CHAPTER 2 - FOCUS, LY, FOCUS!

91 2 0
                                    

May training ngayon ang Creamline Cool Smashers. Umattend si Alyssa sa training pero wala siya sa focus.

Hindi niya mapalo nang maayos ang mga bolang sine- set ni Jia para sa kanya.

"Water break!" Sigaw ni coach Sherwin. Nilapitan ni coach Sherwin si Alyssa. "Aly, ano bang nangyayari sayo? Wala ka sa focus. Dahil pa rin ba sa hiwalayan niyo ni Kiefer? Sabihin mo kung kaya mo na. Sa ginagawa mo, sa pinapakita mo ngayon, hindi mo pa kaya. Alam mo, magpahinga ka muna." Ani coach Sherwin. "Coach, sorry." Paghingi ng tawad ni Alyssa. "Alyssa, kung hindi mo pa kaya, pwede ka namang umabsent. Ly naman. Concentrate. Kung hindi mo pa kaya, wag mo nang pilitin." Ani coach Sherwin. "Sorry coach, babawi ako." Ani Alyssa. Lumapit si Jia kay Alyssa. "Ate Ly, sigurado ka? Ate hindi mo kailangang pilitin. Wag ka munang umattend ng training bukas. Kaya naman na namin e. Okay ate?" Ani Jia. "I'm your captain." Ani Alyssa. "I can take care of the team muna ate. Sige na, pahinga ka na ate ly. Maawa ka sa sarili mo. Hindi ka makapag- concentrate o. Ate Ly, please, go home." Ani Jia. Humagulgol si Alyssa at napatakip sa kanyang mukha. Hanggang sa nawalan siya ng malay. "Ate Ly!!"  Sigaw nina Jia at Faith. "Let's carry her and bring her to the hospital. Now!" Ani coach Sherwin.

Dinala si Alyssa sa ospital. "Jia, anong nangyari kay Alyssa?" Tanong ng mga magulang ni Alyssa kay Jia. "Naku, tita, tito, hinimatay po si ate Ly kanina. Masama po yata ang pakiramdam niya. E tita hindi rin siya maka-concentrate sa training. Lahat po ng set ko sa kanya di niya natitira nang maayos. Samantalang dati, ang lalakas ng mga tira niya sa mga sets ko. Nakakapanibago nga po yung performance niya kanina. Di rin po namin siya makausap nang maayos." Sagot ni Jia. "Naghiwalay na kaya sila ni Kiefer, tay?" Ani nanay Lita sa kanyang asawa. "E Hindi ko alam dahil hindi pa naman natin nakakausap si ineng nay. Antayin muna nating umayos ang pakiramdam ni ineng bago natin siya tanungin." Ani Tatay Roel.

Makalipas ang isang oras, nagkamalay na si Alyssa.

"Jia? Alexandria? Tay? Nay? Bat nandito tayo sa ospital?" Nanghihinang saad ni Alyssa. "Ate Ly, you're awake!" Ani Faith Alexandria. "Faith, anong nangyari sa akin? Ba't nandito ako sa ospital?" Tanong ni Alyssa kay Faith Alexandria. Napatingin si faith sa mga tao sa paligid nila ni Alyssa. Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya kay Alyssa. "You lost your consciousness." Sagot ni Alexandria. "Ha? Sinong nagbuhat sakin?" Tanong ni Alyssa. "Medical team, teh." Sagot ni Jema. "Halla nakakahiya. Ang bigat ko." Ani Alyssa.

Biglang pumasok si coach Sherwin. "You're awake na pala." Ani coach Sherwin. "Halla coach sorry. Pakisabi sa statmed. Mabigat ako e." Sabi ni Alyssa. "Sanay na sila." Sabi ni coach Sherwin. "Kumusta ka na 'teh?" Ani Faith.  "Nanghihina pa rin." Ani Alyssa. "Masakit pa rin, ate?" Tanong ni Jia kay Alyssa. "E five years yun, eh." Ani Alyssa. "E yung katawan mo? Okay pa ba yan, te?"  Tanong naman ni Alexandria. "Okay naman." Sagot ni Alyssa. 

