TW: Mentioning of su*c*d* attempt.
Inaya ni Luigi si Alyssa na lumabas para makapag- date sila. Pero tumanggi si Alyssa dahil punung puno ang schedule niya."Love labas tayo?" Aya ni Luigi. "Sorry love, hindi ako pwedeng lumabas ngayon. May training kami. Next time na lang." Ani Alyssa. "Ilang beses ba kayo magtre- training sa isang araw? Wala ka ng oras sa akin." Ani Luigi. Natigilan si Alyssa. "Love sorry talaga. Nagtre- training kasi kami lately. Hindi ko naman naisisingit yung oras ko sayo kasi sobrang dami ko ring iniisip. Sorry." Saad ni Alyssa. Napailing si Luigi. "Alam mo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para magkaroon tayo ng oras sa isa't isa. Kailangan ko bang magset ng appointment sayo para magkaoras ka sa akin?" Tanong ni Luigi. "No. You don't have to do that. Saka isa pa, hindi ka naman ibang tao. May oras at may oras ako sayo, maghintay ka lang." Saad ni Alyssa. "No need. Wala naman akong magagawa kung talagang hindi mo ako maisisingit sa schedule mo. Alam mo, dati bilib na bilib ako sa time management mo. Kasi napupuntahan mo lahat ng mga errands mo. Mauuna na ako. Baka naiistorbo na kita." Sabi ni Luigi. "Sandali nga. Wag ka munang umalis. Mag- uusap pa tayo." Sabi ni Alyssa. "E di ba busy ka? Baka hindi mo ako maisingit sa mga aasikasuhin mo." Saad ni Luigi. Huminga si Alyssa nang malalim. "Sandali nga muna kasi. Kausapin mo muna ako nang maayos." Saad ni Alyssa. "Ano na naman bang sasabihin mo? Diba sabi mo busy ka? Niyayaya kitang lumabas para makapag- unwind ka. Kaso, sabi mo nga, busy ka. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sayo." Saad ni Luigi. "Ha? Hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa akin. Hindi mo kailangang magpa- set ng appointment sa akin para lang makasama mo ako." Saad ni Alyssa. "Oh e bakit ngayon? Inaaya kitang lumabas tapos sasabihin mong busy ka? Niloloko mo ba ako?" Ani Luigi. "No, I wouldn't ever do that." Saad ni Alyssa. "Then let's go out. Kahit ngayon lang." Saad ni Luigi. "Busy nga ako, diba? Hindi mo ba naiintindihan yon?" Saad ni Alyssa. "Fine, I'll leave now then. Saka mo na lang ako kausapin pag may oras ka na." Ani Luigi. Pagkatapos ay bigla siyang nag- walk out. Napasapo sa noo si Alyssa. Bigla itong na- frustrate. "Nakakainis naman. Akala ko pa naman maiintindihan niya ako." Bulong ni Alyssa sa kanyang sarili. Tinext ni Alyssa si Jia at Faith.
YOU ARE READING
HER MOST VALUABLE PRAYER
FanficAlyssa Valdez, a popular volleyball player in the world, team captain of the philippine national women's volleyball team and team captain of Creamline Cool Smashers, was heartbroken when her long time boyfriend, Kiefer Ravena broke up with her. How...