Nanalo sina Alyssa at ang buong Creamline Cool Smashers team sa nakalipas na 2024 first All Filipino Conference. At ito ang kauna- unahang beses na nag- 4- peat champions ang kanilang kupunan.
Nagpaalam siya kay Luigi na magbabakasyon sila sa Europe.
"Nakapagpaalam na ako sa jowa ko. Nasabi ko na sa kanyang maglo- long distance relationship kami for few days. Hindi ko pa masabi kung hanggang kailan dahil mahirap magsalita ng tapos." Ani Alyssa. "Pero ate ly, sigurado ka bang kaya mo? Kasi nung huling beses na nagkalong distance relationship ka, yung jowa mo, naging red flag. Ayun. Di kayo nagkatuluyan." Saad ni Faith. "Oo, sigurado ako. Alam kong handa na ako ngayon. Dati, bata pa ako kaya hindi ko siya na- handle nang maayos. But this time, I assure you that I can handle this already." Ani Alyssa. "Ikaw? Nakapagpaalam ka na ba sa jowa mong sobrang mahal na mahal ka?" Tanong ni Denden kay Faith. "Yes, ate den. Hindi na niya ako mapipigilan. Sana wag siyang sumunod. Alam ko na ang ugali nun. Susunod siya para lang bantayan ako. Pero alam ko namang may tiwala naman siya sa akin." Ani Faith Alexandria. "Gusto mo ba, kausapin namin siya ni Ly? Kasi baka makatulong kami para hindi niya pigilan ang pag- alis mo. Baka lang gusto mong sabihin naming kasama mo kami para makampante siya na magiging okay ka." Sabi ni Denden. "Ay Den, kaya na ni Faith yan. Saka kung kakausapin natin siya, baka sa akin lang siya makinig dahil hindi ka pa niya ganoong kilala. Mahirap na baka kung ano pang mangyari." Sabi ni Alyssa. "Oo nga, ate Den. Ang mahalaga naman nasabi ko na sa kanyang aalis tayo. At ang pinaka- goal ko, mapapayag siyang hayaan akong umalis mag- isa for the first time kasama kayo. Kasi kapag kasama ang mga friends ko, game siya. Pero kayo kasi, 50- 50 e. Papayag lang yun kapag kasama si ate Ly kasi sa inyong lahat, si ate Ly ang madalas niyang nakikitang kasama ko. Kumbaga siya yung kilala niyang best friend ko sa team." Ani Faith. "E si Jia? Hindi ba close ka rin naman sa kanya?" Tanong ni Dennise. "Oo, teh. Pero kasi ilang buwan na nawala si ate Julia kaya si ate Ly lang yung nakikita niyang kasama ko kaya siya lang yung kilala niyang ka- close ko." Ani Faith. "O siya, sige. Sasama ako sa pagpapaalam sa jowa mo. Magpapakilala ako. Since sabi mo nga si Alyssa ang kilala niyang ka- close mo bukod kay Jia." Ani Denden.
Kinausap ni Faith ang boyfriend niya. Kasama ni Faith si Alyssa at Denden sa pagpapaalam sa jowa niyang aalis silang lahat papunta sa Europe.
📞Phone Convo📞
"Hello? Love? Busy ka? Magpapaalam sana ako e." Panimula ni Faith. Sumagot ang jowa niya mula sa kabilang linya ng telepono. "Hello, my love! Congratulations! Hindi naman, bakit? Anong sasabihin mo?" Saad ng boyfriend ni Faith. "Ay, ayun na nga. Sabi ko nga magpaalam ako." Saad ni Faith. "Anong ipagpapaalam mo?" Tanong ng boyfriend ni Faith sa kanya. "Ay, aalis kasi kami ng buong team. Pupunta kami sa Europe. Actually matagal naman na naming plano yun last conference pa. Hindi ko na nga maalala kung kailan yun e. Basta ang kailangan approval mo." Saad ni Faith. "Approval ko? Bakit approval ko? Hindi mo naman ako tatay o boss para manghingi ka pa ng approval sa akin." Aniya. "Oo nga, hindi nga kita magulang. Pero kasi, maglo- long distance relationship tayo kapag nasa Europe na ako. Hindi magtutugma yung timezone natin kasi ako yung umaga ko, hapon mo. Yung hapon ko, pwedeng umaga o madaling araw mo. Depende sa oras." Paliwanag ni Faith. Biglang nagsalita si Alyssa. "Uhm, ahem! Excuse me, lovebirds, 'no. Ahm, Sandro permission to speak." Saad ni Alyssa. "Go ahead, kap." Ani Faith. "Ipagpapaalam ko lang—."
Napahinto si Alyssa at napahinga nang malalim bago siya nagsalitang muli.
"As I was saying earlier. Ipapaalam lang NAMIN. Emphasize ko na yung namin kasi kasama ko si Dennise rito. Magkakasama kami nina Faith at Den. Ano—ahm. Ipagpapaalam namin yung girlfriend mong mag- travel sa Europe kasama kami. Kasi baka mamaya hindi mo na naman siya payagan, sundan mo. Ganyan." Ani Alyssa. "Kaya ipinagpapaalam na namin siya nang maayos para hindi mo na kailangang sumama sa amin para samahan siya. Okay lang ba sayo? Dadalhin ka na lang niya after namin." Saad naman ni Denden. "Isa pa, kaya ko sila isinama sa pagpapaalam ko sayo e dahil pinakiusapan nila ako na kausapin ka para magpaalam kasama nila. Baka raw sakaling payagan mo ako kapag dalawa silang nakiusap sayong payagan ako." Ani Faith. "Oh, e kasama mo naman si ate Ly eh. Kampante na ako na magiging ligtas ka kapag kasama mo siya. Yang isa pang teammate niyo, kaanu- ano yan ni ate Ly? Girlfriend ba niya yan?" Tanong ni Sandro kay Faith. "Hindi." Sagot ni Faith. "Oh e ano?" Tanong ni Sandro kay Faith. "Kaibigan lang niya. May mga fans lang na kinikilig kapag nakikita silang magkasamang dalawa. Sa court man yan o picture." Paliwanag ni Faith. "Ay o sige na, love. Baka may gagawin pa kayo. Maghahanda ka pa ng mga dadalhin mong gamit. Saka baka may ginagawa pa kayo." Ani Sandro. Pagkatapos ay binaba na niya ang tawag.
"Oh, okay na girl, ha. Wag ka nang magkakamaling mag- back out. Ready na yung passport mo. Wala bang bawian." Saad ni Alyssa. "Oo nga, dapat mamaya, mag umpisa ka nang mag- empake. Para konti na lang ang ihahanda mo sa biyahe." Ani Alyssa. "Sa wakas, pumayag din. Pero duda ko, magmomonitor pa rin sa akin yan." Ani Faith. "Ay grabe." Ani Denden. "Oo teh hindi ako nagbibiro. Makikita niyo." Sabi ni Faith.
Pagtatapos nun, nagsimula na silang mag- empake.
YOU ARE READING
HER MOST VALUABLE PRAYER
FanfictionAlyssa Valdez, a popular volleyball player in the world, team captain of the philippine national women's volleyball team and team captain of Creamline Cool Smashers, was heartbroken when her long time boyfriend, Kiefer Ravena broke up with her. How...