CHAPTER 18

1 0 0
                                        


"Wer u na?"

Nang makatakas si Nathan ay dali-dali itong nagtago sa isang saradong tindahan. Kamalasmalasan talaga ni Nathan dahil biglang umulan na lang ng napakalakas. Sumilong na lang siya ulit sa tindahan at bigla na lang na may tumatawag sa kanyang phone.

"Hello? Mark? Why?"

"Pre? Are you alright?"

"Not really?" sabi ni Nathan habang hinihingal pa ito.

"Sabi ko na nga ba..."

"Why?"

"Nathan, huwag ka munang pumunta dyan sa bahay. Yaya Iseng told me that there were some men who were looking for you. Kahit dito sa Villa. Mahirap na."

"Yeah. Actually. Kahit dito kila Rhian, nasundan na nila ako. Talagang hindi paaawat si mama"

"Nathan. What's your plan now?"

"Ahm...I don't know. Basta, magiingat na lang ako na hindi nila ako makita."

"Ok.ok. But, what about Rhian?"

"Ahm...Baka hindi muna ako magpapakita sa kanya. Mahirap na pare. But, babantayan ko pa rin siya.

"Ok. I understand. Basta Nathan. Please take good care. Can I do something to help you?"

"No. It's ok Mark. Thanks by the way."

"Ok...Sige...Basta. Take good care," malungkot na sabi ni Mark dahil ang totoo ay sobra ang kanyang pag-aalala sa kaibigan.

"Yeah. Thanks pre..." ngiting sabi ni Nathan dahil na-a-appreciate niya ang pag-aalala ni Mark.

"Yah...Sige. Bye"

"Bye..."

Habang malakas ang ulan ay naupo na lang siya sa tindahan. Nilalamig siya at nauubo na. Maya-maya ay inaantok na lang siya at hindi niya namalayan ay nakatulog na lang siya.

YYY

Kinaumagahan ay tulog na tulog pa si Rhian sa kanyang kama nang biglang tumawag si Nathan.

Kring-Kring-Kring

"Hello?" sabi ni Rhian habang nakapikit pa ang kanyang mga mata dahil inaantok pa ito.

"Hon! I love you..." malambing na sabi ni Nathan sa kasintahan.

Nagulat si Rhian at napabangon.

"Nathan!"

"Anong oras ang pasok mo ngayon?"

"Ha? Bakit?"

"Ahm...Kasi po, it's 10:00 in the morning na. Baka ma-late ka," ngiting sabi ni Nathan.

"Ha?" gulat na sabi ni Rhian sabay tingin sa kanyang alarm clock. "Ala! Oo...Sandali..." sabi ni Rhian habang hinahanda ang kanyang damit sa pagpasok. "Naku hon. Buti tinawagan mo ako. May isang oras na lang ako."

"Tsk. tsk. Tsk. Ano ba kasi ang napanaginipan mo kagabi ha? Siguro ini-imagine mo ang mga labi ko no?" asar ni Nathan.

"Ha? Hindi noh?" kilig na sabi ni Rhian.

"Sus...Hindi daw..." sabi ni Nathan nang bigla siyang inubo ng inubo.

"Nathan? Bakit? May sakit ka ba?" pag-aalala ni Rhian.

I Hate ChinitosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon