CHAPTER 3

4 0 0
                                        

                                                         "One for All- All for One"

Madaling araw nang may narinig si Rhian na tunog ng makina ng taxi habang ito ay natutulog. Maya-maya pa ay may narinig naman siyang nag-uusap na parang mga boses ng mommy at daddy niya. Ang akala niya ay nasa loob siya ng isang panaginip at siya ay napaisip:

["Si daddy, nakauwi na pala...".]

Pero dahil sa sobrang pagod ay hindi kinaya ni Rhian ang antok at nakatulog pa rin siya ng mahimbing.

Kinabukasan, mga bandang 7:00 ng umaga ay maagang nagising si Rhian. Hindi muna siya bumangon dahil parang tinatamad pa ito tumayo kaya humiga pa siya ng sandali. Nang magkaroon na siya ng sigla sa pagtayo ay bumangon na ito at niligpit ang kumot niya. Sa kwarto ni Rhian natulog si Rita kaya pagkagising nito ay binati niya kaagad ang kapatid.

"Good morning ate!"

"Good morning," sagot ni Rhian.

Nagkwentuhan muna sila bago bumaba ng kusina.

"Rita, alam mo ba napanaginipan ko, umuwi na daw si daddy kaninang madaling araw," sabi ni Rhian.

"Ha? ako rin napanaginipan ko rin yan. Narinig ko pa nga mga boses nila ni mommy at daddy," sabi naman ng kapatid.

"Oo nga, tapos, may narinig ako, kanina nung nag-c.r ako, mga yabag ng paa at boses ng isang mama papuntang hagdan," kwento naman ni Rhian.

"Hala ate...ano un...minumulto ba tayo? O pinaglalaruan ng maligno?," natatakot na sabi ni Rita.

"Ngek! Ano ka ba, ang tagal na nating nakatira dito bakit ngayon lang tayo mumultuhin noh?" sagot ni Rhian.

"Eh, imposibleng nandito naman si daddy noh," sabi ni Rita.

"Pero, hindi...if iisa lang ang mga narinig natin...baka naman...baka naman...," sabi ni Rhian at bigla itong lumabas ng kwarto at dali-daling bumaba ng hagdan kaya sumunod sila Rita. Napahinto si Rhian nang makina niya ang mommy at daddy niya sa kusina nila, sa dining table na kumakain ng agahan.

Napahinto rin sila Rita dahil hindi rin sila makapaniwala. Nagulat silang magkapatid sa nakita nila. Nanlaki ang kanilang mga mata. Bigla na lang napaluha si Rhian at Rita. Nakita sila ng kanilang daddy at sabay sabing:

"Oh! Ano! Parang nakakita kayo ng multo ha? Kamusta na ang mga baby ko?"- habang nakabukas ang mga braso nito na nagpapahiwatig na: yakapin niyo naman si daddy oh.

Biglang tumakbo papalapit sila Rhian at Rita sa daddy nila at niyakap nila ito habang umiiyak.

"Hindi na yan mga baby, mga dalaga na ang mga iyan," sabi ni mommy Aida habang inilalagay nito ang agahan nila. "Kumain na kayo oh, tama na iyang iyakan."

Napatawa tuloy sila Rhian at Rita at ang daddy nila dahil narealize nila na-corny na kapag natagalan pa sila sa pag-iyak kaya umupo na sila at nagsimulang kumain.

"Eh, daddy, bakit ka napauwi. Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka ngayon," sabi ni Rita habang nagpapangris ng sipon niya sa damit niya.

"Oo nga daddy, bakit di ka man lang nag-skype?" pahabol ni Rhian.

"Ha, eh, ayaw niyo un...SURPRISE!!!," biro ng daddy nila.

"Si daddy talaga oh," sabi ni Rita.

"Nasa sala pala ang mga pasalubong niyo," sabi ng daddy nila.

Kaya biglang napatayo sila Rhian at Rita. Nagpaunahan sila papuntang sala nila at sumunod sila mommy Aida at daddy Fred.

Tuwang-tuwa ang magkapatid sa isang kahon ng mga imported na tsokolate.

I Hate ChinitosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon