CHAPTER 13 - DATING AGAIN AFTER A SHORT BREAK

43 2 0
                                    

Itinuloy nina Alyssa at Luigi ang kanilang dating stage. Nahinto ito noon pansamantala nang hindi ito sang- ayunan ng buong pamilya ni Alyssa.

"Salamat naman at pwede na nating ituloy yung naudlot nating pagde- date." Sabi ni Luigi. "Tuwang tuwa ka naman." Ani Alyssa. "Siyempre may pag- asa nang maging tayo in the future." Ani Luigi. "You are so consistent." Ani Alyssa. "Ganoon naman talaga ako sa panliligaw. Consistent. Kahit ipagtabuyan mo na ako nang paulit- ulit, paulit- ulit pa rin akong babalik at babalik sayo." Ani Luigi. "Alam mo, napaka- consistent mo. Sana wag kang magbago." Ani Alyssa. "I won't. Lagi naman akong babalik at babalik sayo, ikaw at ikaw pa rin naman ang paulit ulit kong pipiliin araw araw." Ani Luigi. "Alam mo ikaw, ang corny mo." Saad ni Alyssa. "Ganoon naman talaga kapag nagmamahal ka. Nagiging corny ka. Pero ganoon talaga, nagmamahal ka e." Ani Luigi. "May gusto ka bang puntahan?" Tanong ni Alyssa. "Tara sa La Salle." Aya ni Luigi. "Baka naman itaboy ako ng mga La Sallian. Hindi kaya kami welcome sa La Salle." Sabi ni Alyssa. "Bakit ka naman nila itataboy? Ako nang bahala. Hindi ka nila itataboy. Basta kasama mo ako. Ako ang magtataboy sa kanila." Ani Luigi. "Ano namang gagawin natin sa la salle?" Tanong ni Alyssa. "Gusto mong maglaro ng volleyball?" Sabi ni Luigi. "Wala naman akong makakalaro." Saad ni Alyssa. "Ako. Dalawa tayong maglalaro." Ani Luigi. "Naglalaro ka ng volleyball?" Alyssa asked Luigi. "Nope, but I'm willing to learn. Para naman makasabay ako sa mga ginagawa mo sa life." Ani Luigi. "Ngayon na ba tayo maglalaro?" Tanong ni Alyssa. "Gusto mo ba?" Tanong ni Luigi pabalik. "Oo naman. Nakakamiss rin kasi siyempre ilang buwan na mula noong natapos yung huling conference." Sabi ni Alyssa.

Nagpunta sina Alyssa at Luigi sa La Salle. "Maganda rin pala rito sa La Salle. Saan ang training area rito ng mga athlete niyo ng volleyball?"  Tanong ni Alyssa kay Luigi nang makarating sila sa La Salle. "Sa green hills." Saad ni Luigi. "Ay shocks. Sa ano sa Mandaluyong?" Ani Alyssa. "Oo, sa Ateneo ba? Saan ba kayo nagtre- training usually?" Tanong ni Luigi. "Blue eagle gym." Sagot ni Alyssa. "Ano, tara laro?" Aya ni Luigi. Agad namang pumayag si Alyssa.

They played for two hours. One on one.

"Ah! Pagod na ako, magpahinga muna tayo. Masyado kong namiss maglaro. Salamat, ah. Nakapaglaro uli ako. Yun nga lang, sa biggest rival naman ng alma mater ko." Nakangiting sabi ni Alyssa. "Okay lang yan. Ano, tara naman sa Ateneo?" Sabi ni Luigi. "Ha? Ano namang gagawin natin doon?" Tanong ni Alyssa. "You wanna play basketball, too? Para fair. Kasi naglaro ka ng volleyball sa La Salle, dapat naman sigurong maglaro rin ako ng basketball sa Ateneo. Basta ikaw naman ang bahala sa akin pag pumunta tayo sa blue eagles gym." Ani Luigi.

Agad namang pumayag si Alyssa. Pumunta sila bi Luigi sa blue eagles gym.

They also played basketball. And lasted for an hour.