"Alam niyo, naiinggit ako sa inyong dalawa. Buti pa kayo, happy yung lovelife niyo." Biglang sambit ni Alyssa sa kanyang mga kaibigan. Nagkatinginan sina Jia at Alexandria. "Our ate Ly is being quite jealous right now. Dati tayo ang nagseselos sa kung anong meron sa kanila nung g*g*ng yun eh, ang sakit talagang magmahal ng maling tao." Ani Alexandria. "Alexa, nasaan si Sandro? Bakit di mo kasama?" Tanong ni Jia. "Busy teh." Sagot ni Alexandria. "Busy saan?" Tanong ni Alyssa. "Sa babae niya."  Sagot uli ni Alexandria. Nagulat sina Alyssa at Jia sa kanilang narinig.  "Girl, may babae yung jowa mo?"  Hindi makapaniwalang tanong ni Jia. Biglang dumating si Sandro sa ospital para kumustahin si Alyssa. "Hi, love! Hi ate Ly, Jia." Bati ni Sandro. Saka siya tumabi kay Faith at hinalikan ito sa pisngi. "How could you do this to Alexa?!" Walang prenong tanong ni Alyssa. "Which one ate Ly?" Nagtatakang tanong ni Sandro. "Anong which one? May babae ka diba?" Sabi ni Jia. "Jia, wala." Tanggi ni Sandro. "So you're telling us right now na nagsisinungaling si Alexandria?" Tanong ni Alyssa. "No. Wala akong sinasabing nagsisinungaling siya, ate." Sabi ni Sandro. "O e bakit naman sinabi niyang nandoon ka raw sa babae mo kaninang hinahanap ka namin sa kanya?" Tanong ni Jia. Napatingin si Sandro sa kanyang kasintahan.

Tahimik lang ito at hinayaang magsalita si Sandro. "Baka naman ginu- good time niya lang kayo." Malungkot at halos mangiyak- ngiyak na saad ni Sandro. Faith went beside Alyssa. "Mauuna muna ako ate ly. Balik ako later. Doon lang ako sa rooftop." Paalam nito. Sumunod sayo si Sandro. "Adi, wait!" Ani Sandro. "You wanna say something, love?"  Malambing mong tanong sa kanya.

"Anong sinasabi mong may babae ako? Adi naman..." Aniya. "E gusto ko lang naman malaman kung anong magiging reaksyon nila. Malay ko bang maniniwala agad sila." Ani Faith. "Love naman, eh. Wag namang ganoon." Saad ni Sandro. Naglakad si Alexandria pabalik sa kwartong kinaroroonan ni Alyssa. Hinabol siya ni Sandro. "Adi, wait!" Ani Sandro.

"Ano?" Tanong ni Faith. "Love wag namang ganoon." Sabi ni Sandro kay Faith.  "Relax, sasabihin ko na sa kanilang joke lang yun. Tara na, samahan mo 'ko." Ani Faith.

"O bumalik na rin kayo. Nakausap mo na ba to tungkol sa babae niya?" Tanong ni Alyssa kay Alexandria. "Ang totoo niyan ate, wala talaga yang babae maliban sa nanay niya. Prank ko lang sa inyo yun ni ate Julia Melissa." Sabi ni Faith Alexandria. "FAITH ALEXANDRIA SORIANO MONDRAGOOOOOOOOOOOOOOOOON!" Sabay na sabi ng JiaLy. "O easy mga ate, hindi ko kayo kaya. I'm just testing you." Ani Alexandria. "Testing? Why are you testing us? Are you a tester?" Ani Jia. "Ate Julia Melissa naman..." Ani Faith.  "Nagbibiro lang din ako." Ani Jia.

"Ano bang ginawa niyo sa labas?" Tanong ni Alyssa kina Sandro at Faith. "Nag- usap,  tapos suyuan sa asotea." Ani Alexandria. "Bakit kailangang doon pa sa asotea?' Tanong ni Jia. "Mas malamig kasi doon, teh" Ani Alexandria. "Ay baka naman malamig kasi magpapasko, diba? Saka ano, basta December, malamig." Ani Jia. "Pero kayo, ha. Okay kayo?" Tanong ni Jia kay Faith. "Opo ate. E kayo po ba ni kuya Miguel? Okay po ba kayo?" Tanong ni Faith kay Jia pabalik. "Oo. Okay kami. Ate Ly, palakas ka ha. Babalik ako mamaya, ha?" Paalam ni Jia kay Alyssa. "O may training kayo?" Tanong ni Alyssa. "Wala ate, cancelled." Ani Jia. "O e saan ka pupunta, Julia Melissa Morado De Guzman?" Ani Alyssa. "Ate Alyssa Caymo Valdez, bibili lang ako ng pagkain sa baba. Saka grabe ka ate Ly, ha. Buong buo e." Ani Jia. "Bakit?  Buong buo rin naman yung pagkakabanggit mo ng pangalan ko, ah. Grabe ka sa akin." Ani Alyssa. "O awat na mga ate." Pag- awat ni Faith kina Alyssa at Jia. "Ayan na ang ating peacemaker, Julia. Wala na tayong laban dito kay Faith Alexandria Soriano Mondragon Marcos." Natatawang saad ni Alyssa. "Grabe ka naman ate Ly. Buong buo na nga, may pasobra pa. Bakit naman dinagdagan niyo ng Marcos yung apelyido ko? Hindi pa naman kami kasal ni Sandro ah." Saad ni Faith. "Hindi 'pa'." Sabay na sabi nina Alyssa at Jia. "So meaning, pwedeng mangyari yung sinabi namin? Na magkakatotoo yung pangalan mong Faith Alexandria Soriano Mondragon Marcos? Ha? Magiging Marcos ka in the future? Yiee, magiging misis Marcos siya." Pang-aasar nina Alyssa at Jia sa kaibigan nilang si Faith. "Teka nga mga ate. Ang usapan si ate Aly ate Jia e ha. Kakabreak pa lang nila ni kuya Kiefer kaya nawawala siya sa focus sa training e. Tapos ngayon ako na ang inaasar niyong dalawa? Bahala nga kayo." Ani Faith Alexandria saka siya lumabas. "Halla ate Ly, napikon yata." Ani Jia kay Alyssa. "Tara sundan natin." Aya ni Alyssa kay Jia. "Teka ate yung dextrose mo. Antayin mo lang ako rito ate ha. Kuha lang ako ng wheelchair tapos sundan natin yung bata." Ani Jia kay Alyssa. "Sige." Pagpayag ni Alyssa.

Sinundan ni Alyssa at Jia si Faith. "Faith! Faith, sandali!" Tawag no Alyssa kay Faith Alexandria. "Ate Ly, ate Jia. Bakit kayo sumunod?" Tanong ni Faith. "Faith, sorry." Sabay na sabi ni Jia at Alyssa. "Teka, ate sorry saan? Bakit kayo nagsosorry?" Tanong ni Faith Alexandria sa dalawa. "Kasi diba kanina, inaasar ka naming Faith Alexandria Soriano Mondragon Marcos?" Paalala ni Alyssa. "O ano namang problema roon, sis?" Saad ni Faith. "E baka kasi napikon ka kaya ka nag- walk out." Ani Jia. Natawa naman si Faith sa sinabing iyon ni Jia. " Hahaha. Eme eme ko lang yung walkout sis, wag kayong mag- alala. Saka okay lang namang asar asarin niyo ko ng ganoon. Pero alam mo ate Ly, ang dapat nating inaasar, ha. Ito." Sabi ni Faith sabay turo kay Jia. "Bakit?" Ani Alyssa. "Baka mamaya buntis na siya hindi lang nagsasabi." Ani Faith. "Jusko e hindi pa nga sila kinakasal ni Miguel." Ani Alyssa. "Hmmm, te Jia baka naman magpro-propose na. Hahaha." Biro ni Alexandria kay Jia. "Hay nako. Hindi pa ba kayo nagugutom? Gutom na ako." Pag-iiba ni Jia sa usapan. "Uyy, dina- divert niya yung usapan. Nako ah. May tinatagong sikretong malupit sa atin to te Ly." Ani Faith Alexandria kay Alyssa. "Hayaan mo, sasabihin din niya yan."  Ani Alyssa kay Faith. "Tara ate balik ba tayo. Magpahinga ka na. Baka hinahanap ka na rin doon." Ani Jia. "Tara Faith." Aya ni Alyssa kay Faith. "Sige ate Mauna na kayo. Bibili pa ako ng pagkain sa labas. May ipapabili kayo?" Tanong ni Faith. "Pizza. Ay ice cream pala. Hindi pizza. Ice cream." Ani Alyssa. "Okay ate, noted." Ani Faith.

HER MOST VALUABLE PRAYERWhere stories live. Discover now