CHAPTER 12 - CAN'T WE GIVE IT A CHANCE?

35 2 0
                                    

Ilang araw nang hindi nag- uusap sina Luigi at Alyssa pagkatapos nang kanilang huling pagkikita at pag- uusap. Sinubukang kausapin nina Jia at Faith ang kanilang ate Alyssa para kumustahin.

"Ate Ly? Kumusta ka na?" Sabi ni Jia. "Okay lang naman, Julia." Sagot ni Alyssa. "Ate sigurado ka? Ilang araw mo nang iniiwasang makausap si kuya Luigi." Sabi ni Faith Alexandria. "Uhm, Faith, correction. Ilang araw na niyang hindi nakakausap. Hindi niya iniiwasang kausapin. Wala naman silang napag- awayan o hindi napagkasunduan nung huling beses silang nagkita." Ani Jia. "Ah." Maiksing saad ni Faith. "E ate ly, bakit nga ba kasi hindi mo na siya nakakausap? Ayaw ka na ba niyang kausapin? Ano bang mga sinabi mo sa kanya nung huling beses mo siyang nakausap?" Tanong naman ni Jia. "Sinabi ko sa kanyang ayaw sa kanya ng mga magulang at mga kapatid ko." Sagot ni Alyssa. "Bakit? Dahil lang ba sa nalaman nilang kaibigan niya yung ex mo? O may iba pang dahilan?" Tanong ni Faith. "Sinabi ko lang sa kanya yung totoo. Ayokong magsinungaling." Saad ni Alyssa.  "Oo nga naman. Anong reaksiyon niya ate?" Tanong ni Jia. "Malungkot as expected. E hindi ko na nga alam kung anong sasabihin ko." Ani Alyssa. "Subukan mo kaya siyang kausapin, teh? Baka pwede pa naman ninyong ayusin ate Ly." Sabi ni Jia. "Baka hindi niya ako replyan." Sabi ni Alyssa. "Subukan mo, teh. Hindi mo masasabing hindi ka niya rereplyan unless hindi mo susubukan." Saad ni Faith. Alyssa tried to send a text message to Luigi.

 Alyssa tried to send a text message to Luigi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

9:15 am

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

9:15 am. Nasa venue na si Luigi at inaantay si Alyssa. Makalipas ang limang minuto, dumating na rin si Alyssa na tila hapong hapo. "Sorry. Late ako." Sabi ni Alyssa kay Luigi habang humihinga nang malalim. "Okay ka lang? Pagod na pagod ka ah. Anong nangyari sayo?" Ani Luigi. Humingi ng tubig si Luigi sa waiter. "O uminom ka nga muna. Ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong ni Luigi. Uminom si Alyssa ng tubig bago sumagot.

"Sorry, tumakbo kasi ako papunta rito. E ang akin lang, baka pwede nating ayusin." Ani Alyssa. "Ayaw sa akin ng family mo, diba?" Sabi ni Luigi. "O e ano ngayon? Wala naman sa kanila ang final say. Pero alam mo, naisip ko na yan. Baka pwedeng itry lang natin." Ani Alyssa. "Try? Sure ka? Paano kung tama sila? Na hindi ako para sayo." Ani Luigi. "Pero paano kung ikaw na yung matagal kong hinihintay?" Saad naman ni Alyssa. "Gusto mo bang subukang ipaglaban kung anong meron tayo? LuiLy endgame?" Ani Luigi sabay pinkie swear. Nag- pinkie swear din si Alyssa. "LuiLy endgame." They both said i chorus. Sabay silang napangiti pagkatapos. "Order na tayo. Baka sabihin ng ibang mga customers andito lang tayo para tumambay." Sabi ni Alyssa. "Ay, oo sige. Tara." Saad ni Luigi. 

Pagkatapos nilang maka- order, bumalik sila sa table na kinaroroonan nila kanina. 

"Ly?" Basag ni Luigi sa nakakabinging katahimikan. "Hmm?" Sagot ni Alyssa. "Sigurado ka bang gusto mong ipagpatuloy yung nasimulan natin?" Tanong ni Luigi. "Oo, bakit? Ayaw mo ba?" Tanong ni Alyssa pabalik. "Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka pagalitan ka. Ayoko lang namang magkasamaan kayo ng loob ng mga magulang at mga kapatid mp." Sagot ni Luigi. "Hindi nga ako nagkamali ng desisyon. Tama lang na ipaglaban kita. Tama lang na kausapin ulit kita para magkaayos tayo." Ani Alyssa. "Pero Ly kapag ikaw pinagalitan dahil lang kinausap mo ako ulit nang hindi nila alam, sana wag kang magtanim ng sama ng loob sa kanila, ha." Ani Luigi. Agad na sumang-ayon si Alyssa. 

After having a break, Alyssa went back to her friends. They went back to their old university.

