CHAPTER 12

2 0 0
                                        


"Who's Maat"

"So, Nathan. This is the day," sabi ni Mark.

"Yup! This is the day," ulit ni Nathan.

Ngayon kasi ang araw ng paglipat ni Nathan ng bahay. Nagumpisa nang magligpit sila Mark at Nathan ng mga gamit.

"Pre, nasabi mo na ba kila Rhian na lilipat ka na ng bahay?" tanong ni Mark.

"Ha...Of course. I don't want naman na mag-alala sila na isang araw, nawala na lang ako na parang bula. I already talk to tita Aida and tito Fred."

"Good," sabi ni Mark.

Habang nagliligpit ng mga gamit ay may napansin si Mark na isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon at nakita niya ang isang panyo na kulay puti. May nakaburdang mga letra dito.

"Pre, MAAT?" sabi ni Mark.

"Ha?" sabi ni Nathan sabay lingon sa kaibigan at nakita niya hawak-hawak nito ang pinakatatago niyang bagay. Kinuha niya ito kaagad sa kaibigan.

"Pre, ha...Ikaw ha. It's like I don't know you anymore. Mahilig ka pa lang magtago ng mga ganyan ha. Who's maat ba?" tanong ni Mark.

"Ha? Ano kasi...I also don't know," sagot ni Nathan.

"What? Ewan ko sa iyo pre. Why are you keeping it?"

"This is precious to me. One thing na nagpapaalala ng kabataan ko, natin...nung first time kong makarating dito," paliwanag ni Nathan. Atsaka, talagang nahalungkat mo pa ito ha. Nakatago ito sa back pack ko ha?"

"Eh...curious lang ako. Please don't get mad. I just want to know kung ano-ano ang mga laman niyang back pack mo. Malay ko ba if may nakalagay diyang foundations...lipstick...hair blower? hehehe," biro ni Mark.

"Ano ka ba pre. What do you think of me? Gay? hehehe," ngiting sabi ni Nathan.

Pagkatapos magligpit sila Nathan at Mark ay lumabas na ito ng bahay. Inaabangan sila ng pamilya ni Rhian sa labas ng gate niya. Sinakay na nila ang mga kahon sa kotse ni Mark. Napansin nila Mark at Nathan na wala sila Rhian at Yna.

"So, kuya Nathan. Is this a goodbye?" tanong ni Rita.

"No. Rita. Just farewell. Magkikita pa rin tayo. Bibisita-bisita pa rin naman ako dito," sabi ni Mark. "Si Rhian nga pala. Where is she? atsaka si Yna?"

"Ah...hindi ko nga alam sa mga iyon eh. Umalis sila kaninang umaga pero hindi pa rin bumabalik. Alam naman nilang ngayon ang alis mo," paliwanag ni mommy Aida.

"Ah...ganun po ba..."

"Hayaan muna Nathan. Di ba magkikita-kita pa rin naman kayo," sabi ni daddy Fred.

"Opo naman! Yes tito Fred," masayang sabi ni Mark.

"Sige. Mag-ingat kayo sa byahe niyo," paalam ni daddy Fred.

"Opo. Sige po salamat po sa lahat," paalam ni Nathan sabay handshake sa mga magulang ni Rhian.

"Sige po. Thank you po," sabi naman ni Mark at handshake rin kila daddy Fred at mommy Aida.

"Farewell kuya Nathan at kuya Mark!" paalam ni Rita. "Chan-Chan paalam ka na sa kanila."

"Aw-aw. Aw-aw!!!" tahol ni Chan-Chan.

I Hate ChinitosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon