Nagpa- plano na ngayon si Luigi na tanungin si Alyssa kung pwede na bang maging sila.
"Ly, can I ask you something? Alam ko naman na hindi sasang- ayon yung mga magulang mo rito pero nasayo pa rin naman ang desisyon. Alyssa, my MVP, my best captain, my POG in every game, will you be my girlfriend?" Tanong ni Luigi kay Alyssa. Nagulat si Alyssa dahil sa biglaang pagtatanong ni Luigi. "Luigi alam mo, for six months, inoobserbahan kita. Pati na ng mga kaibigan ko. Nung una natatakot akong mag- commit kasi alam mo naman, diba? Kaibigan mo si Kiefer at alam ko na magkaiba kayong tao pero kasi hindi naman maiwasang isipin na.. You know, baka raw kapag sinagot kita, isipin nila na rebound ka lang. Na tinuhog ko kayong dalawa ni Kiefer. Sa totoo lang matagal ko nang pinaghahandaan tong araw na to kasi alam ko sa sarili kong pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kiefer noon, alam kong handa na akong magmahal ulit. Medyo natagalan nga lang but at least, diba. Salamat sa pagtitiyaga. Kaya ngayon, panahon na para masuklian yung pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Sinasagot na kita." Ani Alyssa. Luigi was the happiest man alive today after hearing those words from Alyssa. "Sinisigurado kong hinding hindi mo pagsisisihan yung naging desisyon mo. Alam kong sinabi na to ni Kiefer at para na rin tong sirang plaka. Pero hinding hindi ko ipararanas sayo yung sakit na ibinigay niya. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Alagaan ka, tapos, siaigurasuhin ko sayo na Ikaw ang magiging pinakamasayang babae. Pangako." Ani Luigi.
Makalipas ang ilang buwan, wala ngang ibang pinakita si Luigi kay Alyssa kundi pagmamahal.
"Happy third monthsary, mine." Bati ni Luigi kay Alyssa. "Happy 3rd monthsary." Bati rin ni Alyssa kay Luigi. "Okay ka lang?" Tanong ni Luigi kay Alyssa. Napansin kasi nitong parang may malalim na iniisip si Alyssa. "Sorry, feeling ko lang masyadong mabilis. Kasi—."
Biglang nagsalita si Luigi. "Ganoon talaga kapag masyado kang masaya. Bumibilis ang oras." Saad niya. "Paano kung makita tayo ni Kiefer?" Tanong ni Alyssa kay Luigi all of a sudden. "E di makita niya. Wala namang problema sa akin kung makita niya tayo eh. Kung sabihin man niyang ang bilis mong makamove on, sasamahan kitang magpaliwanag. Ako ang bahala." Ani Luigi.
Dinala ni Alyssa si Luigi sa Batangas. Ipinakilala niya ito sa kanyang pamilya.
"Nay, tay, magandang hapon po. Pasensiya na po at di po ako nakapagsabing uuwi ako. Ah si Luigi po yung—."
Biglang nagsalita ang tatay ni Alyssa bago pa siya matapos sa kanyang sasabihin.
"Siya ba ang nobyo mo anak?" Tanong ni tatay Ruel. "Halos magdadalawang taon na rin mula noong maghiwalay kayo ni Kiefer. Siya na ba ang mamanugangin namin ineng?" Tanong naman ni nanay Lita. "Pagsisibakin na ba namin siya ng kahoy ineng?" Tanong naman ng kapatid ni Alyssa na si Paulo. "Saka pag- iigibin na ba namin siya ng tubig sa poso?" Tanong naman ng isa pang kuya ni Alyssa na si Nicko. "Saka ate haharanahin ka na rin ba niya?" Tanong naman ng bunsong kapatid ni Alyssa na si Kian. "Ay very old school naman." Saad ni Alyssa. "Hoy old school old school. Cute nga e." Saad ni Paulo. "So ano nga? Boyfriend mo na ba yan?" Tanong uli ng kuya ni Alyssa na si Nicko. Dahan dahan namang tumango si Alyssa. Nanginginig ang mga kamay ni Alyssa sa takot na baka pagalitan siya ng kanyang mga magulang. "Ah Luigi, halika rito. Kakausapin ka namin." Ani Tatay Ruel kay Luigi. Agad naman itong sumunod sa kanya. Sumunod na rin sa kanila sina Paulo, Nicko at Kian. "Iho pinapaalala lang namin sayo na si ineng, nag- iisa naming babaeng anak yan." Panimula ni tatay Ruel. "At doble ang hirap sa amin kapag dumarating sa punto na may ipapakilala sa aming nobyo iyong si ineng dahil sabi ko nga unica hija. Tapos siyempre ilang beses na rin yang umiyak dahil sa maling tao. Ngayon ayaw lang naming maulit na naman yung nangyari sa mga naging ex niya. Kung pinagkatiwalaan ka ni Alyssa, sana ingatan mo ang tiwalang ibinigay niya sayo. Kasi ang hirap makitang nasasaktan si ineng e. Ha?" Sabi naman ni nanay Lita. "Malinis ba ang intensyon mo sa kapatid namin?" Tanong ni Paulo. "Opo." Sagot ni Luigi. "Ikaw ah, huwag na wag mong sasaktan yang si ineng." Sabi naman ni Nicko. "Saka kuya sana naman iwasan mo siyang paiyakin. At iwasan mo naman na sanang mababae. Kasi hindi deserve ni ate na lokohin. Napakabuti niyang tao. Napakabait niyang anak at kapatid. Sana yung kay kuya Kiefer, yun na yung huli. Yun na yung hiling beses na masasaktan ang ate ko dahil sa pag- ibig." Sabi naman ni Kian. "Ang sa amin lang, gusto lang naming maging masaya si ineng. Kami ang unang takbuhan niya kapag nasasaktan siya e, ha? Ayusin mo ang pag- aalaga at pagmamahal kay ineng, iho. Kapag yan ponaiyak mo, bibiyakin ko yang mukha mo." Pagbabanta ni tatay Ruel kay Luigi. "Opo. Iingatan ko po at aalagaan si Ly. Ayoko pong mangakong hindi siya masasaktan kasi mahirap naman pong magsalita nang tapos. Basta ako po, kung saan masaya si Alyssa, doon po ako." Saad ni Luigi. Nakatingin lang si Alyssa sa kanyang buong pamilya habang kinakausap nila ang kanyang nobyong si Luigi. Halo halo ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
YOU ARE READING
HER MOST VALUABLE PRAYER
FanfictionAlyssa Valdez, a popular volleyball player in the world, team captain of the philippine national women's volleyball team and team captain of Creamline Cool Smashers, was heartbroken when her long time boyfriend, Kiefer Ravena broke up with her. How...