"Guys, nakausap ko na si Luigi." Sabi ni Alyssa kina Jia at Alexa. "O ate Ly, anong naganap?" Tanong ni Alexandria. "Guys, plano na naming ituloy." Sagot ni Alyssa. Namayani ang katahimikan kina Jia at Alexandria. Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Alyssa. "Sigurado na ba kayo ate—mali. Handa ka na ba ate? Kasi ikaw ang mapapagalitan nina tita." Ani Jia. "Ate, pinag- isipan mo na ba nang maigi yang desisyon mo?" Tanong ni Faith. "Its been what, two years? Siguro sapat nang panahon yon para sa akin para mag- heal." Ani Alyssa. "Sabagay, hindi naman namin masasabi kung kailan ka dapat mag- move on kasi hindi naman kami ang may hawak ng nararamdaman mo. 2 years is already enough, we guess." Sabi ni Jia. "Ate if your decision is already final, we'll support the both of you." Ani Faith. "Thank you." Ani Alyssa. "Pero ate Ly, kausapin mo sina tita at tito, ah? Huwag mong antaying sa iba pa nila malaman to." Ani Jia. "I'll tell them once I got home." Ani Ani Alyssa.

"Nay, tay, pwede ko po ba kayong makausap?" Saad ni Alyssa nang makarating siya sa kanilang bahay sa Batangas. "Ineng, may sasabihin ka ba?" Tanong ni tatay Ruel. "Tay, nay, pasensiya na po. Kanina po kasi nagkita- kita po kami nina Jia at Alexa. At nagkita rin po kami ni—." 

Bago pa masabi ni Alyssa kung sino ang isa pa niyang kinita sa maynila ay tila nabasa na ni inay Lita kung sino iyon. "Si Luigi ba?" Tanong ni inay Lita kay Alyssa. Agad na tumango si ineng. Napasapo sa noo si itay Ruel.  "Ineng naman. Hindi ba't sinabi na naming iwasan mo siya? Napakatigas ng iyong ulo. Bakit ka nakipagkita sa kanya?" Tanong ni inay Lita. "Nakipagkita po ako kasi sinabi ko po sa kanya na itutuloy po namin ang nasimulan namin, nay. Wala naman po akong nakikitang mali sa ginagawa namin. Dalawang taon na rin naman po akong single. Kaya wala naman sigurong masama kung bigyan ko siya ng pagkakataong mahalin ako." Ani Alyssa. "Anak, hindi ka naman namin pipigilang magmahal. Pero sana naman anak iba na lang." Sabi ni tay Ruel. "Hindi mo ba naisip na kapag lumabas kayo, may posibilidad na magkita kayo nung g*go mong ex?" Ani nanay Lita. "Opo, naisip ko na po yan bago ko po kinausap si Luigi. Handa po ako sa mga posibleng mangyari, nay." Ani ineng. "Alam mo namang magkaibigan sila, hindi ba? Anak, kapag nagkita kayo ni kiefer, maaalala mo na naman ang sakit na dinulot niya sayo mula noong maghiwalay kayo. Alam mo ba yon?" Ani Tatay Ruel. "Alam ko po. At nakahanda na po ako sa posibleng mangyari." Ani Alyssa. Napahaplos si tatay Ruel sa kanyang buong mukha. "Handa ka na nga talagang magmahal ulit. Ipinaglalaban mo na yung nararamdaman mo. Sige na anak, mahalin mo na si Luigi. Magmahalan na kayo. Kung sakali mang magtanon na siya sayo, kung sakali mang gusto ka na niyang maging girlfriend, pakiramdaman mo. Sagutin mo na siya kung alam mong handa ka na." Ani nanay Lita. "Salamat nay. Kapag nasaktan po ako, hindi ko po kayo sisisihin." Ani Alyssa. "Basta anak kapag nasaktan ka, nandito lang kami." Ani nanay Lita.

"Ineng, bakit ka naman nakipagkita kay Luigi?" Tanong kay ineng ng kanyang panganay  na kapatid. "Kuya, gusto ko lang pong magkaayos kami." Ani Ineng. "Hindi naman kayo nag - away, ah."  Ani kuya Nicko. "Hindi nga kuya pero, nasaktan ko siya." Ani Alyssa. "Kaya gusto mo siyang makausap para at least mabawasan yung sakit na nararamdaman niya dahil sa sinabi mo nung huling beses kayong nagkita?" Sabi ni kuya Paulo. Tumango si ineng. "Naiintindihan ka namin ineng pero sana naisip mo na yun mararamdaman nina nanay at tatay." Sabi ni kuya Nicko.  "Kuya hayaan mo na si ate ineng. Nasabi naman na niya ito kina itay. At ayos laang iyon sa kanila." Biglang nagsalita si Kian mula sa likod. Napalingon naman sa kanya ang kanyang mga kapatid. "Ano? Alam ito nina inay?" Saad ni kuya Nicko. "Oho." Sagot ni ineng. "Nakausap mo na pala sina itay. Aba eh hindi na kami kokontra. Wala na kaming magagawa kapag nakausap mo na sila." Ani kuya Paulo. "Basta ate, kapag ikaw nasaktan, andito laang kami." Ani Kian. "Salamat." Saad ni Ineng sabay yakap sa kanyang mga kapatid.

HER MOST VALUABLE PRAYERWhere stories live. Discover now