CHAPTER 11 - WE CAN'T BE TOGETHER

42 2 0
                                    

Ilang buwan nang naghihintay si Alyssa na magtanong si Luigi kung pwede na bang maging sila.

"Ahm, Alyssa, alam mo namang ilang buwan na akong nanliligaw sayo diba? Siguro naman oras na para tanungin ko sayo tong tanong na to kasi gustung gusto ko nang malaman yung magiging sagot mo. Alyssa, pwede na bang maging tayo? Hindi naman kita minamadali pero gusto ko na kasi talagang malaman—."

Hindi na pinatapos ni Alyssa si Luigi. Agad na siyang sumagot. "Hindi. Hindi pwedeng maging tayo. Kahit Gustung gusto ko, hindi pwede. Magagalit ang nanay at tatay ko. Hindi kita kayang ipaglaban sa kanila. Hindi ko sila kayang suwayin para lang maging tayo. Ayokong sumama ang loob nila sa akin. Ayoko silang saktan." Sabi ni Alyssa. Nanlumo si Luigi marinig ang sagot ni Alyssa. "Pero ako naman ang sinasaktan mo ngayon. Alyssa, ano ba ako sayo? Akala ko ba pareho tayo ng nararamdaman? Isang taon yun, oh. Isang taon akong nanligaw sayo. Akala ko pareho na tayo ng nararamdaman. Pero bakit? Bakit mas pinili mong isantabi yung nararamdaman mo para sa akin? Mahal mo ba ako? Kasi ako mahal kita, Ly. Mahal na mahal kita. Ikaw na lang yung hinihintay ko, oh." Sabi ni Luigi. "Nung una, kaibigan lang. Kaibigan lang ang tingin ko sayo. Naramdaman ko namang malinis at maganda ang intensyon mo pero hindi tama e. Bukod sa ayaw sayo ng pamilya ko dahil taga- La Salle ka, ayaw ka nila para sa akin kasi kaibigan mo yung lalaking nanloko sa akin. Sino ba namang magulang ang gugustuhing malagay sa sitwasyon ang anak nila kung saan magkikita at magkikita pa rin ang anak nila at ang ex nito? Diba wala? Gag*han ang mangyayari kapag ginusto pa nung anak nilang mapabilang sa circle of friends na nandoon yung taong nanakit at nangwasak sa kanya. Ngayon sabihin mo sa akin, sinong t*ng*ng gugustuhin na makita ang ex niya kasama ang mga kaibigan nila? Parang kapag nakikita kita, naaalala ko si Kiefer. Alam kong magkaiba kayo ng ugali pero ayokong ilagay yung sarili ko sa sitwasyon na kapag lalabas tayong magkakaibigan, may posibilidad na Makita ko na naman si Kiefer at babalik na naman yung p*t*ng*n*ng sakit na naramdaman ko nung lokohin niya ako. Diba? Mas mabuti nang ako na yung umiwas. Kung hindi mo maintindihan kung saan ako nanggagaling, okay lang." Sabi ni Alyssa. Wala namang masabi si Luigi. Muling nagsalita si Alyssa. "Sorry kung hindi kita maipaglaban sa kanilang lahat. Sorry kung hindi ko kayang suklian yung pagmamahal mo. Mas mabuti nang maging magkakilala na lang tayo. Ayaw kitang maging kaibigan dahil sobra lang magugulo yung buhay ko. Hindi ko nga kaibigan si Kiefer pero kapag naging magkaibigan naman tayo, maraming magsasabing kakaibiganin or kinaibigan lang kita kasi gusto ko pa ring makasama sa same circle ng ex ko. Kapag sinagot naman kita at naging tayo, sasabihin naman ng maraming tao na tinuhog ko kayong magkaibigan. Ayokong malagay sa ganoong sitwasyon. Naiintindihan mo ba ako?" Paliwanag ni Alyssa kay Luigi. "Na—naiintindihan ko. Hindi mo na kailangang  ulitin. Sana makahanap ka ng lalaking tunay na magmamahal sayo, ly. Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong maiparamdam sayo kung gaano ka ka- espesyal kahit na hindi naging tayo. Sana maging masaya ka kasi deserve mong maging masaya. Salamat sa isang taong pagbibigay sa akin ng chance na mahalin ka kahit hindi mo ako minahal pabalik." Aniya. "I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Pero hayaan mo, Luigi. Mahahanap mo rin ang babaeng para sa'yo. Maghintay ka lang. Darating din sya." Ani Alyssa. Pagkatapos ay umuwi na siya. 

"Nakausap mo na na si Luigi anak?" Tanong ni tatay Ruel kay ineng. "Opo." Sagot ni Alyssa. "Ano ang sinabi niya?" Tanong ni nanay Lita. "Tinanong na po niya ako kung pwedeng maging kami." Sabi ni Ineng. "Ineng, anak, sinagot mo ba siya? Kayo na ba?" Tanong ni tay Ruel. "Hindi ho. Hindi ko ho sinagot si Luigi. Ayokong po kasi kayong saktan. Ayoko po kayong suwayin. Alam ko po na kapag sinagot ko siya, madi- disappoint kayo. O kung hindi man, baka hindi niyo magustuhan dahil alam niyo na po. Kaibigan niya yung ex ko." Ani Alyssa. "Ayos lang anak. Buti na lang nga at naisip mo yung mararamdaman namin ng tatay mo. E anak mabuti pa, magpahinga ka muna." Ani Tatay Ruel. Agad namang dumiretso sa kwarto si ineng para magpahinga.

Napaisip si Alyssa habang nakatitig sa kisame.

"Tama ba ang ginawa ko? Tama bang binasted ko yung taong walang ibang ginawa kundi subukang pasayahin at mahalin ako sa loob ng isang taon? Tama bang iparamdam sa kanyang kulang siya? Hindi naman siya nagkulang sa pagpaparamdam sa akin kung gaano ako kaespesyal. Sadyang hindi ko lang siguro kayang suklian yung pagmamamahal na ibinibigay niya sa akin. Wala naman sugurong masama kung sinubukan ko pero ayoko namang pilitin ang sarili kong magmahal kung hindi pa ako handa." Sabi ni Alyssa sa kanyang sarili.

Sinabi niya iyon sa kanyang mga kaibigan.

Sinabi niya iyon sa kanyang mga kaibigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makapagpaalam si Alyssa sa kanyang mga kaibigan, agad siyang nagpahinga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makapagpaalam si Alyssa sa kanyang mga kaibigan, agad siyang nagpahinga.

Her love story with Luigi is like an asymptote. They are like two lines that represents two people. Two lines that can't meet at one point. Like her and Luigi. They met many times but keeps on deviating and never try to stay at the same spot. Ang hirap namang ipilit kung hindi talaga pwede. Ayaw rin naman niyang saktan ang mga magulang niya. Gusto man sa kanya ng mga magulang ni Luigi, ayaw naman kay Luigi ng pamilya ni Alyssa. Masakit para sa kanyang saktan si Luigi pero ayaw naman niyang pilitin ang sarili niyang mahalin ang binata. Bukod din naman kasi sa ayaw ng mga magulang ni Alyssa sa binata, kailanman ay hindi siya nagkaroon ng pagtingin dito. You can't force your heart to beat for a person. Mas magandang magmahal ng hindi pinipilit. Ang pag- ibig ay kusang dumarating at hinihintay. Hindi pinipilit.

HER MOST VALUABLE PRAYERWhere stories live. Discover now