CHAPTER 2

7 1 0
                                        

"Nice talking with you"

"Pre! Pre! pre! Hoy gising na!," paggising ni Mark sa kaibigan habang inaalog ang balikat nito. "Nathan, umaga na!", pahabol nito.

"Hmm...," ungol ni Nathan na parang ayaw pang gumising.

"Ok. I'm just gonna buy some food. Para makakain na tayo ng breakfast."

Lumabas si Mark sa bahay at nakita niya si Rhian na kalalabas rin ng gate.

"Hi! Rhian! Good Morning!

"Oh...Hi! Kuya Mark. Good morning rin."

Lumapit si Mark sa kanya.

"Ah...Rhian, can we just drop-off the "kuya". Parang hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin eh. How old are you na ba?"

"Ah...ok...20 , mag-te-twenty-one this year."

"Oh! Yun naman pala, well I'm 21. Kakatwenty-one ko lang last January." ani Mark. [ "Sayang ngayon lang kita nakilala, ikaw sana date ko nung nag-birthday ako."]

"Ah...hindi kasi di ba uso ngayon ung tawagan ng ate at kuya kahit hindi mo naman kapatid. Parang paggalang kasi yun. Doon nga sa bakery, kapag bumibili ako ng pandesal, tawag sa akin nung tindera ay ate kahit mas matanda siya sa akin," paliwanang ni Rhian.

"Ay... yah!, speaking of bakery, bibili ka ba ng tinapay? Samahan na lang kita, bibili rin kasi ako ng breakfast namin ni Nathan. Ok lang ba?" sabi ni Mark.

"Ahh... Sige. Halika na. Malapit lang yun dito."

Naglakad sila Rhian at Mark papuntang bakery na hindi kalayuan sa bahay nila.

"Pabili po!," sigaw ni Rhian sa harap ng bakery dahil walang nakabantay dito."

Biglang lumabas ang trenta anyos na babaeng tindera na may ribbon pa sa buhok. Siya ay nagfe-feeling bagets sa suot niyang makulay na damit"

"Yes ati! What can I dawh fer yawh?"

Sabay napangiti si Mark at napatawa ng unti sa babae.

"Sabi ko na sa iyo eh, ati ang tawag sa akin," bulong ni Rhian.

"Hehehe," napatawa ng mahina si Mark.

Na-love at first sight ata ang tindera na babae at napatitig kay Mark. Dahang-dahan lumapit siya kay Mark sabay sabing:

"Hey! Handsome what iz yar naaym?," sabi niya kay Mark habang nagbe-beautiful eyes siya dito.

"Hehehe." Napangiti lang si Mark. Kaya sinagip na lang siya ni Rhian.

"Ate Lorelai, siya po si Mark, bibili lang po sana kami ng tagbeinteng piraso ng pandesal."

"Ah, Mark pala ang pangalan mo. Taga-dito ka ba? Lagi ka bumili dito ha?..," sabi ni ate Lorelai habang nilalagay ang mga pandesal sa paperbag.

Ngiti pa rin ng ngiti si ate Lorelai sa binata habang pumipilantik ang eyelashes nito kaka-beautiful eyes niya.

"And ate Lorelai, may 3-in-1 instant coffee po ba kayo? Pabili po ng dalawa," sabi ni Mark.

"Yes, koya meron, ito oh, dalawa?

"How much all in all?," tanong ni Mark habang nilalabas nito ang walet niya na may tag-iisang libo at tag-lilimang daang piso.

"Ahm, well, ninety- six pesos lahat," naka-smile na sagot niya.

"Oh, here," sabi ni Mark habang iniaabot ang five hundred pesos kay Lorelai.

I Hate ChinitosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon