"One on One"
Kinaumagahan ay naghandang umuwi sila Rhian. Nasa kwarto sila Rhian, Rita at Yna at nag-uusap.
"Hay! Ate. Balik ulit tayo dito ha," sabi ni Rita.
"Ngek. Hindi pa nga tayo nakaka-alis. Babalik agad ang iniisip mo?" sabi naman ni Rhian.
"Oo nga. Gusto mo dito ka na lang tumira.hehehe," biro ni Yna,
"Pwede. Sana dito na lang tayo tumira," sabi ni Rita. "Malaki at maganda ang bahay tapos malawak pa ang lupain. Saaan ka pa? Di ba?"
Maya-maya ay pumanik na ang kanilang mga magulang para kamustahin kung handa na silang umuwi.
"Nak! Tapos na ba kayo diyan?" sabi ni mommy Aida.
"Bilisan niyo. Baka ma-traffic na namn tayo sa Edsa." sabini daddy Fred.
"Opo. Tapos na po kami. Halika na po!" sagot ni Rita.
"Halika na!" sabi ni Rhian.
Pagkatapos mag-handa ay bumaba na sila ng hagdan at lumabas ng bahay. Nasa labas na sila Mark at Nathan. Nasa labas na rin ang mga katulong at tauhan ni Mark para magpaalam sa kanila.
"Rhian. Sorry. Hindi ko kayo mahahatid sa bahay niyo." palihim na sabi ni Nathan. "May aasikasuhin daw kami ni Mark ngayon."
"Ah. Ok lang," sabi ni Rhian.
"Be safe, hon." bulong ni Nathan kay Rhian.
"Ah...Nathan..."
"Yes?"
"Kagabi pala...Ah...sige, wala..." sabi ni Rhian. Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin dahil nag-aalanagn siya. Ngumiti na lang siya at nagpaalam.
"Bye! Rhian! Rita! Yna, Bye mga tito at tita! Bye po sa inyong lahat!" paalam ni Mark. "Mag-ingat po kayo sa byahe!"
"Salamat Mark," sabi ni daddy Fred at mommy Aida.
"Thank you Mark," sabi naman ni Rhian at Yna.
Nag-paalam na rin ang mga katulong at tauhan ni Mark kila Rhian.
Nang maka-alis na sila Rhian ay pumasok na sila Mark at Nathan sa bahay. Pumasok sila sa private office ni Mark at nag-usap. Gusto sanang makausap ni Mark si Nathan ng one-on-one about kay Rhian.
"Ah. Mark. What are we going to talk about?" tanong ni Nathan,
"Ahm. Nathan. I just wanna know kung kayo na ni Rhian?" walang pag-aatubiling tanong ni Mark.
"Ha?" gulat ni Nathan.
"Pre. I want to know kung girlfriend mo na si Rhian. I want to know the truth," mahinahong tanong ni Mark.
"Well...Ahammm...yes!" sagot ni Nathan.
"Since when and kailan mo ba siya niligawan?" tanong ulit ni Mark.
"Pre...Wait, don't you find this awkward?" sabi ni Nathan.
"Bakit naman awkward?" mahinahong sabi ni Mark
"Of course. We both know na may gusto ka rin kay Rhian."
Napangiti lang si Mark.
BINABASA MO ANG
I Hate Chinitos
RandomA very unique love story na naniniwala sa “pure love and destiny”. Ito ay may unting touch ng pagiging makabayan (nationalistic aspect). But, the most interesting part is when you find out about its futuristic and magical elements. Take pleasure in...