"Farewell"
Isang Sabado ng umaga nang pumunta si Rhian para ipasyal si Chan-Chan. Nami-miss na niya si Nathan dahil ilang araw na ito na hindi nagpaparamdam. Wala man lang siyang natatanggap kahit isang tawag o text man lang.
["Nathan...nasaan ka na ba?"]
Umupo muna si Rhian sa may parke at pumikit sandali.
["Hay...ang sarap ng hangin. Sometimes, we really need to stop for a while, dahil hindi naman natin mapipigilan ang oras, tayo dapat ang huminto."]
Maya-maya ay hindi niya namalayan na may katabi na pala siya kaya binukas niya ang kanyang mga mata. Nagulat siya dahil mayroon ngang isang binata ang nakatitig sa kanya.
"Ha! Sino po kayo?" gulat na sabi ni Rhian.
"Sorry if I was staring at you. Pinagmamasdan lang kita ng mabuti," sabi ni Wesley na hindi pa nagpapakilala.
"Ha? Sige po," sabi ni Rhian at nasa aktong aalis na dahil natakot siya sa binata. "Chan-Chan, come..."
"Tsu-tsu...Chan-Chan pala ang name mo. Ang cute mo naman, kasing cute ng amo mo," sabi ng binata habang tinatawag ang aso.
Nagtaka bigla si Rhian dahil maamo si Chan-Chan kay Wesley.
"Chan-Chan, tsu-tsu...come here boy...tsu-tsu..." tawag ni Rhian sa aso dahil nilalaro ito ng binata at gustong-gusto naman ng aso.
["Sino ba itong lalaking ito? Pero gwapo siya at chinito."] isip ni Rhian.
"Miss, you're Rhian, right?" sabi ng lalaki.
"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko? Sino po ba talaga kayo?," natatakot na sabi ni Rhian.
"Rhian. I don't mean any harm. I just want to have a conversation with you."
"Ah...Hindi na po. Ayaw ko po. Aalis na po kami ng aso ko."
"Nope! Wrong answer!"
Bigla na lang na may mga lalaking naka-suit ang pumaligid sa kanila. Kinarga ng isang lalaki si Chan-Chan at biglang nagulat na lang si Rhian dahil hinatak siya ni Wesley sa itim na sasakyan. Nagpumiglas si Rhian pero masyadong malakas ang binata kaya naipasok siya nito sa back seat ng kotse.
Masyadong ng natatakot si Rhian kaya sumisigaw ito sa loob ng kotse at humihingi ng tulong. Hindi na niya mabuksan ang pintuan ng kotse dahil naka-lock ito.
"Sino ka ba talaga? Bakit mo ako pinipilit na kausapin ka!" sigaw ni Rhian sa binata.
"Shhh...Rhian. Please don't shout. Ang sabi ko nga, I don't mean any harm. Just relax..."
"Ano? Paano ako magiging relax? Hindi naman kita kilala?" sigaw ulit ni Rhian dahil nagagalit na ito.
Nagbukas ng champagne si Wesley at isinalin ang laman sa baso niya. Nagtataka lang sa kanya si Rhian at naghihintay sa paliwanag ng binata.
"Rhian? Matagal na ba kayong magkakilala ni Nathan? Lahat ba ng sikreto niya, nasabi na niya sa iyo?" tanong ni Wesley.
"Ha? Kilala mo si Nathan?" tanong ni Rhian.
"Yup! What do you think, sino ang mas gwapo sa amin ni Nathan?"
"Kaano-ano niyo po ba siya?" tanong ni Rhian.

BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
De TodoA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...