Ngayon ang game 2 ng championship game ng Creamline Cool Smashers at Choco Mucho Flying Titans. Nagmessage si Luigi kay Alyssa na manonood siya ng game nito.
Tinawag na si Alyssa para mag- warm up. "Ly, warm up na." Ani coach Sherwin. "Yes po, susunod na po. Saglit lang." Saad ni Alyssa.
Binulungan ni Denden si Alyssa. "Ly, anyare sayo? Okay na lang?" Denden asked. "Yeah, why?" Alyssa told Denden. "Bakit ba kanina ka pa nakangiti?" Ani Denden. Bumulong si Alyssa. "Nagmessage lang si Luigi. Manonood daw." Ani Alyssa. "Oh, kaya pala. Good for you. At least may dagdag inspiration ka bukod sa pamilya mo saka sa mga ccs fans." Ani Denden kay Alyssa. "Pero ate Ly bakit di namin kayo nakikita in public?" Tanong ni Cheska. "Wag kang maingay, ha. Low-key lang kasi kami." Ani Alyssa. "OMG ate Den. Paano ba yan? May bago na kaming ishi- ship kay ate Ly. Hindi na ikaw." Saad naman ni Faith. "E okay lang naman sa akin kahit hindi na ako ang shini- ship kay Ly. Saka gusto ko namang maging masaya siya kahit hindi na ako ang dahilan ng saya niya." Ani Denden. "Medyo mapait at masakit yon, teh. Matagal ang pagkakaibigan niyong dalawa. Kaya maraming nagshi- ship sa inyo. May mga fans kayo. Tapos, ayun. Biglang lumubog kayo. Tapos ngayon, magsasama uli kayo sa iisang team? Palibhasa alam na alam niyo kung paano kami kunin, e. Palibhasa, isang ayuda lang mula sa inyo, bibigay na kami. Palibhasa, isang picture niyo lang na magkasama makakaramdam na naman kami ng pag- asa." Ani Faith. "Pag- asang ano?" Tanong ni Denden. "Pag- asang baka pwede pa. Char. Alam ko namang may asawa ka na ate den. Pero bakit parang meron pa?" Saad ni Faith. "Husto na, tara na. Baka hinahanap na tayo ni coach. Kailangan na nating maghanda para sa pagpunta natin sa Araneta." Ani Alyssa.
YOU ARE READING
HER MOST VALUABLE PRAYER
FanficAlyssa Valdez, a popular volleyball player in the world, team captain of the philippine national women's volleyball team and team captain of Creamline Cool Smashers, was heartbroken when her long time boyfriend, Kiefer Ravena broke up with her. How...