" I can do this!"
["Oh..my...tsk..tsk..tsk...ang dami ko na pa lang labahan. Wala pa naman ngayon si Mark sa kanila,"] isip ni Nathan.
"Pumunta na lang kaya akong laundry shop. But, I guess I should start now to do my own laundry. I really need to do this on my own. I know I can," sabi niya.
Gusto sana ni Nathan na puntahan si Rhian para magpaturo kung papaano maglaba. Kaso naisip niya na nakakahiya. Kaya bumili na lang siya sa grocery ng detergent powder at mga iba pang gamit sa paglalaba. Bumili rin siya ng dalawang batya.
Pagkauwi ay inumpisahan na niya ang paglalaba. Sinunod niya ang instructions sa likod ng packaging ng detergent powder.
"Una, ihiwalay ang puti sa decolor. Then, ilagay ang detergent powder sa batyang may tubig. Then, ibabad ng 30 minutes. Tapos, kusutin ang mga puting damit," sabi niya sa sarili habang binibigkas ang direction.
Inumpisahan na niyang ihiwalay ang puti sa de-color at binabad ito sa magkaibang batya. Pagkatapos niyang maghintay ng 30 minutes ay inumpisahan na niya itong kusutin.
Nahihirapan siyang kusutin ang isa niyang polong damit. Maya-maya ay may dumating. Si Rhian, na nasa labas ng gate ni Nathan.
"Nathan? Nathan?" sigaw ni Rhian.
"Si Rhian yun ah...," sabi ni Nathan sabay ngiti.
"Yes? Rhian? Bakit," tanong ni Nathan sa kanya.
"Ano kasi, tapos na ni mommy gawin itong contract mo. Sorry if super late na namin naibigay ito sa iyo. Ang dami kasing ginagawa si mommy," paumanhin ni Rhian.
"No...no..it's ok...," sabi ni Nathan. "Halika, please come in."
"Sige."
Napansin ni Rhian na basa ang kamay ni Nathan kaya hindi niya muna inabot sa kanya ang folder dahil mababasa iyon.
"Hey, Nathan. Naglalaba ka ba?"
"Yup," sabi ni Nathan habang nagpupunas ng kamay niya.
Binigay ni Rhian ang dalawang kopya ng kontrata. Nakasulat doon ang pangalan ng may-ari at umuupa. Nakalagay rin doon ang presyo na napagkasunduan at mga rules sa bahay. Pinapirma ni Rhian si Nathan.
"There, finished," sabi ni Nathan.
"Ok," sabi ni Rhian at binigay na rin niya ang copy ni Nathan.
"Thank you Rhian."
"Thank you rin. Sige."
Pero biglang naisip ni Nathan na magtanong kay Rhian about sa paglalaba.
"Ah, Rhian.."
"Yes?"
"Ah, gusto ko lang sanang magtanong tungkol sa paglalaba.
"Ha? why?"
"I just want to know if what I am doing is right...here, can you check this out?"
Nahalata na ni Rhian na hindi talaga naglalaba si Nathan. Wala rin naman sa itsura ni Nathan na alam nitong maglaba. Masyadong maganda ang kamay niya. Parang mas babae pa ang kamay ni Nathan kaysa kay Rhian. Makinis, maputi at higit sa lahat walang mga ugat. Hindi katulad ni Rhian maugat, dahil batak si Rhian sa mga gawaing bahay. Hindi naman magaspang ang kamay ni Rhian dahil lagi naman itong gumagamit ng lotion.

BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
AléatoireA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...