"Bonding time"
Isang gabi, nagyaya si Mark na mamasyal sa mall. Iniba na lang niya ang plano niya. Naisip niya na dapat step-by-step ang process ng panliligaw niya.
Niyaya niya sila Rhian, Yna at Nathnan. Since na kampante na sila Rhian at Yna sa mga binata ay pumayag na rin sila. Pero syempre, nagpaalam muna si Rhian sa mga magulang niya.
"Daddy...mommy...," sabi ni Rhian na parang natatakot.
"Ahmm...bakit nak?" sagot ni daddy Fred habang nanonood ito ng t.v.
"Bakit nak?," tanong rin ni mommy Aida.
"Si Mark po kasi, nagyaya if pwede daw po akong sumama sa kanila sa mall bukas."
"Bakit? Sino-sino ba mga kasama mo," usisa ni daddy Fred.
"Ahm, kami lang po nila Yna, Mark at Nathan."
"Ah...e di sige, sabihin mo kay Mark na personal rin magpaalam dito sa bahay," sabi ni daddy Fred.
"Sige po...thank you daddy, mommy."
"Sige...matulog ka na.
Kinabukasan ay dumalaw sila Mark at Nathan sa bahay ni Rhian at ipinaalam ang lakad nila sa mall. Nandoon na rin si Yna at hinihintay na lang sila. Pumayag na rin ang mga magulang ni Rhian basta huwag silang gagabihin masyado at ihatid sila pauwi.
"Mark, Nathan...ha...ingatan mo sila Rhian at Yna," sabi ni daddy Fred.
"Yes, po tito, sabi ng dalawang binata.
Nagpaalam na sila at umalis. Nang makarating sa mall ay inuna muna nilang kumain.
"Kumain muna tayo," yaya ni Mark.
"O sige..."
Tuwang-tuwa si Mark at napa-akbay tuloy siya kay Rhian. Nagulat si Rhian at parang nailang. Pero ngumiti na lang siya.
Nangunguna sa paglalakad sina Rhian at Mark habang nakabuntot sa kanila sina Yna at Nathan. Natigilan na lang sila sa Food Court dahil huminto sa pag-lalakad si Rhian.
"Bakit, babe?"
"Ha? babe?" Nagulat si Rhian." Di ba sabi ko..."
"Ay, Rhian. Bakit Rhian?"
"Dito, dito tayo kumain. Di ba mag-lulunch tayo?"
"Ha? dito?"
"Oo, dito kami madalas kumain ni Yna. May masarap na pagkain doon sa dulo.", depensa ni Rhian.

BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
LosoweA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...