbasa ng dyaryo si Rhian. Kalilipat niya ng mga pahina ay may isang announcement ang nakakuha sa kanyang atensyon.
"Ha? Writing and Singing Contest? Wow! Ang laki naman ng premyo, 50,000.00 pesos. Pwede akong sumali dito," sabi ni Rhian sa sarili.
"Ate! What's that? Patingin nga," sabi ni Rita sabay kuha sa dyaryo. Wow! 50,000.00 pesos! Ate! Sumali ka na bilis. Di ba magaling ka namang gumawa ng kanta? And magaling ka namang kumanta, so...ate I guess, you're going to win this. I feel it! Parang Feel-mo-leaves shampoo commercial lang, I can feel it! Hehehe."
"Sige, I'll try. Sandali nga. I'll just read the mechanics," sabi ni Rhian. "Hala malapit na ang deadline."
YYY
Pagkatapos kumain nila Rhian at Rita ng agahan ay dali-dali silang pumunta sa kwarto para halughugin ang mga nagawang kanta ni Rhian.
"Ito, maganda 'to, Hating a Lover," sabi ni Rhian habang hawak-hawak ang papel.
"Patingin nga ate," sabi ni Rita. "Eh, pangit. Bitter lang?"
"Ha? Ganun. O, sige, ito na lang. Bakit mo ako iniwang luhaan?"
"Huwag yan ate. Malungkot masyado ang lyrics."
"Oo nga. Well, sige, ito na lang. "I Hate Chinitos? hehehe...," tawa ni Rhian.
"Halaka! Ano ba yan ate. Wala ka bang masayang kanta. Yung tipong in-love ka. Siguro kasi noong ginawa mo ang mga yan. Galit ka kay Ken. Noh? Am I right?"
"Ngek. Sus..."
"Ate. I think you need to work on a new song. Para ma-inspire ka, isipin mo na lang lagi si brother-in-law," sabi ni Rita.
"Anong sabi mo? Brother-in-law?"
"Oo, ate. Si kuya Nathan. Bakit? Hindi ba?"
"Ikaw talaga, Halika dito! Kapag narinig ka nila daddy!"
"Sige ate! Alis na 'ko. Suggestion lang naman yun!" paalam ni Rita sabay takbo ng mabilis paalis ng kwarto ni Rhian.
"Talaga 'to si Rita. pero tama si Rita. Dapat ma-inspire ako muna bago ako makaisip ng magandang kanta."
Nag-umpisa nang mag-isip si Rhian ng kanta habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Hmmm...Hay! Bakit wala akong maisip. Nakakaasar," sabi ni Rhian.
Lumabas na lang siya muna ng kwarto dala-dala ang kanyang notebook at ballpen at umalis ng bahay. Habang naglalakad ay may tumawag sa kaniya.
"Rhian!"
"Ha? Sino yun?" sabi ni Rhian sa sarili at lumingon ito.
Nakita niya kung sino ang tumawag sa kanya. Si, Nathan pala.
"Uy, Nathan!"
"Rhian, Saan ka pupunta?" tanong ni Nathan habang nakasakay sa bike. Bumaba ito at kinausap ang dalaga.
"Ha? ah...wala bibili lang ng hopia."
"Hopiang Ube?"
Tumango na lang si Rhian.

BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
RastgeleA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...