Habang tumatagal, mas lumalalim na ang nararamdaman ni Luigi para kay Alyssa.
Hindi pa rin sinusuklian ni Alyssa ang pagmamahal na ibinibigay ni Luigi sa kanya dahil sa kanyang takot na baka maulit ang sakit na idinulot sa kanya ng kanyang nagdaan na relasyon.
Napapadalas rin ang pag- aya ni Luigi kay Alyssa na lumabas at mamasyal. Madalas naman itong mapansin nina Jia at Faith Alexandria.
"Ate Ly, ha parang may hindi ka sinasabi sa amin ni ate Jia." Sabi ng bunso ng barkada na si Faith Alexandria. "Ha? Wala, ah. Saka wala naman akong dapat sabihin." Ani Alyssa. "Kumusta kayo ni kuya Luigi, ate? Di ba nasabi mo na binigyan mo uli siya ng pagkakataong patunayan sayong mahal ka niya kahit minsan na siyang nagsinungaling sayo nung hindi niya sinabi sayong magkaibigan sila ng ex mo? Kumusta na kayo ngayong dalawa? Nagkikita pa rin kayo? O baka naman wala na. Iniiwasan mo na ulit siya." Ani Jia. "Nagkikita pa rin kami. Mamaya lalabas uli kami. Manonood kami ng sine. Sama kayo. Mag- date kayong dalawa." Saad ni Alyssa. "Ano namang panonoorin niyo, teh?" Tanong ni Faith. "Yung Pinoy adaptation ng My Sassy Girl. Faith idol mo si miss Toni diba? Go ka na. Sumama ka na sa amin. Tapos message mo si miss Toni tungkol sa panonood niyo." Ani Alyssa. "Ay teh, buti naisip mo yan. Si Sandro na lang ang isasama kong manood." Ani Faith Alexandria. "Imemessage ko na rin si Miguel para lahat tayo may date. Anong oras kayo manonood ate Ly?" Tanong ni Jia. "8:30 pm, last full show." Ani Alyssa. "Sige, gawa na lang tayo ng GC nating tatlong couples. Para hindi na tayo mahirapan." Sabi ni Faith.
YOU ARE READING
HER MOST VALUABLE PRAYER
FanfictionAlyssa Valdez, a popular volleyball player in the world, team captain of the philippine national women's volleyball team and team captain of Creamline Cool Smashers, was heartbroken when her long time boyfriend, Kiefer Ravena broke up with her. How...