"Pagod na ako, Luigi. Next time uli." Saad ni Alyssa. Luigi misinterpreted it. "Pagod ka na? Ayaw mo na? Wala nang chance? Final na?" Sunud sunod na tanong ni Luigi kay Alyssa. Kumunot naman ang noo ni Alyssa. "Ha? Anong sinasabi mo?" Sabi ni Alyssa. "E sabi mo kasi pagod ka na, eh." Sabi ni Luigi kay Alyssa. "Hay, na- misinterpret na naman yung sinabi ko. Oo nga, sinabi kong pagod na ako pero ang tinutukoy ko, yung sa basketball. Next time uli. Anong ayaw mo na ang pinagsasasabi mo riyan? Iba yun." Paliwanag ni Alyssa. "Oh, akala ko ayaw mo nang ituloy ko yung panliligaw ko sayo." Sabi ni Luigi. "Hindi ano ka ba naman. Hindi yun ganoon." Sabi ni Alyssa. "Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Luigi kay Alyssa. "Medyo lang." Sabi ni Alyssa. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Luigi. "Pizza saka fries, haha. Saka ice cream na rin." Sagot ni Alyssa. Bumili si Luigi ng fries sa Potato Corner, pizza sa Greenwich at ice cream sa isang Creamline ice cream store.

"Here are your cravings. Feeling ko time of the month mo." Sabi ni Luigi. "Bakit mo nasabi?" Tanong ni Alyssa. "Ang dami mong cravings. Kaya mo bang ubusin to lahat?" Sabi ni Luigi. "Bakit? Masama bang mag- crave ng maraming pagkain? Saka napagod ako sa paglalaro eh. Kaya natural gugutumin talaga ako nang sobra." Sabi ni Alyssa. "Pwede mo rin naman akong samahang ubusin to lahat. Hindi ko to mauubos mag- isa. Siyempre kailangan ko ng makakatulong sa pag- ubos. Ano, sasamahan mo ba akong ubusin to? Okay lang naman kung hindi. Marami naman silang pwedeng tumulong sa akin sa bahay ko sa manila. And lilinawin ko lang, ha. Hindi ko time of the month. Sadyang gutom lang ako dahil sa pagod." Sabi ni Alyssa. Agad siyang nagsimulang kumain. Sinabayan siya ni Luigi. "Gutom na gutom ka nga talaga. Sige, kumain ka lang diyan. Magpakabusog ka. Alam ko pagod ka dahil sa mga nilaro natin. Saka pasensiya ka na rin kasi dinala kita sa La Salle." Sabi ni Luigi. "Okay lang ano ka ba. Wala namang kaso sa akin yun." Sabi ni Alyssa. Ipinagpatuloy nina Alyssa at Luigi ang paglalakad. "Hatid na kita, baka hinahanap ka na." Saad ni Luigi. Hinatid ni Luigi si Alyssa pauwi. Agad na nagpaalam si Luigi pagkahatid kay Alyssa. "Oh, Ly magpapaalam na ako. Next time uli, ha." Paalam ni Luigi kay Alyssa. "Thanks Luigi. Mag- iingat ka." Sabi ni Alyssa kay Luigi.

"Ate Ineng, nandiyan ka na pala. Saan kayo galing? Pawis na pawis ka." Tanong ni Kian sa kanyang ate. "Galing ako sa Ateneo at La Salle." Sabi ni Alyssa. "Ha? Ateneo? La Salle? Bakit ka naman pumunta sa La Salle, ate?" Ani Kian. "Nag- volleyball at basketball ako." Sagot ni Alyssa. "Ha? Bakit nagbasketball ka teh?" Tanong ni Kian. "E para fair. Pinag- volleyball ko si Luigi sa Ateneo. Kaya nagbasketball ako sa La Salle." Paliwanag ni Alyssa. "Ah kaya pala nagbasketball ka sa La Salle. Sige ate, magpahinga ka na. Baka mamaya makita ka nina itay." Sabi ni Kian. Agad namang umakyat si Alyssa sa second floor.  "Oh anak. Saan ka ba galing? Pagod na pagod ka." Sabi ni nanay Lita. "Ah nay mano po." Ani Alyssa sabay mano sa kanyang ina. "Kaawaan ka ng diyos anak. Saan ka nga galing?" Tanong uli ni nanay Lita. "Sa Ateneo po saka sa La Salle." Sabi ni Alyssa. "Sinong kasama mo?" Tanong ni nay Lita. "Si Luigi po. Nagbasketball at volleyball po kami." Sabi ni Alyssa. "Kumain ka na ba ng hapunan?" Tanong ni inay Lita. "Hindi pa po." Sagot ni Alyssa. "Nako kumain ka na roon saka ka magpahinga." Saad ni inay Lita. Agad namang sumunod si Alyssa sa kanyang ina.

HER MOST VALUABLE PRAYERWhere stories live. Discover now