Chapter 23

1.5K 12 4
                                    

LEMUEL'S POV

"Oh bakit ka pala bumalik Sir? I thought susunduin mo si Ma'am Selena sa bangko diba?" nanantiyang tanong sa amin ni Abigael matapos kong tahimik na bumalik sa aking desk.

Abigael is my EA, at siya na din halos ang nakakasama ko sa lahat ng byahe kong may kinalaman sa aking negosyo.

Married na  siya actually ngunit salamat nalang dahil seaman ang mister niya kaya naman di ako masyadong nahirapan pagdating sa schedule with her. Or sabihin na nating tiwala lang siguro talaga sa kanya ang asawa niya.

"Umh yes, naihatid ko na siya sa bahay. Kaso ay may nakalimutan pala akong mga papeles na dapat kong pirmahan, right?" pagsisinungaling ko sa kanya.

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Hmm, ire remind nga sana kita talaga Sir. Kaya lang naisip kong baka may date kayo ni Ma'am kaya naman sabi ko pa ay bukas mo nalang siguro siya aayusin." sabi pa niya.

Pinilit ko namang ngumiti sa kanya.

"Wala naman kaming date Abby, naisip ko lang talagang surpresahin siya. Since matagal ko na din naman itong hindi nagagawa sa kanya." sabi ko pa.

"Sana all sweet Sir." Napapailing na sabi pa niya.

Huminga naman ako ng malalim sa sinabi niya.

"Pwede kana palang umuwi, by the way. Anong oras na din naman medyo madilim na din sa labas." patuloy ko pa habang napapatingin pa ako sa wristwatch ko.

Sinadya ko ito.

"Sure ba Sir? Kung ganon ay uuwi na ko pala. Anyway, wala kaba ibibilin para bukas ng morning sa mga deliveries natin Sir?"

Umiling-iling ako.

"So far, maayos naman ang lahat. Salamat nalang talaga sa magaling kong assistant, tama?" sabi ko pa.

"Hmmm wala yon Sir, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko."

"Ginagawa ng tama. At natutuwa ako doon Abby. Well, sana all din diba." Natatawang tugon ko pa.

***

Almost 30 minutes na ding naka alis si Abi ay tila distracted pa din ako.

As in walang pumapasok na maayos sa utak ko. In short ay windang ako talaga ako.

"Tsk..."

Napahawak nalang ako sa aking sintido.

"Nasan kaya si Selena? She said na pumasok siya sa Bangko. Pero sabi naman ni Thea ay nag leave ito today."

Muli akong napahinga ng malalim.

Hindi ko gusto ang tumatakbo sa utak ko. At lalong ayokong i entertain ito. Literally I hate my mind

Marahil ay hindi ako sanay na nagsisinungaling siya. At lalong hindi sanay na nagtataksil siya. Kung ito nga ba ang dahilan ng biglang pag absent niya.

Dahil sa hinaba-haba ng aming pagsasama ay never niya itong ginawa. At all this years ay naging faithful lang siya sa akin.

To think na sa akin lang talaga umiikot ang mundo niya.

SIGHS

Muli kong kinuha ang phone ko sa bag. To check kung may reply naba siya. At hindi naman ako nabigo.

Selena: Malapit na pala ako sa bahay Honey, musta ka diyan sa meeting mo?

Agad na napakuyom ang palad ko. At mabilis na nag type, to reply her.

Kailangan ko siyang sakyan siguro, dahil sa tingin ko ay dito ko mas malalaman kung ano ba talaga ang nangyayari.

Well, open pa din naman ako sa pag-amin niya at sabihin ang totoo sa akin.

Thicker Than Blood ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon