CHAPTER 9 - STAY AWAY FROM HIM

31 2 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Alyssa sa kanyang nalaman tungkol kay Kiefer at Luigi. Nangangamba na siya ngayon. She's with her family in Batangas now, celebrating Christmas.

Tahimik lang siya at hindi makausap.

"Ate Ly, why are you so quiet?" Tanong ni Kian. "Oo nga, ineng. Bakit hindi ka kumikibo?" Tanong ng kanyang nakatatandang kapatid na si Kim. "Ala, eh. Ikaw ba'y may problema, ineng?" Sunod na tanong ni Nicko. "Wala po, kuya, ako'y ayos laang." Sagot ni Alyssa. Napailing ang kanyang bunsong kapatid. "May hindi sinasabi yang si ate." Ani Kian. "Ano bang problema, iha?" Tanong ni itay Ruel sa kanyang Unica hija. "May nalaman lamang po ako tungkol sa ex ko at kay Luigi nung nakaraang araw." Sabi ni Alyssa. "Anak, ano naman yun?" Tanong naman ni inay Lita. "Si Luigi at Kiefer po'y magkaibigan pala." Diretsahang sagot ni Alyssa. "Alyssa, ngayon pa lang, kung anuman ang meron sa inyong dalawa, itigil niyo na." Ani Nicko sa kanyang nag iisang babaeng kapatid. "Kuya wala pa namang kami." Sagot ni Ineng. "Ineng, bago pa kayo magkaroon ng mas malalim na ugnayan, itigil niyo na yan." Ani Kim. "Kuya, hindi pwede." Tutol ni Ineng. "Ate, masasaktan ka lang ulit. Ayaw lang naming masaktan ka na naman dahil sa pagpili mo sa maling tao." Sabi ni Kian sa kanyang ate. "Anak, tama ang mga kapatid mo, layuan mo na yang si Luigi." Pagsang-ayon ng kanilang ina. "Nay, hindi naman porke't magkaibigan sila ni Kiefer e magkaparehas na sila ng ugali. Nay, hindi lang ako makapaniwala sa nalaman ko pero hindi naman yun yung magiging dahilan para iwasan ko siya." Ani Alyssa. Napasapo sa noo ang ama ni Alyssa. "Ineng naman, sigurado ka ba?" Tanong ng kanyang kuyang si Nicko sa kanyang kapatid na si Ineng. "Sigurado ako, kuya." Maiksing sagot ni Alyssa. "Ano na bang status niyo ngayon, ate?" Tanong ni Kian. "Dating." Sagot ni Alyssa. "Ilang buwan na?" Tanong naman ni Kim. "6 months, po." Sagot ni Alyssa. "Kalahating taon? T*ng*na, seryoso?! Paano mo nagawang ilihim sa aming nakikipag- date ka ng kalahating taon kay Luigi, ineng? Magpaliwanag ka." Ma- awtoridad na saad ni tatay Ruel. "Tay kumalma po muna kayo." Ani Nicko sa kanyang ama. "Ruel, hayaan mo na munang makapagpaliwanag yung anak natin." Kalmadong sabi ni inay Lita sa kanyang asawa. "Paliwanag? Sige. Magpaliwanag ka, ineng!" Saad ni tay Ruel. "Tay, nung nalaman kong magkaibigan sina Kiefer at Luigi, sinubukan ko pong umiwas kay Luigi. Nagalit nga po ako kay Luigi dahil inilihim niya sa akin na magkaibigan sila ni Kiefer. Pero tay, hindi naman ho ako ganoon kasamang tao para gawing dahilan yung pagiging magkaibigan nina Kiefer at Luigi para tuluyang iwasan at layuan si Luigi. Nasaktan po ako, opo. Hindi ko naman po ako nakakalimutan yun, eh. Pero tay, magkaibang tao po sina Luigi at Kiefer. Kung anuman po yung nagawa sa akin ni Kiefer noon, sigurado po akong alam ni Luigi yun dahil napanood naman po siguro niya yon sa news. Tay, pwede po bang hayaan niyo po muna si Luigi na maging manliligaw ko? Kasi tay, aminin naman natin. Hindi na po ako bumabata. Ayoko pong tumanda nang mag- isa, tay. Kailangan ko po ng katuwang, tay. Sana po maintindihan niyo po ako. Nay, tay, wala pa pong kami ni Luigi pero bukas po ako sa posibilidad na maging kami. Alam ko po na tutol kayo pero tatay, sana naman po wag niyo po akong pigilang umibig muli at maging masaya. Hindi ko po kayo gustong suwayin pero sana po, kung saan man po ako masaya, suportahan niyo na lang po ako. Hindi po porke't ayoko ko pong sumunod sa inyo, hindi ko na po kayo mahal. May karapatan din naman po siguro akong ipaglaban yung nararamdaman ko. Pasensiya na po, tay, nay, hindi ko po kayang iwasan o layuan si Luigi. Nay, tay, hindi po porke't ayoko kayong sunduin ngayon, masama na po akong anak. O hindi ko na po kayo iginagalang at nirerespeto bilang mga magulang ko. Tay, nay, gusto ko lang pong maging masaya. Sana po maunawaan niyo ako. Sorry po." Sabi ni Ineng. Pagkatapos ay agad siyang nag- walkout palabas ng bahay.  Nakita siya ng kanyang lola.

"Ineng, saan ka pupunta?" Tanong nito kay Alyssa. "Mamay, lalabas lang po muna ako, pasensiya na po. Magpapalamig lang po muna ako ng ulo. Sorry po." Sagot ni Alyssa.

Pumasok ang lola ni Alyssa sa loob ng bahay. "Anong nangyari?" Tanong niya sa mga tao sa loob. "Pasensiya na po, nay. Nagkaroon laang kami ng hindi pagkakaunawaan ni Ineng." Sagot ni tatay Ruel.  "Ano ba ang nangyari?" Tanong muli ng Lola ni Alyssa. "Ang apo ho ninyo inay. Anim na buwan na hong may lalaking kasamang lumalabas labas." Sagot naman ni inay Lita. "Aba eh ano namang masama ro'n? Dalaga naman si ineng at saka mahigit isang taon na rin naman mula noong maghiwalay ng kanyang jowa, ah. Hindi ba pwedeng hayaan niyo na lang maging masaya ang anak niyo?" Sabi naman ng lola ni Alyssa. "Teka lang nay. Kinakampihan niyo ho ang apo ninyo?" Tanong ni itay Ruel. "Aba'y hindi naman sa ganoon. Kaya laang, si ineng naman ay nasa tamang edad na. At karapatan naman niyang makahanap ng lalaking magmamahal sa kanya ng tapat. Saka isa pa, mabuting bata ang anak ninyo. Alam na niya ang kanyang ginagawa. Ang kailangan lang niya, gabay at pagmamahal ninyo." Paliwanag ng lola ni Alyssa. Huminga nang malalim sina tatay Ruel at inay Lita. May punto ang lola ni Alyssa. Nararapat nga namang bigyan ng pagkakataong magdesisyon si Alyssa para sa kanyang sarili. Pumunta si Alyssa sa labas para magpahangin.

Huminga nang malalim si Alyssa. Umupo siya sa kubo.

Napatulala sa malayo. At hindi napansing patulo na ang luha sa kanyang mga mata.

Lumapit kay Alyssa ang kanyang lola.

"Ineng, apo, ayos ka laang?" Tanong ng kanyang lola kay ineng.

"Ako po'y ayos laang mamay. Wag niyo ho akong alalahanin. Kasalanan ko rin naman ho kung bakit nagalit sa'kin si itay." Ani Alyssa. "Apo, tapatin mo nga ako. Ikaw ba'y karelasyon nung sinasabi ng itay mong Luigi?" Sabi ng lola ni Alyssa sa kanya. "Po? Wala ho kaming relasyon ni Luigi. Magkaibigan laang ho kami ni Luigi mamay." Sabi ni Alyssa. "Apo, sinasabihan lang kita, ah. Ako'y hindi pumapanig sa kahit sino sa inyo ng inay at itay mo. Naiintindihan ko sila, at naiintindihan din naman kita. Pero apo, bakit hindi mo sinabi sa inay at itay mo na kayo'y lumalabas na ni Luigi?" Tanong ng lola ni Alyssa sa kanya. "Natatakot laang ako mamay kasi ho baka kapag sinabi ko baka ho magalit sila lalo na't kaibigan ho siya ni Kiefer." Sabi ni Alyssa. "Kaya sila nagalit." Saad ng lola ni Alyssa. "Naiintindihan ko naman ho, may. Pero ang iniisip ko, sana naman ho, intindihin nila kung saan ho ako nanggagaling." Sabi ni Alyssa. Niyakap ng kanyang lola si Alyssa. "O siya, ikaw ay bumalik na sa loob, ineng, ha. Baka hanapin ka ng inay at itay mo kapag nagtagal ka rito."  Saad ng lola ni Alyssa. "Susunod na po ako." Ani Alyssa.

HER MOST VALUABLE PRAYERWhere stories live. Discover now